27/05/2026
"Masaya na Malungkot"
Malungkot dahil ang iba sainyo ay Hindi pinalad na mapasama sa listahan nang mga pasado sa Exam.
Masaya dahil kayo ay umabot sa puntong ito- Ang makapag- Exam.
Sa kabila Ng mga samo't saring salita na galing sa inyong kapwa.
"Pinapa-eriskwela kaya mag-aragom"
" Aanuhon mo pa man yan gurang kana?"
"Maray pa kayan Ang magtaratambay"
"Magbulang-bulang na sana"
At madami pang iba.
Pero bilib ako sa inyong naging determinasyon na magpatuloy sa inyong nasimulang bagong pag-asa sainyong buhay. Kahit na madami Ang naging" kontrabida " Ika nga ,ay pinagsumikapan ninyo na kayo ay umabot sa puntong ito.
Pasado man o Hindi- deserve ninyo Ang palakpakan 👏 at ipagmalaki kanino man ☺️
Lagi ninyong tatandaan, Hindi ito Ang magiging sukatan Ng inyong pagkatao. Magpatuloy at huwag panghihinaan Ng loob. Dahil ang taong may pangarap Hindi basta-basta napapatumba Ng Isang pagkabigo lamang, bagkus patuloy na lumalaban Hanggang sa maabot ang inaasam na tagumpay. Padayon ALS WARRIOR'S 💪
Lubos ko kayong ipinagmamalaki dahil sainyong ibinahaging kasipagan at katapangan na magsimula muli sa kabila Ng LAHAT ng inyong pinagdaanan.
Your's truly
Ma'am Giselle/ma'am yhang🫶
27/05/2026
26/10/2025