DepEd Quezon Province Pamampangin ES Quezon Province

DepEd Quezon Province Pamampangin ES Quezon Province

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Quezon Province Pamampangin ES Quezon Province, Education, Brgy . Pamampangin, Lopez, Quezon.

17/07/2026

The entire Pamampangin ES Family beams with pride as we celebrate the well-deserved promotion of our very own, MA'AM DENIA M. DELIMA, from Teacher III to Teacher VI under the Expanded Career Progression!

Your leap to Teacher VI is a shining testament to your years of hard work, unwavering dedication, and passion for molding young minds. You are not just an educator; you are an inspiration to your colleagues and a true blessing to your students!

Thank you for your tireless service and for always aiming for excellence, Ma'am Denia. We wish you even greater success and fulfillment as you embark on this exciting new chapter of your teaching career!

14/07/2026

MAHALAGANG PABATID | KANSELASYON NG PASOK AT TRABAHO NGAYONG ARAW, HULYO 14

Dahil sa sunod-sunod na naramdamang pagyanig sa ating Bayan, ipinag-uutos ng Lokal na Pamahalaan ang cancellation ng trabaho at pasok para sa lahat ng mga empleyado ng LGU Lopez, gayundin sa lahat ng mga mag-aaral sa elementarya at high school (pampubliko at pribado).

Ang hakbang na ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa. Pinapayuhan ang lahat na manatiling kalmado, maging alerto, at maging laging handa sa anumang mga susunod na pagyanig.

Mag-ingat po tayong lahat, LopezeΓ±o!

14/07/2026

Happy Birthday Ma'am Linda.
Wishing you a year of new adventures, exciting lessons and memories worth cherishing forever.
Thank you for educating and inspiring young minds.

13/07/2026

πŸ“’ PANAWAGAN PARA SA MGA NAGNANAIS MAGING ARAL TUTOR

Bilang pakikiisa sa pagpapatupad ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program ng Department of Education, ang Pamampangin Elementary School 108813 ay malugod na nag-aanyaya sa mga indibidwal na may puso sa paglilingkod at adhikaing makatulong sa pagkatuto ng kabataan na maging ARAL Tutor.

Ang ARAL Program ay naglalayong magbigay ng karagdagang suporta sa mga mag-aaral upang mapaunlad ang kanilang kasanayan sa Pagbasa, Matematika, at Agham, sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng paaralan at komunidad.

Inaanyayahan naming magboluntaryo ang mga sumusunod:
β€’ Licensed Professional Teachers (LPT)
β€’ Pre-service Teachers at mga estudyante sa kolehiyo
β€’ Retired Teachers
β€’ Mga propesyonal
β€’ Mga magulang at iba pang miyembro ng komunidad na handang maglaan ng oras at kaalaman para sa edukasyon ng mga bata

Bilang ARAL Tutor, kayo ay magiging katuwang ng paaralan sa:
βœ” Pagpapalakas ng pundasyong kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral;
βœ” Pagbibigay ng makabuluhang suporta sa kanilang pagkatuto; at
βœ” Pagsusulong ng isang inklusibo at de-kalidad na edukasyon para sa lahat.

Ang bawat oras na inyong ilalaan ay isang mahalagang ambag sa paghubog ng kinabukasan ng ating mga mag-aaral.

πŸ“ Magpatala bilang ARAL Tutor sa Pamampangin Elementary School 108813.

Para sa karagdagang impormasyon at pagpaparehistro, makipag-ugnayan kay:
Mrs. Celina E. Tarronas
Principal I

Maging kabalikat sa pagbuo ng isang matatag na pundasyon ng pagkatuto. Sama-sama nating itaguyod ang de-kalidad na edukasyon at tiyaking walang batang maiiwan sa pagkatuto.

09/07/2026

SANCTIONS AND DISCIPLINARY MEASURES

09/07/2026

Security Policies in Schools

Security Policies in School

"𝐈𝐧 𝐜𝐚𝐬𝐞 𝐨𝐟 𝐞𝐦𝐞𝐫𝐠𝐞𝐧𝐜𝐲, 𝐜𝐚π₯π₯ πŸ—πŸπŸ"

Photos from DepEd Quezon Province Pamampangin ES Quezon Province's post 07/07/2026

Matagumpay na Nagsagawa ng Unang Summative Test ang Pamampangin ES
-Hulyo 6, 2026.
Matagumpay na isinagawa ng Pamampangin Elementary School ang kanilang Unang Summative Test para sa taong panuruan, na nagsilbing mahalagang hakbang sa pagsusuri ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

Sa buong pagsusulit, ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang disiplina at pagtutok, habang ang mga g**o ay masigasig na nagbantay upang matiyak ang maayos at patas na pagsasagawa. Ang pamunuan ng paaralan at mga magulang ay nagbigay ng suporta, na lalong nagpapatibay sa ugnayan ng tahanan at paaralan sa pagtataguyod ng kalidad ng edukasyon.

