LSR Citizenship Advancement Training-I

LSR Citizenship Advancement Training-I "“Treat others the same way you want them to treat you.”
Luke 6:31

𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗟𝗨𝗗𝗢, 𝗛𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗦𝗔𝗡! 💚Isa na namang makabuluhang serbisyo para sa kalikasan ang hatid ng...
21/08/2026

𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗟𝗨𝗗𝗢, 𝗛𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗦𝗔𝗡! 💚

Isa na namang makabuluhang serbisyo para sa kalikasan ang hatid ng LSRI-CAT Alab Diwa Class of 2027!

Ngayong araw, nakiisa ang ating mga kadete sa Tree Planting and Clean-Up Drive ng Pamahalaang Bayan ng Ranon, bilang pakikiisa sa mga programa para sa pangangalaga at pagpapanatili ng malinis at luntiang kapaligiran.

Hindi lamang sa loob ng paaralan ipinapakita ang disiplina maging sa komunidad at kalikasan, ang isang Salettino ay handang maglingkod.

Isang Saludo. Isang Diwa. Isang Serbisyo.

LSRI-CAT Alab Diwa Class of 2027🔥
Kabataan para sa Kalikasan, Kabataan para sa Serbisyo! 🇵🇭






LSRI-CAT Officers | Alab Diwa Class @ BNK ’26  Color Fun Run  🔥 Solid SK RAMON FEDERATION 💙
15/08/2026

LSRI-CAT Officers | Alab Diwa Class @ BNK ’26 Color Fun Run 🔥

Solid SK RAMON FEDERATION 💙

𝗔𝗹𝗮𝗯 𝗗𝗶𝘄𝗮 𝗖𝗹𝗮𝘀𝘀 𝗼𝗳 𝟮𝟬𝟮𝟳 𝗛𝗶𝘁𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗧𝗵𝗿𝗲𝗲 𝗔𝗰𝘁𝗶𝘃𝗶𝘁𝗶𝗲𝘀 𝗶𝗻 𝗢𝗻𝗲 𝗗𝗮𝘆! 🔥💪 From morning until afternoon, it was a day full of servi...
15/08/2026

𝗔𝗹𝗮𝗯 𝗗𝗶𝘄𝗮 𝗖𝗹𝗮𝘀𝘀 𝗼𝗳 𝟮𝟬𝟮𝟳 𝗛𝗶𝘁𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗧𝗵𝗿𝗲𝗲 𝗔𝗰𝘁𝗶𝘃𝗶𝘁𝗶𝗲𝘀 𝗶𝗻 𝗢𝗻𝗲 𝗗𝗮𝘆! 🔥💪

From morning until afternoon, it was a day full of service, discipline, and fun!

𝙈𝙤𝙧𝙣𝙞𝙣𝙜: Started the day with CAT Drill Practice, followed by a School Clean-Up Drive and Hall Preparation for tomorrow’s event at San Roque Parish.

𝘼𝙛𝙩𝙚𝙧𝙣𝙤𝙤𝙣: Wrapped up the day by joining the Color Bubble Fun Run, a perfect way to end a productive day! 🎨🏃‍♂️💦

Three activities. One day. One purpose: to serve, participate, and make every moment count. 💚🔥

Tiring? Definitely. Worth it? Absolutely. 💯

𝗦𝗮 𝗨𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼, 𝗨𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗦𝗮𝗹𝗲𝘁𝘁𝗶𝗻𝗼: 𝗠𝗴𝗮 𝗣𝗮𝗴-𝗮𝘀𝗮 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗡𝗮𝗴𝗸𝗮𝗶𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗹𝗶𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻 💚🌿Ngayong ika...
01/08/2026

𝗦𝗮 𝗨𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼, 𝗨𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗦𝗮𝗹𝗲𝘁𝘁𝗶𝗻𝗼: 𝗠𝗴𝗮 𝗣𝗮𝗴-𝗮𝘀𝗮 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗡𝗮𝗴𝗸𝗮𝗶𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗹𝗶𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻 💚🌿

Ngayong ika-1 ng Agosto 2026, matagumpay na naisagawa ng LSRI-CAT Corps Alab-Diwa Class of 2027 ang Community Clean-Up Drive at Information Drive sa Barangay Raniag, Ramon, Isabela, bilang bahagi ng aming patuloy na adbokasiya sa paglilingkod sa komunidad at pagpapalakas ng kamalayang sibiko.

