19/08/2026
CAPALONG ES, KAISA SA PAGPUPUGAY KAY QUEZON!
REAL, QUEZON | Agosto 19, 2026 — Nakiisa ang mga g**o at ang Punong G**o ng Capalong Elementary School, Gng. Odenah O. Rutas, sa pagdiriwang ng Ika-148 Araw ng Kapanganakan ni Pangulong Manuel L. Quezon na ginanap sa Real Municipal Covered Court, Poblacion 1, Real, Quezon.
Sa temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon,” tampok sa pagtitipon ang kahalagahan ng wikang Filipino sa makabagong panahon at ang responsableng paggamit ng teknolohiya at Artificial Intelligence sa pagkatuto at pananaliksik na binigyang diin ng Panauhing Tagapagsalita, PLt Col Rix S. Villareal.
Ang pagdiriwang ay nagsilbing makabuluhang paalala na ang mga aral at adhikain ni Manuel L. Quezon ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa bawat Pilipino—lalo na sa mga g**o na humuhubog sa susunod na salinlahi.
Patuloy ang pakikiisa ng paaralan sa mga gawaing nagpapahalaga sa wika, kasaysayan, edukasyon, at pagiging makabayan.