Barangay Geronimo Day Care Center

Barangay Geronimo Day Care Center

Share

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT CENTER

15/05/2026

LIBRENG CHILD DEVELOPMENT ASSESSMENT

Sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Bayan ng Montalban, sa pamumuno ni Mayor General Ronnie S. Evangelista (Ret.), sa pamamagitan ng Persons with Disabilities Affairs Office (PDAO), katuwang ang Municipal Health Office (MHO), PWD Federation of Rodriguez (PEDFERO), St. Pio Innovations Solutions Corp. at Bridges Autism App, inaanyayahan ang mga magulang at guardian ng mga kabataang Montalbeño na kabilang sa Neurodiverse Community, tulad ng mga sumusunod, na mag-avail ng libreng child development assessment at iba pang related services:

• Autism Spectrum Disorder (ASD)
• Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD)
• Attention Deficit Disorder (ADD)
• Learning Disability
• Intellectual Disability
• Speech Delay
• Developmental Delay
• Global Developmental Delay (GDD)
• Dyslexia
• Dysgraphia
• Dyscalculia
• Down Syndrome
• Sensory Processing Disorder (SPD)
• Cerebral Palsy with developmental concerns
• Behavioral and Social Communication Difficulties

✅ Walang bayad
✅ Walang mahabang paghihintay
✅ Para sa tamang assessment, intervention, at suporta

Paano mag-register:

1. I-click ang application form https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSeuEcvhCgz2aQCrtN3EKeKSZTlCnOrTtgHegT32YVoTftFMnw/viewform
2. Kumpletuhin ang hinihinging impormasyon.
3. Siguraduhing tama ang contact number upang kayo ay madaling makontak para sa schedule.
4. Hintayin ang tawag o mensahe para sa inyong assessment schedule.

Deadline ng Registration: June 10, 2026

Para sa karagdagang impormasyon at pagsusumite ng requirements, makipag-ugnayan sa :
PDAO Rodriguez
MHO Rodriguez
PEDFERO


Mobile uploads 09/05/2026

Happy Birthday Teacher Homer Valdez from Sangguniang Barangay ng Geronimo ❤️

01/05/2026

🌈 Little learners, big dreams!
Enrollment is still ongoing at Geronimo Child Development Service—come and register! 🎒✨

📚 EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT (ECCD) PROGRAM
📌 EARLY REGISTRATION / ENROLLMENT IS NOW ONGOING
🗓 School Year 2026–2027

👶 Program Offerings:
• ITED – 0–2.11 years old
• PRE-K1 – 3–3.11 years old
• PRE-K2 – 4–4.11 years old

📌 REQUIREMENTS:
• 3 pcs. 2x2 ID picture ng bata
• Photocopy ng Birth Certificate
• Photocopy ng Immunization Card / Vaccination Record
• White long folder na may plastic cover

📍 Enrollment Details:
Magpunta sa pinakamalapit na Child Development Center sa inyong lugar
🕗 8:00 AM – 2:00 PM (Monday–Friday)
📂 Dalhin ang kumpletong requirements

📩 For inquiries:
Message our official FB pages:
• Barangay Geronimo Day Care Center
• Sangguniang Barangay ng Geronimo

✨ Let your child learn, play, and grow with us!

🌈 Little learners, big dreams!
Enrollment is still ongoing at Geronimo Child Development Service come and register! ✨

📚 EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT (ECCD) PROGRAM
📌 EARLY REGISTRATION / ENROLLMENT IS NOW ONGOING
🗓 School Year 2026–2027

👶 Program Offerings:
• ITED: 0–2.11 years old
• PRE-K1: 3–3.11 years old
• PRE-K2: 4–4.11 years old

📌 REQUIREMENTS:
• 3 pcs. 2x2 ID picture ng bata
• Photocopy ng Birth Certificate
• Photocopy ng Immunization Card / Vaccination Record
• White long folder na may plastic cover

📍 Enrollment Details:
Magpunta sa pinakamalapit na Child Development Center sa inyong lugar
🕗 8:00 AM – 2:00 PM (Monday–Friday)
📂 Dalhin ang kumpletong requirements

📩 For inquiries:
Message our official FB pages:
• Barangay Geronimo Day Care Center
• Sangguniang Barangay ng Geronimo

✨ Let your child learn, play, and grow with us!

Photos from Sangguniang Barangay ng Geronimo's post 26/03/2026

Isang taos-puso at mainit na pagbati mula sa Pamahalaang Barangay ng Geronimo sa ating mga munting mag-aaral na matagumpay na nakaabot sa kanilang Moving Up Ceremony ng Barangay Geronimo Child Development Center. 🎓✨

Sa pangunguna ng Punong Barangay Hon. Norman O. Tabugan, katuwang ang Committee on Education sa pamumuno ni Kagawad Abegail C. Manuel, at ang ating masisipag na Child Development Workers (CDW) ng barangay, ay buong puso naming ipinagdiriwang ang tagumpay ng bawat batang nagsipag-Moving Up.

Ang araw na ito ay patunay ng inyong sipag, tiyaga, at determinasyon sa murang edad. Kayo ang pag-asa ng ating komunidad, at ang inyong tagumpay ay nagbibigay inspirasyon sa bawat isa sa atin.

Lubos din naming kinikilala ang mahalagang papel ng inyong mga magulang at g**o na naging gabay at sandigan ninyo sa bawat hakbang ng inyong pagkatuto. Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng pamilya at komunidad.

Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy kayong mangarap, magsumikap, at magtagumpay sa susunod ninyong yugto ng inyong pag-aaral. Dalhin ninyo ang mga aral at pagpapahalagang inyong natutunan bilang gabay sa inyong kinabukasan.

Muli, binabati namin kayo, aming mga batang achievers! 🎉
Ipinagmamalaki kayo ng buong Barangay Geronimo. 💙

21/07/2025

🚨 PAALALA SA PUBLIKO 🚨
Dahil sa patuloy at malakas na pag-ulan, inaasahan po ang biglaang pagtaas ng tubig sa mga mabababang lugar sa ating barangay. Pinapayuhan ang lahat ng residente, lalo na ang mga nakatira malapit sa ilog at mga flood-prone areas, na maging alerto at maghanda sa posibleng paglikas.

Para sa inyong kaligtasan, ang itinakdang evacuation center ay matatagpuan sa Geronimo Elementary School. Bukas na po ito at handang tumanggap ng mga evacuees kung kinakailangan.

👉 Dalhin po ang mahahalagang gamit gaya ng:
• ID at importanteng dokumento
• Damit at kumot
• Pagkain at tubig
• Gamot at first aid kit
• Gamit ng mga bata at matatanda

Makipag-ugnayan lamang po sa inyong Barangay Officials para sa tulong o kung may nangangailangan ng transportasyon papunta sa evacuation center.

Maging alerto, mag-ingat, at magkaisa para sa kaligtasan ng lahat.
📢 Patuloy po kaming magbibigay ng update habang kinakailangan.
Maraming salamat po at ingat tayong lahat. 🙏🌧️

21/07/2025

🚨Sa oras ng pangangailangan, kami’y laging handa.
Tawagan ang aming emergency hotline para sa agarang tulong.

Para sa agarang aksiyon, maaaring tumawag sa mga numero na makikita sa ibaba:
Barangay Hall : (2) 8-277-5193
Barangay Police : 0910-567-4649
Barangay Health Center/BHERT : 0917-146-4877 / 0918-778-4643 / 0930-526-5097 / 0909-698-0039
BDRRMO/Ambulance : 0907-764-2727
PNP : (2) 8-633-9263 / 0999-195-5988
Rodriguez Fire Station : (2) 8-584-3498 / 0951-604-7279
MDRRMO : 0969-614-4825 / 0917-808-1404
Municipal Health Office : 0938-192-3590 / 0995-209-3237
Rodriguez Fire Station : 0910-226-3577

21/07/2025

SUSPENSYON NG FACE-TO-FACE CLASSES | ALL LEVELS PUBLIC AND PRIVATE

Ayon sa pinakabagong ulat ng PAGASA, magpapatuloy ang malalakas at pabugso-bugsong pag-ulan sa Lalawigan ng Rizal, kabilang na ang Bayan ng Montalban. Dahil dito, ipinatutupad ang suspensyon ng face-to-face classes sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa Montalban bukas, Martes, Hulyo 22, 2025.

Bukod sa masamang panahon, ginagamit ang ilan sa mga paaralan sa bayan at mga pasilidad nito bilang evacuation centers para sa mga naapektuhan ng pagbaha.

Upang matiyak ang tuloy-tuloy na pag-aaral, lilipat naman ang mga estudyante sa alternative distance learning modality habang nagpapatuloy ang ganitong kalagayan.

Mag-ingat po tayo at manatiling ligtas, Montalbeños! Para sa mga karagdagang impormasyon at updates, mag-antabay sa ating opisyal na page ng Bagong Montalban.


20/07/2025

SUSPENSION OF FACE-TO-FACE CLASSES | ALL LEVELS PUBLIC AND PRIVATE

Batay sa latest weather update ng PAGASA, patuloy na makakaranas ng malalakas na pabugso-bugso na pag-ulan sa Lalawigan ng Rizal kasama na ang Bayan ng Montalban. Kaugnay nito, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Montalban bukas, Lunes, Hulyo 21, 2025.

Lilipat Alternative Modes of Learning (Modular or Online Class) ang mga paaralan sa Bayan ng Montalban upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagkatuto ng mga Montalbeñong mag-aaral kahit sa gitna ng masamang panahon.

Ingatan ang inyong mga sarili at manatiling ligtas, Montalbeños! Para sa karagdagang anunsyo at updates, i-follow lamang ang ating opisyal na page: Bagong Montalban.


17/07/2025

📢 ANNOUNCEMENT
PhilSys Registration for Children Aged 1–4 Years Old

We are pleased to inform the community that the Barangay Geronimo, in coordination with the Philippine Statistics Authority (PSA), will be conducting PhilSys (National ID) registration for children aged 1 to 4 years old.

📍 Venue: Barangay Hall, Barangay Geronimo
📅 Date: Saturday, July 19, 2025
🕘 Time: 8:00AM- 2:00PM

✅ Who Can Register:
• Children 1 to 4 years old
• Must be accompanied by a parent or legal guardian

📌 Requirements:
(ORIGINAL)
• PSA/LCRO/ Birth Certificate of the child
• Baby Book
• Baptismal
📌Parents/ Guardian
• Valid ID of the parent/guardian
• Proof of guardianship, if applicable

This initiative aims to support early registration and ensure that every child has access to government services through their National ID.

For inquiries, please visit the Barangay Hall or message the fb page of Sangguniang Barangay ng Geronimo.

Let’s work together to build a more inclusive and digitally connected Philippines! 🇵🇭




Photos from Sangguniang Barangay ng Geronimo's post 25/06/2025
Want your school to be the top-listed School/college in Rodriguez?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Geronimo
Rodriguez
1860