SIES-Guidance and Counselling Center
This page is for all SIES Teachers, Parents and Learners to guide them about Homeroom Guidance as well as Mental Health Awareness.
01/09/2023
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=711169257719251&set=a.560088576160654&type=3&mibextid=Nif5oz
PROTIPS - Sept 1, 2023
Trouble or Triumph
By Maloi Malibiran-Salumbides
Kapag ikaw ay nahaharap sa mahirap na sitwasyon sa business mo, ano ang iyong nakikita, problema o oportunidad? I am reminded of the story of the prophet Elisha's servant. Mababasa natin ito sa 2 Kings 6:15-17, " Kinabukasan, gumising ng maaga ang katulong ni Eliseo, nakita niya ang mga sundalo na nakasakay sa mga kabayo at karwahe na nakapaligid sa lungsod. Sinabi niya kay Eliseo, "Ano po ang gagawin natin, amo?" Sumagot si Eliseo, "Huwag kang matakot. Mas marami tayong kasama kaysa sa kanila. Nanalangin si Eliseo, "Panginoon, buksan po ninyo ang mga mata ng katulong ko para makakita siya." Binuksan ng Panginoon ang mga mata ng katulong, at nakita niya na puno ng mga kabayo at karwaheng apoy ang kaburulan sa paligid ni Eliseo." Ang nakita ng katulong ay problema, ngunit ang nakita ni Eliseo ay ang tagumapay na ibibigay sa kanila ng Diyos. Ano ang nakikita mo sa iyong trabaho ngayon? Problema ba o oportunidad na magtagumpay?
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.
How can we develop a positive view of the problems that we face at work?
1) Learn how others ended up triumphant despite great threats and difficulties. Wala namang problemang natatangi. Kahit paano'y may hawig din ito sa mga problemang pinagdaanan ng iba. Magandang pag-aralan ang case studies ng mga kumpanyang nalugi pero nakabangon at nakabawi. Mabuting matuto tayo buhat sa mga karanasan ng iba.
2) Instead of focusing on how big your problem is, focus on how big God is. Kapag sa problema ka lang nakatingin palagi, panghihinaan ka talaga ng loob at hindi mo makikitang ang solusyon pala ay nariyan lang sa tapat mo. Huwag problema ang pakatitigan mo, tignan mo kung gaano kalaki at ka-powerful ang Diyos na siyang tutulong sa iyo.
3) Remember that every problem provides a faith-stretching opportunity. Tumugon ka ng may paniniwala at pananampalataya sa Diyos sa tuwing mahaharap ka sa problema. Turn your problem to triumph by responding not in fear but in faith.
Kung may problema kang hinaharap ngayon sa trabaho o negosyo mo, hingin mo sa Diyos na buksan din Niya ang iyong mga mata, gaya ng pagbubukas Niya sa mata ng katulong ni Elisha upang makita niya na ang tagumpay ay nasa panig nila. May our eyes be opened so that we may see triumph even in troublesome situations.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!
05/05/2023
10 amazing short life lessons:
1. Treat others with kindness and respect, even when they don't deserve it. You never know what battles others are fighting, and your actions can make a positive difference in their lives.
2. Failure is not the opposite of success, but a part of it. Embrace your failures, learn from them, and use them to fuel your growth and success.
3. Happiness is a choice. You can't control everything that happens to you, but you can control how you react to it. Choose to focus on the positive, and be grateful for what you have.
4. Life is too short to hold grudges or harbor negativity in your heart. Forgiveness and letting go can bring you peace and freedom.
5. Surround yourself with people who lift you up and support you. Your environment can greatly influence your mindset and behavior.
6. Don't compare yourself to others. Everyone has their own journey, and success looks different for everyone. Focus on your own goals and progress.
7. Take care of your physical and mental health. Your body and mind are your most valuable assets, and investing in them will benefit you in the long run.
8. Never stop learning and growing. There's always room for improvement, and continuous learning can open up new opportunities and perspectives.
9. Be true to yourself and your values. Don't compromise your integrity for temporary gains, and stay true to your beliefs even in the face of adversity.
10. Love and appreciate yourself. You are unique and valuable, and you deserve to be treated with love and respect - starting with yourself.
04/05/2023
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=629903642512480&set=a.560088576160654&type=3&mibextid=Nif5oz
PROTIPS - May 4, 2023
Value Your Words
By Maloi Malibiran-Salumbides
Sa maniwala ka't sa hindi, may impluwensiya ka at makapangyarihan ka. Intentional ka man o hindi, ang bawat binibitiwan mong salita ay may epekto sa ibang tao. Naranasan mo na bang may nainspire, natuwa o kaya naman ay nagalit sa iyo dahil sa sinabi mo, pero hindi mo naman maalala kung ano ang binitiwan mong salita? Your words have power, kaya dapat ay gamitin natin ito upang magbigay buhay, kaliwanagan at inspirasyon sa iba.
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.
Sa Proverbs 12:18-19 ay mayroong ganitong paalala, "The words of the reckless pierce like swords, but the tongue of the wise brings healing. Truthful lips endure forever, but a lying tongue lasts only a moment." Mabuting gamitin natin ang ating kakayahang magsalita upang maging pagpapala sa iba. Value your words. Paano?
1) Speak to encourage and not to put others down. Sa dami ng mga negatibong mensahe na naririnig at nababasa natin araw-araw, breath of fresh air na maituturing ang makarinig ng magandang balita at mga pananalitang totoo at positibo. Be that breath of fresh air in your workplace by bringing encouragement to others. Hindi naman ganoong kahirap ng mag-encourage sa iba. Simulan mo sa pamamagitan ng pagbati sa mga ginagawa nilang mabuti. Express your appreciation for good work which others are doing. Speak to encourage.
