12/06/2026
Ang kislap ng watawat mo'y tagumpay na nagniningning! ✨🇵🇭
Para sa kalayaan, kinabukasan, at kasaysayan!
Isang maalab na pagbati at pakikiisa sa makasaysayang pagdiriwang ng , mula sa Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining!
12/06/2026
Dakilang Pagpupugay sa mga Gurong Tapat sa Tungkulin, Kahit Araw ng Kalayaan!
Sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, kinikilala at pinaparangalan natin ang mga gurong patuloy na naglilingkod sa paaralan kahit sa gitna ng holiday.
Ang tunay na diwa ng kalayaan ay nasasalamin sa taos-pusong paglilingkod, pananagutan, at malasakit para sa kapakanan ng kabataan. Sa pamamagitan ng inyong dedikasyon, sakripisyo, at walang sawang pagtupad sa tungkulin, patuloy ninyong hinuhubog ang kinabukasan ng ating bayan.
Maligayang Araw ng Kalayaan! Mabuhay ang mga gurong Pilipino, mga huwaran ng paglilingkod, pagkamakabayan, at pagmamahal sa edukasyon.
12/06/2026
Kaisa ang paaralan sa buong bansa sa pagdiriwang ng ika-128 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
Sa makasaysayang araw na ito, ating alalahanin at parangalan ang kagitingan, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan ng ating mga bayani na nagbigay-daan sa kalayaang ating tinatamasa ngayon.
Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa bawat mag-aaral na maging mabuting mamamayan, may pagmamahal sa bayan, at handang makibahagi sa paghubog ng mas maunlad na kinabukasan para sa ating bansa.
Maligayang Ika-128 Araw ng Kalayaan, Pilipinas! 🇵🇭
11/06/2026
Patuloy na isisigaw, Taas Noo, Rizalenyo!
Nakikiisa ang SDO Rizal ngayong ika-11 ng Hunyo sa pagdiriwang ang ika-125 Taong Pagkakatatag ng Lalawigan ng Rizal!
Mahigit isang siglo ng mayamang kultura, matatag na komunidad, at walang katulad na pagkakaisa.
Katuwang ang Kagawaran ng Edukasyon – SDO Rizal at ang Pamahalaang Panlalawigan, patuloy nating isusulong ang dunong, dangal, at kaunlaran para sa bawat mamamayan. Salubungin natin ang hinaharap nang may pag-asa at pagmamahal sa ating sariling bayan!
11/06/2026
TAAS NOO RIZALEÑO!
Malugod nating ipinagdiriwang ang ika-125 anibersaryo ng ating minamahal na Lalawigan ng Rizal. Isang makasaysayang okasyon na sumasalamin sa mayamang kultura, matatag na pagkakaisa, at patuloy na pag-unlad ng lalawigan.
Mabuhay ang Lalawigan ng Rizal!
10/06/2026
Bagong Yugto ng Progresibong Pamumuno: Sama-samang Hakbang Tungo sa Mas Matatag School Parent-Teachers Association!
Matagumpay na naisagawa ang Botohan ng School Parents-Teachers Association (SPTA) ng paaralan na dinaluhan ng mga HRPTA President, Vice President, at Secretary mula sa iba’t ibang klase.
Pinangunahan ang proseso ng halalan nina SPTA Secretary Leandro Angelo E. Penales, SPTA Board Member Rosabelle Arcangel, at Filipino Department Chairperson Maria Peliza S. Baldono, na nagsilbing katuwang upang matiyak ang maayos, patas, at demokratikong pagpili ng mga bagong opisyal ng samahan.
Matapos ang halalan, nagsagawa rin ng pagpupulong ang mga opisyal kasama ang Gurong Namamahala, Vilma P. Abueme, upang talakayin ang mga nakatakdang programa at mga proyektong maaaring pangunahan at maisakatuparan ng mga bagong halal na opisyal para sa kapakinabangan ng mga mag-aaral at ng buong komunidad ng paaralan.
📌 Narito ang mga naihalal na opisyal ng School PTA para sa Taong Panuruan 2026–2027.
President: Marc. C. Recolosado
Vice President: Vilma E. Almoradie
Secretary: Leandro Angelo E. Penales
Treasurer: Violeta M. Lao
Auditor: Evangeline M. Mayo
Business Manager: Honey Lyn R. Balida
Board Members:
- Rosabelle L. Arcangel
- Hazel T. Esquillo
- Remeliza M. Tolentino
- Marina V. Deang
- Jonalyn B. Sablan
Taos-pusong pagbati sa mga bagong halal na lider ng SPTA. Nawa’y magsilbi silang huwaran ng pagkakaisa, dedikasyon, at malasakit sa pagsusulong ng mga programang makatutulong sa patuloy na pag-unlad ng ating paaralan.
"Kapag nagkakaisa ang paaralan at mga magulang, mas matatag ang pundasyon ng tagumpay ng bawat mag-aaral."
10/06/2026
Isinagawa ngayong hapon ang pagpupulong ng Homeroom Parents-Teachers Association (HRPTA) ng bawat klase, sa pangunguna at pangangasiwa ng mga Class Adviser at Co-Adviser.
10/06/2026
Balik-Eskwela 2026–2027 | Ika-3 Araw ng Klase
Bilang bahagi ng pangangalaga sa kalusugan at kapakanan ng mga mag-aaral, isinagawa ngayong ikatlong araw ng klase ang pagsusukat at pag-check ng Body Mass Index (BMI) ng mga bata sa ilalim ng pangangasiwa at superbisyon ng ating mga subject teachers.