25/04/2022
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=296434215987817&id=100068637231654
PABATID: Maaari na i-download ang mga bago at K to 12-aligned na ALS modules para sa Junior High School (JHS) level (Teachers Guidebooks and Learners Workbooks) mula sa link na ito: https://bit.ly/3KdMfIe
Kabilang sa mga ito ang bagong modules para sa Learning Strand (LS) 6: Digital Citizenship.
Ang mga bagong ALS module ay binuo sa pagtutulungan ng Department of Education (DepEd), sa pamamagitan ng Bureau of Alternative Education (BAE), UNESCO Jakarta, Korea International Cooperation Agency Philippines - KOICA 필리핀사무소, at Asia Pacific College mula 2019 hanggang 2021.
Bilang suporta sa mga ALS Teacher para sa paglilimbag ng mga kopya ng bagong K to 12-aligned ALS modules, inilabas ni ALS ASec. G.H. Ambat ang OM-OAGA-2022-047 (Provision of Funds for Printing and Reproduction of ALS K to 12 BEC Learning Resources) noong April 4, 2022. Maaaring direkta makipag-ugnayan ang mga ALS Teacher sa DepEd Regional Office para sa iba pang detalye.
Ang bagong K to 12-aligned ALS modules ay isa sa maraming milestones ng DepEd ALS 2.0 Program sa ilalim ng administrasyon ni Kalihim Leonor Magtolis Briones, sa pangunguna ni ASec. Ambat at ng BAE.
04/03/2022
Lahat ba ng rehiyon may ALS SHS na?
: Ngayong 2022, nadagdagan pa ang Regions at Divisions na naghahatid ng ALS Senior High School (ALS SHS) para sa out-of-school youth and adults (OSYA) sa buong Pilipinas.
Ayon sa pinakahuling tala ng Bureau of Alternative Education (BAE), 33 Divisions sa anim na Regions sa Luzon ang nagpapatupad na ng ALS SHS.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa ALS SHS sa inyong lugar, direktang makipag-ugnayan sa DepEd Schools Division Office (SDO) na pinakamalapit sa inyong lugar. Mahahanap niyo ang contact details sa link na ito: https://www.deped.gov.ph/contact-us/regional-division-offices-directory/
25/08/2021
BASAHIN ➡ Para mag-enroll sa ALS ang mga kabataan at may edad na hindi nakatuntong o hindi nakapagtapos ng elementary o high school sa pormal na paaralan, makipag-ugnayan na sa:
• Inyong barangay
• DepEd Schools Division Office (SDO) na malapit sa inyong lugar: https://www.deped.gov.ph/contact-us/regional-division-offices-directory/
20/08/2021
🤔 Bakit ka tumigil sa pag-aaral? Ano ang motibasyon mo para magpatuloy? Sa mga nagtapos na sa ALS, share mo naman sa ibang out-of-school youth and adults kung bakit ka nag-aral sa ALS!
15/08/2021
Sa mga gustong makapagpatuloy ng pag -aaral, hindi nakatapos ng elementarya na may edad 12 pataas at hindi nakapagtapos ng junior high school edad 16 pataas, ang ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM kasama ng DEPARTMENT OF EDUCATION,ay inanyayahan kayong magpatala para sa taong pamunuan 2021-2022.
SAN ISIDRO ELEMENTARY SCHOOL ALS Sitio Tanag, Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal
Ito po ay temporary Enrolment ng para sa Modular Learning ng SIES ALS at pwedeng mag patala sa Alternative Learning System (ALS). Ang mga pwede lamang magpalista ay ang mga hindi nakatapos o nahinto ng pag aaral sa Junior High School - 16 years old pataas at Elementary - 12 years old pataas. Ito ay....