26/08/2026
๐๐๐ข๐ฆ๐ง๐ข ๐ฎ๐ฒ ๐๐จ๐ช๐๐ก ๐ก๐ ๐ช๐๐๐ | Yohoo, kumusta, RSUvians! Miyerkules na naman, sana nakapag pahinga ang lahat nitong nagdaang linggo para sa panibagong linggo ulit dito sa campus!
Kumusta naman ang buwan ng agosto para sa inyo? Nakakapagod ba o nawawalan na ng motibasyon sa dami ng mga activities nitong mga nakaraang linggo? Huwag kang mag-alala... Madadagdagan pa 'yan! Joke! Ganon pa man, likas na masisipag at nag-aaral nang mabuti ang mga estudyante ng RSU Sta. Maria Campus, kung kaya't bago magtapos ang buwan ng agosto, at para sa huling linggo nito, balikan natin ang mga naging bahagi o pundasyon ng wikang filipino bilang pasasalamat at pagpapahalaga sa ating wikang pambansa. Ano tara?
ALAM MO BA? (TRIVIA TIME!๐ค)
Alam niyo ba kung paano nagkaroon ng opisyal na ngalan ang wika ng ating bansa? At alam niyo rin ba na hindi agad "Filipino" ang naging tawag dito? (Hmm... Ano kaya?๐ค)
Nagsimula ang lahat noong taong 1937 sa pamumuno ni Pangulong Manuel L. Quezon. Sa tulong ng Surian ng Wikang Pambansa, pinili ang Tagalog bilang batayan ng pambansang wika. (Na siya rin tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa).
pero noong 1987 Saligang Batas (Artikulo XIV, Seksyon 6), opisyal na itinadhana na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay "Filipino". Ang pagpalit ng titik P sa F ay hindi lamang usapin ng baybay, ito ay naging simbolo ng pagiging inklusibo. (Ang daling intindihin, diba?)
Ngayon, ano ang pinagkaiba ng dalawa? Ang wikang Filipino ang wikang ginagamit ng mga Pilipino. Filipino ang ating pambansang wika na buhay at patuloy na yumayaman. Binubuo ito ng pinaghalong Tagalog, iba't ibang katutubong wika sa Pilipinas (tulad ng Cebuano, Ilocano, Hiligaynon), at mga hiram na salita mula sa Kastila, Ingles, at iba pa.
Kaya kung ikaw ang tatanungin kung anong wika o salita ang ginagamit mo, ano naman kaya ang isasagot mo?๐ค Yun lamang at sana'y may natutunan at naalala kayo sa pinagmulan ng ating Wikang Pambansa. Nawa'y patuloy rin nating tangkilikin ang sariling atin bilang pagkakakilanlan nating mga Pilipino. Hanggang sa muli, RSUvians!
๐: Kyneth Jhob B. Marquez
๐ผ๏ธ: Mark Justin Francisco