02/08/2025
PILAK NA TILA ISANG TALA. π₯
1ST RUNNER UP - BENCH YELL COMPETITION
Ariba Engineering! Ariba Generals!
Tahimik man sa dulo ng gabi, patuloy ang pagkinang.
Sa entablado ng tinig at kumpas, hindi lang lakas ang inialay kundi buong puso, buong damdamin, at buong pagkatao.
Ang bawat hakbang ay may hirap. Ang bawat hiyaw ay may kasaysayan.
Ang pilak na itoβy tila isang tala, tahimik ngunit matatag, liwanag sa gitna ng dilim, at alaala ng isang laban na buong tapang na hinarap.
Bench Yell Team, kayo ang tala ng entabladong ito.
02/08/2025
SA WAKAS... GINTO NA! π₯
WOMEN'S BASKETBALL CHAMPION
Isang tagumpay na hinubog ng taon ng pangarap at pusong di sumusuko.
Sa unang pagkakataon, nagsanib ang tapang ng Raging Generals at ang tibay ng loob ng Engineering Blacksmiths at sa pagsasanib na ito, isinilang ang panibagong alamat sa larangan ng Womenβs Basketball.
Tinanggap ang pilak sa loob ng dalawang taon nang may dangal. Pero hindi kami tumigil. Hindi sumuko.
Ngayong taon, kami na ang kampeon.
Ang ginto sa wakas ay napasakamay ng mga babaeng hinubog at pinalakas ng pagkakaisa.
Maraming salamat sa mga Raging Generals, ang inyong huling laban ay isa ring hudyat ng bagong simula.
02/08/2025
π 3PEAT MEN'S BASKETBALL CHAMPIONS! π
Ginto. Galing. Gloria.
Sa huling pagkakataon na magkasama sa iisang laban, pinatunayan ng Engineering Blacksmiths at Raging Generals na ang tunay na lakas ay nasa pagkakaisa.
Ngayong taon, isinulat natin ang kasaysayan, tatlong sunod na tagumpay na walang kapantay!
Tatlong taon. Tatlong gintong panalo. Isang di malilimutang pamamaalam.
Ito na ang huling taon na makikibahagi sa Intramurals ang ating mga Raging Generals, ngunit ang alaala ng kanilang tapang, disiplina, at walang sawang paglaban ay mananatiling buhay sa bawat sulok ng bagong pwersa ng inhinyerya.
Sa bawat laban ninyo, pinanday ninyo ang landas para sa susunod na henerasyon.
At ngayon, ang martilyo'y ipapasa sa paparating na puwersa ng Engineering, handang ipagpatuloy ang nasimulan at dalhin ang tagumpay sa mas mataas na antas.
Hindi ito pagtatapos.
Ito ay simula ng isang mas matatag, mas mabangis, at mas nagkakaisang Blacksmith Era.
ποΈ Maraming salamat, Raging Generals.
MALANGIS PERO MABANGIS
12/03/2025
Kitakits everyone sa pampinid na gawain para sa asignaturang Entrepreneurship.
Entrepreneurship Trade Fair
Ika-13 ng Marso 2025
Rizal National High School
28/09/2024
π½ππππ ππ ππΌπ½πΌππΌπ || Pagbati sa kinatawan ng Raging Generals na si Ginoong Prince TJ sa nagdaang Pagdiriwang ng Buwan ng Agham 2024.
π Hinirang na Mr. Air 2024
π Nagkamit ng karangalan bilang Mr. Congeniality
28/09/2024
ππΌππΌπππΌπ ππ πππ½ππ || Pagbati sa kinatawan ng Raging Generals na si Binibining Venus sa nagdaang Ginoo at Binibining Kalikasan 2024.
π₯ Hinirang bilang Ms.Aqua 2024
π Nagkamit ng Karangalan Bilang Most Photogenic Binibini
28/09/2024
ππππππΌπ || Pagbati sa mga kinatawan ng Raging Generals sa Ginanap na Bench Yell Competition na bahagi ng Pagdiriwang ng Buwan ng Agham 2024.
π₯ Mahusay. Makulay. Makabuluhan
π· Rannison Romero, Wendell Pascua
17/09/2024
ππΌπ πΌππ½πΌπππΌπΏππ || Pasasalamat sa kinatawan ng Raging General na nagbigay wangis sa kupunan sa nagdaang Palarong Senior High 2024.
Pagabati mga Heneral β¨
17/09/2024
πππππ πΌπ ππΌππΌπ || Ipinakita ng Raging General Women's Basketball Team ang liksi at lakas ng isang atletang RizaleΓ±o at matagumpay na nakamit ang PILAK sa Palarong Senior High 2024.
Pagbati mga Heneral π₯
17/09/2024
ππΌπππππ || Tagumpay na nakuha ng Raging General Men's Volleyball Team ang GINTO sa ginanap na Palarong Senior High 2024, ipinakita ng mga manlalaro ang liksi at lakas ng isang atleta upang mapagtagumpayan ang mga mga kupunang kinaharap.
Pagbati mga Heneral π₯