11/06/2026
πππ¬ππ¬ππ₯ππ¦ππ π¬π π¦π π πππππππ ππππππ π¬π ππ«π’π πππ ππ¬π€π°ππ₯π ππππ
Taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot ng Palaypalay Elementary School sa lahat ng mga indibidwal, organisasyon, opisyal ng pamahalaan, magulang, alumni, stakeholders, at mga boluntaryong nakiisa sa Brigada Eskwela 2026 na isinagawa noong Hunyo 1β5, 2026.
Maraming salamat sa inyong mga ipinagkaloob na tulong, donasyon, oras, lakas, at suporta na naging daan upang maging mas ligtas, malinis, at handa ang ating paaralan para sa pagbubukas ng klase. Ang inyong pakikiisa sa diwa ng bayanihan ay patunay ng pagmamalasakit sa edukasyon at kinabukasan ng ating mga mag-aaral.
Ang tagumpay ng Brigada Eskwela ay bunga ng sama-samang pagkilos ng komunidad para sa Palaypalay Elementary School at sa ating mga Batang PPES.
Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta at pakikipagbayanihan!