Ang ALAB-DIWA CLASS ay nagsagawa ng Clean-Up Drive sa Purok 6, na may layuning mapanatili ang kalinisan, kaayusan, at pangangalaga sa ating kapaligiran.

Samantala, ang S5 OFFICER (Civic Operation Officers) ay nagsagawa ng Information Drive sa mga residente tungkol sa Republic Act No. 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000) at Disaster Preparedness, upang mapalawak ang kamalayan ng bawat mamamayan sa wastong pamamahala ng basura at kahandaan sa anumang uri ng sakuna.

Lubos kaming nagpapasalamat sa Barangay Raniag, sa pangunguna ng kanilang Punong Barangay , Hon. Jaime Q. Rimando, sa mga opisyal, at sa lahat ng residenteng nakiisa at sumuporta sa programang ito. Ang inyong pakikiisa ang nagpapatibay sa diwa ng bayanihan at sama-samang pagkilos tungo sa isang mas malinis, mas ligtas, at mas maunlad na pamayanan.

Sa LSRI-CAT, naniniwala kami na ang tunay na lider ay hindi lamang mahusay mag-utos—kundi higit sa lahat, handang maglingkod at maging huwaran sa komunidad.

𝗗𝗶𝘀𝗶𝗽𝗹𝗶𝗻𝗮. 𝗣𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝘀𝗮. 𝗣𝗮𝗴𝗹𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴𝗸𝗼𝗱.
One Community, One Mission! 🇵🇭💚

💚 One Down, 9 More Barangays to Go!
See you soon! 🫡🌿


𝗠𝗔𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗞𝗢𝗢𝗥𝗗𝗜𝗡𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗠𝗣𝗟𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧 𝗦𝗪𝗘𝗘𝗣 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗥𝗔𝗡𝗜𝗔𝗚 💚🖤 Matagumpay na isinagawa ang pak...
29/07/2026

𝗠𝗔𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗞𝗢𝗢𝗥𝗗𝗜𝗡𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗠𝗣𝗟𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧 𝗦𝗪𝗘𝗘𝗣 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗥𝗔𝗡𝗜𝗔𝗚 💚🖤

Matagumpay na isinagawa ang pakikipagpulong sa pagitan ng Barangay Raniag at La Salette of Ramon, Inc. – CAT bilang paghahanda sa implementasyon ng Project SWEEP.

Kasama sa naging talakayan sina Hon. Albert Balderamos, kinatawan ng Sangguniang Barangay ng Raniag; Mr. Rowen John Imbag Domingo, CAT Commandant; at Mr. Jhune P. Eugenio, Assistant Commandant.

Iniharap ng mga CAT Officers ang kabuuang layunin at plano ng proyekto sa pangunguna nina C/Col. Aldrich Angel, C/Maj. Eira Benavidez, C/Cpt. Maria Dela Cruz, C/Cpt. Chloe Macarrubo, at C/Cpt. Kristen Galdonez.

Bilang unang hakbang ng programa, magkakaroon ng Clean-Up Drive at Information Drive sa Agosto 1, 2026 sa Barangay Raniag. Layunin nitong palakasin ang kamalayan ng komunidad sa kahalagahan ng kalinisan, disiplina, at aktibong pakikilahok ng bawat mamamayan.

Ang Project SWEEP ay isang inisyatibong isasagawa bawat buwan, kung saan ang LSRI-CAT Unit ay bibisita sa iba't ibang barangay ng Municipality of Ramon upang magsagawa ng mga gawaing pangkomunidad at magsulong ng diwa ng serbisyo, boluntaryismo, at malasakit sa kapwa.

Sama-sama nating isulong ang mas malinis, mas ligtas, at mas maunlad na pamayanan!

𝗟𝗢𝗢𝗞 | 𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 𝗦𝗪𝗘𝗘𝗣, 𝗢𝗽𝗶𝘀𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗮! 💚Isa na namang makabuluhang hakbang ang naisakatuparan ng La Salette of Ramon, Inc. – ...
22/07/2026

𝗟𝗢𝗢𝗞 | 𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 𝗦𝗪𝗘𝗘𝗣, 𝗢𝗽𝗶𝘀𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗮! 💚

