15/08/2026
๐๐ข๐ง๐ ๐ง๐๐ง | ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐S, ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐จ๐ ๐๐จ๐ซ๐๐๐จ ๐ง๐ ๐๐๐๐ ๐๐-๐, ๐๐๐ฆ๐ฉ๐๐จ๐ง ๐ฌ๐ "๐๐ฅ๐๐ฌ๐ก ๐จ๐ ๐๐ข๐ง๐๐ฌ" ๐ง๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐!
Iwinagayway ang bandila ng husay at talino ng mga ACLCIANS matapos masungkit ni Mr. Jacob Dorado, mag-aaral mula sa antas STEM 12-G ng ACLC College of Taytay, ang kampeonato sa katatapos pa lamang na patimpalak na "CLASH OF MINDS: Talino Ng Kabataan, Lakas Ng Bayan."
Ang naturang kompetisyon ay ginanap ngayong Agosto 14, 2026 sa Taytay Municipal Hall at pinangunahan ng Taytay Youth Development Office (TYDO) upang pag-isahin ang talino at kakayahan ng mga kabataang Taytayeรฑo.
Sa gitna ng mabagsik na pagtutuos ng mga utak mula sa iba't ibang paaralan, namayani ang galing at husay ni Dorado na nagdala sa kanya sa tagumpay. Bagamat hindi man pinalad na maiuwi ang kampeonato, buong-puso pa ring pinasasalamatan ng buo ang naging matibay na partisipasyon at pagpapakita ng natatanging husay ni Mr. Justine Quines mula sa STEM 12-H, na nagsilbing katuwang at nagbigay karangalan din sa ating paaralan sa kanyang pakikipagtagisan.
Hindi makakamit ang tagumpay na ito kung mag-isa lamang silang lumaban. Sa likod ng kanilang determinasyon ay ang walang-sawang gabay, at suporta ng kanilang Gurong Tagapayo na si Ms. Rose Gido, kabilang na rin ang buong pusong pagsuporta ng pamunuan ng ACLC College of Taytay, na siyang naging sandigan ng mga mag-aaral sa bawat hakbang ng kompetisyon.
Ang tagumpay na ito ay patunay lamang na ang mga mag-aaral ng ACLC College of Taytay ay hindi lamang hinuhubog sa teknolohiya at akademya, kundi pati na rin sa pagiging lider at huwaran ng kabataan sa bayan ng Taytay.
โ๐ผ: Fumar, ๐๐๐ข๐ญ๐จ๐ซ-๐ข๐ง-๐๐ก๐ข๐๐/๐๐๐ฐ๐ฌ ๐๐๐ข๐ญ๐จ๐ซ
๐ผ๏ธ: Aรฑes, ๐๐ซ๐๐ฉ๐ก๐ข๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ ๐ง๐๐ซ