DepEd Tayo Dungawan Central ES-Quezon Province

DepEd Tayo Dungawan Central ES-Quezon Province Dungawan Central Elementary School is a public school located at guinayangan quezon
(1)

Bago sila naging g**o, naging bata rin sila. ๐Ÿฅน๐Ÿ“šMinsan, sila rin ang mga batang naka-uniporme, may baong pangarap, at sab...
27/09/2026

Bago sila naging g**o, naging bata rin sila. ๐Ÿฅน๐Ÿ“š

Minsan, sila rin ang mga batang naka-uniporme, may baong pangarap, at sabik matuto. Naging estudyante rin silang nakaranas ng pagsusulit, pagkakamali, kaba, saya, at mga pangarap na unti-unting hinubog ng kanilang mga g**o.

Marahil, hindi nila naisip noon na darating ang araw na sila naman ang tatayo sa harap ng klase ngayonโ€”magbibigay ng aral, magtutuwid ng pagkakamali, magbibigay ng payo, at magiging bahagi ng mga pangarap ng kanilang sariling mga estudyante.

Ang mga larawang ito ay munting sulyap sa nakaraanโ€”mga batang minsang nangangarap, natututo, at naghahanap ng kanilang tatahaking landas. Ngayon, sila na ang mga g**ong patuloy na humuhubog sa kinabukasan ng iba. โค๏ธ

Dahil bago naging Teacher, naging Student muna. Bago naging Tagapagturo, naging Batang may Pangarap muna.

At bago sila tumulong bumuo ng mga pangarap ng kanilang mga estudyante, mayroon din silang sariling pangarap na kanilang tinahak. โœจ

Kaya ngayong Teachersโ€™ Day, balikan natin sandali ang kanilang kabataan at subukan nating hulaan.

๐Ÿ‘€ Mahuhulaan mo kaya kung sinu-sino ang mga g**ong ito ngayon?
Kilala mo ba sila noon, at makikilala mo pa kaya sila ngayon? ๐Ÿ˜„

Happy Teachersโ€™ Day sa lahat ng g**ong minsang naging batang nangangarap, at ngayon ay naging inspirasyon sa mga batang nangangarap din. ๐ŸŽ๐Ÿ“–๐ŸŒท

Let the guessing game begin! ๐ŸŽ‰
Guess the Teacher!

๐Ÿ‘€ MALINAW NA PANINGIN, SUSI SA MASAYANG PAGKATUTO!Vision Screening Para sa mga Mag-aaral sa Kindergarten isinagawa noong...
28/08/2026

๐Ÿ‘€ MALINAW NA PANINGIN, SUSI SA MASAYANG PAGKATUTO!

Vision Screening Para sa mga Mag-aaral sa Kindergarten isinagawa noong Agosto 27, 2026!

Katuwang ang mga g**o, at District School Nurse na si nurse Karen Danseco nagsagawa ang Dungawan Central Elementary School ng Vision Screening para sa lahat ng ating mga mag-aaral sa Kindergarten.

Ang malinaw na paningin ay mahalagang pundasyon sa maagang yugto ng pag-aaral ng isang bata. Sa pamamagitan ng gawaing ito, layunin nating matukoy nang maaga ang anumang pagbabago o problema sa kanilang mata upang agad na mabigyan ng tamang gabay at interbensyong medikal.

Ang maagang pagsusuri sa paningin ay susi upang maagapan ang anumang kondisyon na pwedeng makadulot ng permanenteng pinsala sa mata o pagkahuli sa klase. Kapag protektado at alaga ang paningin ng mag-aaral, mas madali para sa kaniyang sumabay sa mga aralin nang may kumpiyansa at ngiti sa labi. Tandaan, ang malinaw na paningin ay pundasyon ng masayang kabataan.

Sama-sama nating pangalagaan ang mata ng ating mga mag-aaral upang gabayan sila sa isang mas maliwanag at matagumpay na kinabukasan!

Taos-puso po ang aming pasasalamat kay Hon. Mayor Cesar J. Isaac at sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management ...
25/08/2026

Taos-puso po ang aming pasasalamat kay Hon. Mayor Cesar J. Isaac at sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa pangunguna ni Sir Roderick Marbella sa inyong napakahalagang donasyon na mga hard hat at sa pangunguna upang tagumpay na maisakatuparan ang earthquake drill na ginawa para sa mga mag-aaral at kawani ng Dungawan Central Elementary School.

Napakalaking tulong ng inyong pagkakaloob ng mga hard hat na magsisilbing mahalagang pananggalang at kagamitang pangkaligtasan para sa ating komunidad-paaralan.

Higit pa rito, ang inyong personal na paggabay at pangunguna ay naging susi upang maging matagumpay, maayos, at makatotohanan ang isinagawang Earthquake Drill.

Ang aktibidad na ito ay nagbigay ng sapat na kaalaman, kahandaan, at kapanatagan ng loob sa ating mga mag-aaral at g**o sa harap ng anumang sakuna o kalamidad.