Isa na namang makabuluhang hakbang ang naisakatuparan ng La Salette of Ramon, Inc. – Citizenship Advancement Training (CAT) Alab-Diwa Class of 2027 matapos pormal na maaprubahan ang Corps Resolution No. 001-2026, na nagtatatag sa 𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 𝗦𝗪𝗘𝗘𝗣 (𝙎𝙖𝙡𝙚𝙩𝙩𝙞𝙣𝙞𝙖𝙣𝙨 𝙒𝙤𝙧𝙠𝙞𝙣𝙜 𝙛𝙤𝙧 𝙀𝙣𝙫𝙞𝙧𝙤𝙣𝙢𝙚𝙣𝙩𝙖𝙡 𝙀𝙢𝙥𝙤𝙬𝙚𝙧𝙢𝙚𝙣𝙩 𝙖𝙣𝙙 𝙋𝙧𝙤𝙩𝙚𝙘𝙩𝙞𝙤𝙣) bilang opisyal na Community Service Program ng Corps.

Ang Project SWEEP ay isasagawa tuwing huling Sabado ng bawat buwan (Every Last Saturday of the Month) sa mga piling barangay ng Ramon, Isabela.

Sa ilalim ng programang ito, magsasagawa ang mga CAT Cadets ng iba't ibang gawaing pangkomunidad, kabilang ang:
-Community Clean-Up Drives
-Tree Planting and Environmental Conservation Programs
-School Cleanliness and Beautification Projects
-Disaster Preparedness and Awareness Campaigns
-Blood Donation Support Activities
-Medical and Dental Mission Assistance
-Educational Outreach and Tutorial Programs
-Brigada Eskwela and School Improvement Projects
-Feeding Programs
-Relief Operations and Humanitarian Assistance
-Barangay Outreach Activities
-Health and Wellness Campaigns
-Disaster Response Support Activities
At iba pang civic and community development projects na aprubado ng Corps.

Sa pamamagitan ng Project SWEEP, layunin ng Corps na hubugin ang mga cadet bilang mga disiplinado, responsableng, at makakalikasang lider na handang maglingkod sa komunidad.

Together, we serve. Together, we protect. Together, we make a difference. 💚🌍

𝗟𝗦𝗥𝗜 𝗖𝗔𝗧 𝗦𝗧𝗔𝗙𝗙 𝟭 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘𝗥𝗦 𝗖𝗢𝗡𝗗𝗨𝗖𝗧 𝗠𝗘𝗘𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗡 𝗧𝗛𝗘 𝗖𝗢𝗥𝗣𝗦' 𝗚𝗥𝗔𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗬𝗦𝗧𝗘𝗠𝗟𝗢𝗢𝗞 | July 20, 2026, the Staff 1 Officers of the ...
20/07/2026

𝗟𝗦𝗥𝗜 𝗖𝗔𝗧 𝗦𝗧𝗔𝗙𝗙 𝟭 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘𝗥𝗦 𝗖𝗢𝗡𝗗𝗨𝗖𝗧 𝗠𝗘𝗘𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗡 𝗧𝗛𝗘 𝗖𝗢𝗥𝗣𝗦' 𝗚𝗥𝗔𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗬𝗦𝗧𝗘𝗠

𝗟𝗢𝗢𝗞 | July 20, 2026, the Staff 1 Officers of the LSRI Citizenship Advancement Training, convened at the Audio-Visual Room of La Salette of Ramon, Inc. (LSRI) to discuss and finalize the Corps' grading system, ensuring that evaluation standards remain fair, transparent, and aligned with the objectives of the Corps.

The meeting aimed to establish a fair, transparent, and standardized grading system that will serve as the basis for evaluating every cadet's performance in academics, military aptitude, discipline, attendance, leadership, and participation throughout the CAT program. It also provided an opportunity for the officers to align policies, clarify evaluation guidelines, and ensure consistent implementation across all companies.

The meeting was presided over by the CAT Commandant, Mr. Rowen John Imbag Domingo, LPT, MAEd, and officially recorded by the Corps Adjutant, Cdt. Maj. Eira Benavidez.

Through collaborative planning and sound leadership, the Corps continues to strengthen its commitment to excellence, discipline, fairness, and accountability.

