13/09/2026
๐ KARANGALAN PARA SA CALLEJON NATIONAL HIGH SCHOOL! ๐
SECOND PLACE - MOST LEARNER-FRIENDLY SCHOOL ENVIRONMENT
(Large School Category - Secondary)
Schools Division of Quezon | QERC 2026
Isang malaking tagumpay at karangalan para sa ating sintang paaralan!
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng naging katuwang sa pagkamit ng parangal na ito:
Sa aming mga minamahal na magulang sa pangunguna mg PTA officers, sa aming masisipag na mag-aaral, at sa aming mga alumni na patuloy na sumusuporta.
Sa mga namumuno ng bawat barangay na may mga mag-aaral na pumapasok sa Callejon NHS, maraming salamat po sa inyong walang sawang paggabay.
Sa aming PSDS, sa Lokal na Pamahalaan ng San Antonio sa pamumuno ni Hon. Mayor Erick M. Wagan, sa Sangguniang Bayan, at sa lahat ng bumubuo ng LGU - maraming salamat po sa inyong suporta.
Sa lahat ng aming Brigada Heroes - mga indibidwal, grupo, at sponsors na nagbigay ng tulong, materyales, at oras upang mapaganda at maisaayos ang ating paaralan. Hindi po namin ito makakamit kung wala kayo.
Isang espesyal na pasasalamat sa punong abala ng gawaing ito, si G. Angelo G. Lacorte, katuwang ang lahat ng mga g**o at non-teaching personnel ng Callejon National High School sa mahusay na pamumuno ng aming punong-g**o na si Gng. Aleli L.Hernandez.
Ang parangal na ito ay para sa inyong lahat! Patunay na kapag nagkakaisa - One School, One Community, One Commitment to Excellence - walang imposible.
Muli, MARAMING MARAMING SALAMAT PO!