09/01/2026
ALAM NYO BA NA DALAWA ANG ORIGINAL NA NAZARENO?
(Ang Kwento ng Nazareno ng Mayaman at Nazareno ng Mahirap)
Sa ating kasaysayan, dalawa ang original na image ng Nazareno na naging bahagi ng pananampalatayang Pilipino.
Ang naunang image ay tinawag na "Nazareno ng Mayaman" o "Nazareno of the Elites." Nakadambana ito noon sa main altar ng San Nicolas de Tolentino Church sa loob ng Intramuros.
Tinawag itong pang-mayaman dahil nasa loob ito ng Walled City (Intramuros), kung saan ang mga deboto ay karaniwang mga Espanyol, opisyal, at mga elitista noong panahon ng Kastila.
Ayon sa historical records, ang original na imaheng ito ay dumating sa Pilipinas mula Mexico noong bago mag-April 1651 (bagamat ang popular na paniniwala ay 1606).
Dahil sa tindi ng debosyon sa unang imahe, nagpagawa ng replica ang mga prayle at ito naman ay tinawag na "Nazareno ng Mahirap" dahil mas naging malapit ito sa masa.
Ang imaheng ito ay inilipat sa Quiapo Church (St. John the Baptist Church) noong 1787 sa utos ni Archbishop Basilio Sancho de Santa Justa.
Dahil nasa labas ito ng pader ng Intramuros, dito malayang nakakalapit, nakakapaghawak, at nakakapagdasal ang mga karaniwang Pilipino (Indio) at mahihirap, na siyang pinagmulan ng Traslacion na kilala natin ngayon.
May kaunting pagkakaiba sila sa itsura. Ang Nazareno ng Intramuros (Mayaman) ay may distinct na feature kung saan ang kanyang ulo ay nakahilig o nakatingin sa gilid (sideways).
Samantala, ang Nazareno sa Quiapo (Mahirap) na kilala natin ngayon ay nakatingin nang diretso sa unahan.
Isang malungkot na bahagi ng kasaysayan ang tumapos sa kwento ng "Nazareno ng Mayaman." Ito ay tuluyang nawasak at naging abo nang bombahin at masunog ang Intramuros noong World War II (Battle of Manila, 1945).
Ang "Nazareno ng Mahirap" naman ang tinaguriang "Survivor." Sa kabila ng matitinding sunog sa Quiapo, lindol, at giyera, ito ang nanatili, nakaligtas, at patuloy na nagbibigay pag-asa sa milyun-milyong deboto hanggang sa kasalukuyan.