𝗠𝗔𝗧𝗔𝗧𝗔𝗚 𝗡𝗔 𝗗𝗜𝗦𝗜𝗣𝗟𝗜𝗡𝗔 , 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗧𝗔𝗚 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗨𝗠𝗨𝗡𝗢! 🇵🇭 🖤

𝗗𝗔𝗬 𝟯: 𝗦𝗔𝗟𝗘𝗧𝗧𝗜𝗡𝗜𝗔𝗡𝗦' 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗜𝗧𝗠𝗘𝗡𝗧 💙As Salettinian students, attending Mass  is one of our core practices that strengthens ...
11/04/2026

𝗗𝗔𝗬 𝟯: 𝗦𝗔𝗟𝗘𝗧𝗧𝗜𝗡𝗜𝗔𝗡𝗦' 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗜𝗧𝗠𝗘𝗡𝗧 💙

As Salettinian students, attending Mass is one of our core practices that strengthens our faith and deepens our relationship with God. It reflects our identity as a community grounded in prayer, discipline, and spiritual growth. Through this, we are reminded to live with compassion, humility, and service to others, embodying the true values of a Salettinian both inside and outside the school.

𝟮𝗻𝗱 𝗗𝗮𝘆 𝗼𝗳 𝗧𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 💪Isang makabuluhang araw ng paghubog ng kakayahan, disiplina, at pagkakaisa ang muling naitala sa ik...
11/04/2026

𝟮𝗻𝗱 𝗗𝗮𝘆 𝗼𝗳 𝗧𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 💪

Isang makabuluhang araw ng paghubog ng kakayahan, disiplina, at pagkakaisa ang muling naitala sa ikalawang araw ng ating training. Nagsimula ang araw sa isang Morning Praise, bilang bahagi ng kulturang Salettinian, isang paalala ng ating pananampalataya at pagkakakilanlan.

Sinundan ito ng buong galang na pag-awit ng Pambansang Awit, na sumisimbolo ng ating pagmamahal sa bayan. 🇵🇭

Isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng programa ay ang isinagawang Leadership Training, na pinangunahan nina Hon. Jhon Loyd C. Riparip, LPT – SK Chairperson ng Bugallon Norte at Hon. Lester L. Ballao – SK Chairperson ng San Antonio.

Sa pamamagitan ng kanilang pagbabahagi ng kaalaman, karanasan, at inspirasyon, mas pinatatag ang pundasyon ng pagiging lider ng ating mga kabataan handa sa responsibilidad, may malasakit, at may direksyon.

Lubos din ang aming pasasalamat kay Ma’am Retchel Arevalo Baris sa kanyang kabutihang-loob sa pagbibigay ng libreng meryenda para sa ating mga training staff at trainees. Malaking bagay po ito upang mapanatili ang lakas at sigla ng bawat isa sa buong araw ng pagsasanay. 💙

Patuloy ang paghubog, patuloy ang paglago. Para sa bayan at kabataan! 🔥

𝗢𝗣𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗙 𝗦𝗨𝗠𝗠𝗘𝗥 𝗧𝗥𝗔𝗜𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗙 LSR 𝗖𝗔𝗧-I🇵🇭Matagumpay na naisagawa ang pagbubukas ng Summer Training ng LSR CAT-I, na pina...
10/04/2026

𝗢𝗣𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗙 𝗦𝗨𝗠𝗠𝗘𝗥 𝗧𝗥𝗔𝗜𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗙 LSR 𝗖𝗔𝗧-I🇵🇭

Matagumpay na naisagawa ang pagbubukas ng Summer Training ng LSR CAT-I, na pinangunahan ni Cpl. Rowen John Imbag Domingo (PA), ang newly assigned CAT Commandant ng LSR-CAT, kasama ang Assistant Commandant na si Mr. Jhune Eugenio, II.

Lalong naging makabuluhan ang programa sa pagdalo ng panauhing pandangal na si 1LT. Arnel B. Javier (PA), na nagbahagi ng inspirasyon at kaalaman hinggil sa kahalagahan ng disiplina, pamumuno, at tunay na paglilingkod sa bayan.

Nagsanib-pwersa naman ang Matikas Class of 2023 at Magiting Class of 2024 upang mainit na salubungin ang mga bagong miyembro ng organisasyon — ang ALAB-DIWA Class of 2027. Ipinakita ng bawat batch ang pagkakaisa, suporta, at diwa ng kapatiran na siyang magpapatibay sa pundasyon ng organisasyon.

Ang Summer Training na ito ay magsisilbing hakbang tungo sa paghubog ng mga kabataang lider na may tapang, integridad, at malasakit sa bayan.

Mabuhay ang kabataang handang maglingkod!

Para sa Bayan! 🇵🇭💙

Address

Roxas Street, Purok 1, Bugallon Proper, Isabela
Ramon
3319

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LSR Citizenship Advancement Training-I posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share