02/06/2026
Basahin:
Brigada Eskwela 2026 Kick-Off Program sa Maddela North Central School-Integrated SPED Center
Isang malaking pagdiriwang ng pagkakaisa at pagtutulungan ang sumalubong sa Maddela North Central School-Integrated SPED Center, kaakibat ang Brigada Eskwela 2026 na may temang “Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman".
Nagsimula ang lahat sa isang makabuluhang Kick-Off Program noong Hunyo 1, 2026. Ito ang hudyat ng sabayang pagtulong ng komunidad para ihanda ang paaralan sa pagpasok ng mga mag-aaral.
Pinangunahan ni Ginoong Johnny N. Navida, PhD, Punong G**o ng paaralan ang programa kasama ang tagapag ugnay ng brigada eskwela, Gng.Marlou Baguilat, ang buong kaguruan, magulang, at mga mag-aaral.
Naging isang mahalagang bahagi rin ng programa ang pagkilala sa mga katuwang ng paaralan — ang mga opisyal ng SPTA, mga Kapitan ng Barangay na sina Hon. Abraham R. Barroga ng Poblacion Norte at Hon. Jaime Cortez ng Poblacion Sur, mga kinatawan ng Pamahalaang Lokal, iba pang mga pribadong sektor, Producers Bank, Kservico, Jollibee Maddela, mga boluntaryo, at mga donor. Nagbigay din ng mga mensahe ng suporta si Ginoong Leonel V. Willar, Pangulo ng SPTA, at si Dr. Liwliwa B. Badongen, PhD, Tagapamanihala ng Distrito ng Paaralan.
Ang Brigada Eskwela ay hindi lang gawain ng paglilinis. Ito ay pagdiriwang ng diwang Pilipino —ang bayanihan. Sa loob ng limang araw, ito ang ilang sa mga pagkakataon para mapatunayan ng Maddela North Central School-Integrated SPED Center na kapag nagkaisa ang g**o, magulang, mag-aaral, at buong komunidad, walang imposible.
📸Gng. Norie Talledo
Gng. Anielyn Baybayan