Ang inyong walang-sawang malasakit sa kaligtasan ng bawat kabataang mag-aaral ay patunay ng isang tapat, maaasahan, at epektibong pamahalaang lokal.

Mula po sa mga mag-aaral, mga g**o, at buong kawani ng Dungawan Central Elementary School, maraming salamat po!

Mabuhay po kayo!

Pasasalamat.Buong pusong nagpapasalamat ang Kindergarten sa kabutihang-loob ni Ginoong Louie Jay D. Alano sa ipinagkaloo...
08/06/2026

Pasasalamat.

Buong pusong nagpapasalamat ang Kindergarten sa kabutihang-loob ni Ginoong Louie Jay D. Alano sa ipinagkaloob niyang cash noong nakaraang Moving Up Ceremony.

Dahil sa kanyang bukas-palad na suporta, nakabili ang paaralan ng mga kagamitang lubhang mahalaga sa pagkatuto ng mga bata tulad ng mga bangko, steel cabinet, grass carpet, at puzzle mat. Ang mga kagamitang ito ay kasalukuyang ng ginagamit ng kasalukuyang mga mag-aaral ng Kindergarten at malaking tulong sa paglikha ng isang ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran sa loob ng silid-aralan.

Ang inyong pong naging ambag ay hindi lamang mga kagamitan kundi isang mahalagang puhunan para sa edukasyon at kinabukasan ng aming mga mag-aaral. Sa bawat araw na ginagamit nila ang mga ito, naaalala namin ang inyong malasakit at suporta sa kanilang pag-aaral.

Maraming salamat po sa inyong kabutihan at sa pagiging bahagi ng paghubog sa mga batang mag-aaral. Nawaโ€™y patuloy kayong pagpalain at pagkalooban ng mabuting kalusugan at tagumpay sa buhay.

Maraming maraming salamat po! ๐ŸŒˆโœจ

๐Ÿ“ข BRIGADA ESKWELA 2026 ๐Ÿ“ขInaanyayahan po namin ang lahat ng mga magulang, mag-aaral, g**o, alumni, barangay officials, st...
19/05/2026

๐Ÿ“ข BRIGADA ESKWELA 2026 ๐Ÿ“ข

Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga magulang, mag-aaral, g**o, alumni, barangay officials, stakeholders, at mga boluntaryo na makiisa sa taunang Brigada Eskwela 2026 na gaganapin mula June 1โ€“5, 2026.

Ang programang ito ay naglalayong maihanda ang ating paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa pamamagitan ng bayanihan, pagtutulungan, at pagkakaisa ng buong komunidad.

๐Ÿ“… SCHEDULE:
๐Ÿ—“๏ธ June 1โ€“5, 2026
โฐ 7:00 AM โ€“ 4:00 PM
๐Ÿ“ Venue: Dungawan Central Elementary School

๐Ÿ“Œ Mga Maaaring Dalhin:
โœ”๏ธ Walis at dustpan
โœ”๏ธ Basahan at timba
โœ”๏ธ Brush
โœ”๏ธ Gardening tools

Inaasahan po ang inyong pakikiisa at suporta upang maging malinis, maayos, ligtas, at handa ang ating paaralan para sa mga mag-aaral.

โœจ Ang bawat tulong, maliit man o malaki, ay mahalaga!

Maraming salamat po at mabuhay ang bayanihan!

PAUNAWA: PAGHAHANAP NG MGA INTERESADONG VOLUNTEER ARAL TUTORS! ๐Ÿ“ฃMagandang araw!Inaanyayahan ang mga nagnanais maglingkod...
05/05/2026

PAUNAWA: PAGHAHANAP NG MGA INTERESADONG VOLUNTEER ARAL TUTORS! ๐Ÿ“ฃ

Magandang araw!
Inaanyayahan ang mga nagnanais maglingkod at magbahagi ng kaalaman na maging bahagi ng Volunteer Aral Tutor Program.

Ang programang ito ay isasagawa sa loob ng 20 araw, na may 2 oras na pagtuturo bawat araw, mula Mayo 6 hanggang Hunyo 2.

Layunin ng programang ito na suportahan ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng makabuluhan at boluntaryong pagtuturo, upang mapalakas ang kanilang kaalaman at kakayahan sa ibaโ€™t ibang asignatura.

Ang mga kwalipikadong maging volunteer ay mga college graduate na may sapat na kaalaman, kakayahan, at dedikasyon sa pagtuturo at paglilingkod sa kabataan.

Para sa mga interesadong lumahok, maaaring makipag-ugnayan sa punong-g**o ng paaralan, Maโ€™am Arlene A. Carrios, para sa karagdagang detalye, iskedyul, at mga kinakailangan.

Sama-sama nating itaguyod ang kalidad ng edukasyon at magbigay inspirasyon sa ating mga mag-aaral!