Ang matagumpay na pagsusulit na ito ay patunay ng dedikasyon ng Pamampangin ES sa pagpapaunlad ng kaalaman, disiplina, at kahandaan ng mga mag-aaral tungo sa mas mataas na antas ng pagkatuto.

Photos from DepEd Philippines's post 03/07/2026
25/06/2026

𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 πŒπ†π€ πŒπ€π†π”π‹π€ππ† 𝐀𝐓 𝐓𝐀𝐆𝐀𝐏𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀 π“π”ππ†πŽ 𝐒𝐀 π‹πˆπ†π“π€π’ 𝐀𝐓 πŒπ€ππ€π˜π€ππ€ππ† 𝐏𝐀𝐀𝐑𝐀𝐋𝐀𝐍

Bilang bahagi ng ating patuloy na pagsisikap na mapanatili ang isang ligtas, maayos, at mapayapang kapaligiran sa pagkatuto, hinihikayat ng Pamampangin Elementary School ang lahat ng mga magulang at tagapangalaga na maging katuwang ng paaralan sa pangangalaga sa kapakanan at kaligtasan ng bawat mag-aaral.

Ang aktibong pakikilahok ng mga magulang sa paggabay at pagmamasid sa kanilang mga anak ay mahalagang hakbang upang maiwasan ang anumang sitwasyon na maaaring magdulot ng panganib sa loob at labas ng paaralan. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, masisig**o natin ang isang ligtas at positibong kapaligiran kung saan malayang makapag-aaral at mahuhubog ang ating mga kabataan.

π˜—π˜ˆπ˜•π˜ˆπ˜žπ˜ˆπ˜Žπ˜ˆπ˜• 𝘚𝘈 π˜”π˜Žπ˜ˆ π˜”π˜ˆπ˜Žπ˜œπ˜“π˜ˆπ˜•π˜Ž

βœ… Regular na suriin ang bag, gamit, at personal na kagamitan ng inyong anak bago pumasok sa paaralan.
βœ… Makipag-usap sa inyong anak tungkol sa tamang asal, paggalang sa kapwa, at mapayapang paglutas ng alitan.
βœ… Agad ipagbigay-alam sa g**o o sa pamunuan ng paaralan kung may napapansing pagbabago sa pag-uugali, pagbabanta, pananakot, o anumang maaaring magdulot ng panganib.
βœ… Hikayatin ang inyong anak na magsumbong sa mga g**o o school authorities kung may nakikitang estudyanteng may dalang ipinagbabawal na bagay.
βœ… Siguraduhing ang mga gamit na dinadala sa paaralan ay may kaugnayan lamang sa kanilang pag-aaral.

πŒπ€π‡πˆπ†ππˆπ“ 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng:
β€’ Kutsilyo at anumang matutulis na bagay
β€’ Cutter o utility knife
β€’ Ice pick
β€’ Balisong at iba pang bladed weapons
β€’ Baril, airsoft gun, o imitasyong armas
β€’ Anumang bagay na maaaring gamitin upang makapanakit o makasugat

Ang mga nasabing bagay ay maaaring kumpiskahin ng paaralan at isailalim sa kaukulang proseso alinsunod sa mga umiiral na patakaran ng DepEd at Child Protection Policy.

π’π€πŒπ€-π’π€πŒπ€ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŠπ€π‹πˆπ†π“π€π’π€π 𝐍𝐆 πŒπ†π€ 𝐁𝐀𝐓𝐀

Ang ligtas na paaralan ay bunga ng pagtutulungan ng paaralan, pamilya, at komunidad. Sa ating pagkakaisa at pagmamalasakit, napapanatili natin ang isang kapaligirang malaya sa karahasan at puno ng paggalang, disiplina, at pagkatuto.

Kaligtasan ng Bata, Pananagutan ng Lahat.

Want your school to be the top-listed School/college in Quezon?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Website

Address

Brgy . Pamampangin, Lopez
Quezon