Deped Rizal-Malaya Elementary School

Deped Rizal-Malaya Elementary School

Share

Malaya Elementary School is categorized as a large school in the Sub Office of Pililla Division of Rizal.

28/04/2026

PAANYAYA

Magandang araw po sa ating mga minamahal na magulang at mag-aaral!

Ang Malaya Elementary School ay malugod na nag-aanyaya sa pagbubukas ng isang espesyal na klase para sa mga incoming Grade 3 learners na may talento at interes sa sining na maging bahagi ng Special Program in the Arts (SPA).

Inaanyayahan po namin kayo na makilahok sa aming Entrance Examination at Talent Audition, na gaganapin sa:

🗓 Mayo 5, 2026
⏰ 8:00 ng umaga
📍 Malaya Elementary School

Ang SPA ay nakatuon sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan ng sining tulad ng:
• Sayaw (Dance)
• Musika (Music)
• Sining Biswal (Visual Arts)
• Teatro (Theatre Arts)

📌 Mga Kailangang Dalhin:
• Grade 2 Report Card
• Talent Materials:
- Music (para sa dance o awitin)
- Art Materials (para sa visual arts)
• Costume (kung kinakailangan para sa theatre arts)

Hinihikayat namin ang lahat ng interesadong mag-aaral na ipakita ang kanilang talento at maging bahagi ng programang magpapayabong sa kanilang kakayahan at kumpiyansa.

Tuklasin ang inyong talento. Ipakita ang inyong husay!
Sumali at magningning sa mundo ng sining!

Mangyaring samahan din po ng mga Magulang para sa isang interview

Maraming salamat po at inaasahan namin ang inyong pakikiisa.

Para sa iba pang katanungan huwag mag-atubiling magmensahe sa ating FB page o kaya qyagsadya sa tanggapan ng Punong G**o sa ating paaralan.

Photos from Deped Rizal-Malaya Elementary School's post 21/04/2026

SUMMER READING CAMP SA MALAYA ES

Nagsimula na ang **Summer Reading Camp 2025** ng Malaya Elementary School noong Abril 20, 2025. Layunin ng programang ito na matulungan ang mga mag-aaral mula Baitang 1 hanggang Baitang 6 na may kahinaan sa pagbasa, na inirekomenda ng kanilang mga g**o.

Sa kakaibang inisyatibong ito, naging katuwang sa pagtuturo ang mga non-teaching personnel ng paaralan, na buong pusong nagbahagi ng kanilang oras at kakayahan upang suportahan ang pagkatuto ng mga bata. Pinangunahan ang nasabing gawain ng Punong G**o II na si Gng. Marilou B. Nonato, na nagsilbing inspirasyon sa lahat ng kalahok at tagapagpadaloy ng programa.

Sa pamamagitan ng Summer Reading Camp, inaasahang mas mapapaunlad ang kakayahan sa pagbasa ng mga mag-aaral at maihahanda sila para sa mas epektibong pagkatuto sa darating na pasukan.


16/04/2026

📌PUBLIC ADVISORY📌

MALAYA ELEMENTARY SCHOOL informs the public (since April 10, 2026), the school office will adopt a 4-Day Work Week Schedule, pursuant to DepEd Memorandum No. 018, s. 2026 and DepEd Memorandum No. 022, s. 2026 (National Energy Conservation Measures).

Under this arrangement, operations will be conducted Monday to Thursday,
8:00 AM – 5:00 PM, while Fridays will follow a Work From Home arrangement with the same working hours.

For concerns and service requests, you may reach us through our official email at [email protected].
Thank you for your understanding and continued support.

16/04/2026

HALINA'T SABAY-SABAY NA MATUTO!
MALAYA ES SUMMER READING CAMP 2026
Sa Lunes Na! Abril 20, 2026

Halika na, tara na!
Summer Reading Camp na!
Sa pagbasa’y gagaling ka,
Kaya mo ‘yan, kayang-kaya!
Sa Malaya ES, saya’y todo,
Lamig at tuwa, siguradong buo!
Magbasa, matuto, sumabay ka na,
Ikaw ang bida, oo ikaw na nga

Saan pa? Sa Malaya ES, matuto na!
Kung saan

13/04/2026

HAPPY HAPPY BIRTHDAY!
Ma'am Jean Rose Domingo
from Malaya ES Family!

12/04/2026

MALIGAYANG KAARAWAN!
Sir Nichole Materiano
from Malaya ES Family

09/04/2026

https://www.facebook.com/share/14ZCygVg9Ca/

Kaisa ng sambayanan ang Kagawaran ng Edukasyon sa paggunita ng ika-84 Araw ng Kagitingan ngayong Abril 9. 🇵🇭

Kasabay nito, ipinagdiriwang din ng bansa ang Philippine Veterans Week. Hangad natin na magsilbing inspirasyon sa bawat isa ang kagitingan at kabayanihan ng ating mga Pilipinong beterano na nagbahagi ng kanilang serbisyo para sa kasarinlan ng ating bansa.

08/04/2026

ANNOUNCEMENT:

RESCHEDULING OF THE DEADLINE FOR THE SUBMISSION OF APPLICATIONS FOR TEACHER I POSITIONS, SY 2026-2027.

07/04/2026

Truly honored and grateful to be recognized as one of the Most Outstanding Teachers in Rizal Province.
Congratulations Ma'am Rosalie Aguirre.
Your Malaya ES Family is very proud of you!

31/03/2026

Mula kay Ma’am Marilou B. Nonato at buong paaralan,
Pagkilala’t pasasalamat ang aming alay ngayon,
Salamat po, Mayor John V. Masinsin, sa malasakit ninyo,
Kayo’y inspirasyon ng batang Pilipino.

📷 Jov Chan Photography
https://www.facebook.com/JovChanPhotography

Want your school to be the top-listed School/college in Rizal?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Website

Address


National Road Barangay Malaya Pililla
Rizal

Opening Hours

Monday 8am - 4pm
Tuesday 8am - 4pm
Wednesday 8am - 4pm
Thursday 8am - 4pm
Friday 8am - 4pm