Maraming salamat at inaasahan ang inyong pakikiisa.

In photos: 7th Municipal Junior-Senior Camp & Twinkler Playday/Star Rebel 2026.March 13-15, 2026| Sisi Elementary School...
15/03/2026

In photos: 7th Municipal Junior-Senior Camp & Twinkler Playday/Star Rebel 2026.
March 13-15, 2026| Sisi Elementary School

Theme: ๐“ž๐“ท๐“ฌ๐“ฎ ๐“ ๐“–๐“ฒ๐“ป๐“ต ๐“ข๐“ฌ๐“ธ๐“พ๐“ฝ, ๐“๐“ต๐”€๐“ช๐”‚๐“ผ ๐“ ๐“–๐“ฒ๐“ป๐“ต ๐“ข๐“ฌ๐“ธ๐“พ๐“ฝ

Matagumpay na naisagawa ang camping ng ating mga batang Girl Scouts na may temang Once a Girl Scout, Always a Girl Scout. Sa gawaing ito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga kabataan na malinang ang kanilang kakayahan sa pamumuno, disiplina, pakikipagtulungan, at pagmamahal sa kalikasan. Higit sa lahat, pinagtibay nito ang diwa ng pagiging isang tunay na Girl Scoutโ€”isang pagkakakilanlan na mananatili sa kanilang puso at isipan saan man sila dalhin ng kanilang mga pangarap.

Tunay na ang mga aral, karanasan, at pagkakaibigang nabuo sa camping na ito ay magsisilbing gabay nila sa patuloy na paglago bilang responsableng kabataan at mabuting mamamayan. Sapagkat minsang naging Girl Scout, mananatiling Girl Scout habambuhay.โ€

Matagumpay na naisagawa ang Supreme Elementary Learner Government (SELG) at Youth for Environment in Schools Organizatio...
10/02/2026

Matagumpay na naisagawa ang Supreme Elementary Learner Government (SELG) at Youth for Environment in Schools Organization (YES-O) Elections.

Isinagawa ang halalan upang makapili ng mga mag-aaral na magsisilbing lider at kinatawan ng kanilang kapwa para sa taong-panuruan 2026-2027.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga kandidato, bumoto, at tumulong sa maayos at mapayapang pagsasagawa ng eleksyon. Nawaโ€™y magsilbi ang mga nahalal nang may integridad, pananagutan, at malasakit sa kapwa at sa kalikasan.


-O

๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐‡๐€๐Š๐๐€๐๐† ๐“๐”๐๐†๐Ž ๐’๐€ ๐Œ๐€๐’ ๐Œ๐€๐€๐˜๐Ž๐’ ๐๐€ ๐’๐ˆ๐‹๐ˆ๐ƒ-๐€๐‘๐€๐‹๐€๐! Noong Pebrero 4, 2026, buong pasasalamat na tinanggap ng Dungawan Cen...
05/02/2026

๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐‡๐€๐Š๐๐€๐๐† ๐“๐”๐๐†๐Ž ๐’๐€ ๐Œ๐€๐’ ๐Œ๐€๐€๐˜๐Ž๐’ ๐๐€ ๐’๐ˆ๐‹๐ˆ๐ƒ-๐€๐‘๐€๐‹๐€๐!

Noong Pebrero 4, 2026, buong pasasalamat na tinanggap ng Dungawan Central Elementary School ang mga lamesa at upuan na ipinagkaloob ng Quezon Provincial Office para sa kapakinabangan ng aming mga mag-aaral.

Tunay na malaking tulong ito sa araw-araw na pagkatuto ng mga bata sa paglikha ng mas komportable at kaaya-ayang kapaligiran sa loob ng silid-aralan.

Ang mahalagang suportang ito ay hindi lamang nagbibigay-kaginhawaan sa loob ng silid-aralan, kundi nagsisilbi ring pundasyon sa mas epektibo at makabuluhang pagkatuto.

Tunay na ang malasakit sa edukasyon ay pamumuhunan sa kinabukasan ng kabataan. ๐Ÿ’™๐Ÿ“š

In photos|Dungawan Central Elementary School joined the 2026 National Toothbrushing Day on February 2, 2026 as part of t...
04/02/2026

In photos|

Dungawan Central Elementary School joined the 2026 National Toothbrushing Day on February 2, 2026 as part of the 22nd National Dental Health Month under the theme โ€œDentistaโ€™y Kaagapay sa Ngiting walang Humpayโ€.

The school conducted the nationwide simultaneous toothbrushing activity, following proper health protocols and recommended toothbrushing techniques.

The activity strengthened learnersโ€™ awareness of proper oral hygiene and reflected the schoolโ€™s commitment to promoting good dental health and learner wellness in support of DepEdโ€™s School Health programs.

Address

Dungawan Central Guinayangan
Quezon
4319

Telephone

09502368725

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo Dungawan Central ES-Quezon Province posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category