2) Speak to promote truth and not to spread lies. Mahalaga ang tiwala sa lahat ng relationship kasama na diyan ang mga ugnayang nabubuo dahil sa iyong trabaho o negosyo. Mas magiging matatag ang business relationship mo sa iba kung may tiwala, kaya nga may librong naisulat si Stephen Covey na "At The Speed of Trust". Pagsumikapan mong patatagin ang tiwala ng iba sa iyo sa pamamagitan ng pagsasabi ng kung ano ang tama at totoo.
3) Speak to inform, instruct and inspire. Gusto mo bang pakinggan at pahalagahan ng iba ay mga sinasabi mo? Pag-isipan mong mabuti ang iyong mga sasabihin at tiyaking ito ay makatutulong para maghatid kaliwanagan sa mga nalilito, magturo sa mga di alam kung ano ang gagawin at magbigay lakas ng loob sa mga gusto ng bumitiw.
Value your words and speak life.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!
04/05/2023
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=629903642512480&set=a.560088576160654&type=3&mibextid=Nif5oz
29/08/2022
PROTIPS - Aug 29, 2022
Courageous Living
By Maloi Malibiran-Salumbides
Ano nga ba ang susi ng pamumunong may paninindigan at tapang na kailangan natin sa ating buhay at trabaho? May magandang paalala sa atin sa Joshua 1:7-8 tungkol sa kahalagahan ng lakas ng loob at katapangan, "Only be strong, and very courageous, then you will make your way prosperous, and then you will have good success." Ang tagumpay ay para sa mga may matibay na kalooban.
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.
You need courageous leadership to succeed in life and in business. At paano natin ito isasabuhay?
1) Real courage is not the absence of weakness but the ability to overcome it. Ang tunay na katapangan ay hindi naman kawalan ng kahinaan. Lahat tayo ay may weakness. Lahat tayo ay may flaws. Ngunit hindi mo hahayaan na pigilan ka ng iyong weaknesses para abutin ang mga mithiin mo. Ang pagkilala sa iyong kahinaan at kakulangan ay isang hakbang tungo sa katapangan. To overcome these weaknesses is real courage.
2) Real courage is recognizing your need for others. Katapangan din ang pagkilala na kailangan mo ang tulong ng ibang tao. We are stronger when we work with others. May mga bagay na natatakot tayong gawin kung mag-isa lamang tayo. Pero kapag may kasama na tayo, lumalakas ang ating loob hindi ba? Draw courage from the people you value and trust.
3) Real courage is possible in Christ. Maraming bagay sa trabaho at buhay natin ang hindi tayo maglalakas loob na gawin kung nakatuon tayo sa sariling lakas lamang natin. But focus on who God is, focus on what Christ has done for you and you will be courageous to face life's challenges. Isa sa mga battle cry ko sa tuwing ako'y panghihinaan ng loob ay ang Philippians 4:13 "I can do all things through Christ who strengthens me." Kapag kailangan mo ng tunay na katapangan, lumapit ka sa Diyos at sa Kanya ka humingi ng lakas ng kalooban.
Kailangan mo bang maging matapang para harapin ang mga problema mo sa trabaho at negosyo? Real courage is not the absence of weakness but the ability to overcome it. Real courage is recognizing your need for others. Real courage is possible in Christ.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!
18/08/2022
PROTIPS - Aug 19, 2022
Closed Doors Are Blessings
By Maloi Malibiran-Salumbides
Naranasan mo na bang mapagsarhan ng pintuan ng MRT o kaya ay elevator? Yung bang umaasa kang makasasakay ka na pero hindi ka umabot at napagsarhan ka? Frustrating lalo na kung nagmamadali ka at may kailangang habulin. Pero alam mo, sa buhay at trabaho natin, may mga pagkakataong ang closed doors ay blessing din.
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.
May awit na ang sabi ay, "When God closes a door, He opens a window." Minsan ay may mga inaasahan tayong proyekto na akala natin ay atin na pero napupunta pa sa iba. Posisyon na ipinangako na sa iyo, pero pagpasok mo isang araw, iba na ang nakapwesto. Aruy! Ang sakit! Pero kung talagang hindi para sa iyo, huwag mo ng ipilit. Huwag mo ng dagdagan pa ang sakit na nararamdaman mo. Paano nga ba nagiging pagpapala ang closed doors sa buhay o career natin?
1) Waiting for closed doors to open helps you develop patience. Kung naranasan mo ng maghintay na pagbuksan ka ng pinto o kaya ay magbukas ang isang business establishment, alam mong natuturuan tayo na maging mapagpasensiya ng paghihintay. Mahirap maghintay, pero mabuti para sa ating character ang paminsan-minsan ay naghihintay tayo. It is a test of one's patience and humility.
2) Closed doors provide protection. Madalas, ang tingin natin sa closed door ay kawalan ng oportunidad. Pero hindi ba sa mga bahay natin bago tayo matulog, tinitiyak natin na dapat ay hindi lang sarado kundi nakakandado pa ang mga pintuan natin? Bakit? Para sa ating proteksyon. God will sometimes allow doors of opportunities to close on us, for our protection.
3) A closed door will lead you to the right door. Kapag may nagsarang oportunidad sa negosyo mo, huwag mo masyadong damdamin o ikalungkot dahil maraming beses na ito ang nagiging daan para mahanap natin kung ano pala ang oportunidad na talagang para sa atin. Save yourself from unnecessary heartaches. If God says, "no", relax. He has a better plan for you.
May mga nagsarang pintuan ba diyan sa trabaho o negosyo mo? Remember, even a closed door can be a blessing . Ang sabi nga sa Romans 8:28, "And we know that all things work together for good to them that love God, to them who are called according to his purpose."
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the school
Website
Address
Rizal
1920
26/09/2022