PSLIS - Kagawaran ng Filipino

PSLIS - Kagawaran ng Filipino

Share

Padayon, wikang Filipino!

Photos from PSLIS - Kagawaran ng Filipino's post 15/12/2025

🎬 PAANYAYA SA LAHAT NG SEKSYON NG BAITANG 10 🎬

Inaanyayahan ng PSLIS - Kagawaran ng Filipino ang bawat seksyon ng Baitang 10 na makilahok sa Paligsahan sa Paglikha ng Maikling Pelikula na tumatalakay sa mga suliraning inilahad sa El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal na nangyayari at nararanasan pa rin sa kasalukuyan.

Gamit ang sining ng pelikula, ipakita kung paano nananatiling buhay ang mga isyu tulad ng pang-aapi, katiwalian, kawalan ng katarungan, at pananamantala—mula noon hanggang ngayon. Iugnay ang nakaraan sa kasalukuyan at gawing salamin ng lipunan ang inyong likha.

Ipakita ang inyong pagkamalikhain, husay sa pag-arte at pagdidirehe, at malalim na pag-unawa sa akdang nagmulat sa kamalayang Pilipino. Gamitin ang sining ng pelikula upang ipahayag ang mensahe ng pagbabago, katarungan, at pagmamahal sa bayan.

🎥 Mula sa mga pahina ni Rizal tungo sa realidad ng ngayon—likhain ang pelikulang may saysay at tinig ng pagbabago!

Photos from Edz-Photography's post 29/11/2025

Mga kuhang larawan sa kulminasyong gawain ng kagawaran ng Filipino bilang pakikiisa sa Pambasang Buwan ng Pagbasa na may temang "Tulay ang Pagbasa sa Bukas na Puno ng Pag-asa" na isinagawa sa PSLIS Multi-Purpose Covered Court, Nobyembre 27.

28/11/2025

Kwento sa Lente: Pagbuo ng Story Trailer

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Pagbasa 2025 na may temang "Tulay ang Pagbasa sa Bukas na Puno ng Pag-asa," narito ang story trailer ng Grade 10 STE – I. Newton batay sa maikling kwentong Tata Selo ni Rogelio Sicat, ang kanilang interpretasyon ay nagsisilbing paalala na ang kwento ni Tata Selo, isang magsasakang inagawan ng lupa, tinakpan ng paratang, at binalewala ng lipunan, ay hindi lamang bahagi ng panitikan. Ito ay repleksyon ng realidad na hanggang ngayo'y nararanasan ng maraming nasa laylayan.

Sa kanilang lente, muling binuhay ng mga mag-aaral ang bigat ng kwento kung saan ang lupang dapat ay kanlungan ngunit ginawang sandata ng makapangyarihan, ang tinig na pilit na pinatahimik, at ang isang amang ang tanging hangad ay hustisya sa mundong lumalaban sa kanya. Ang bawat eksena ay nagtatanghal ng aral na iniwan ng akda na sa lipunang may malalim na agwat sa pagitan ng may kaya at wala, madaling manahimik ang katotohanan at madaling mabaluktot ang katarungan.

Hindi lamang ito isang proyekto ng sinematograpiya kundi isa itong paninindigan. Sa malikhaing direksyon, sinadyang ipakita ng pangkat kung paanong ang Tata Selo ay patuloy na tumatama sa kasalukuyan, kung paanong ang mga “Tata Selo” ng ating lipunan ay patuloy na hinahadlangan, napagkakaitan, at nasasakal ng sistemang pumapabor sa iilan.

Isang malaking pagkilala sa buong pangkat ng Grade 10 STE – I. Newton sa kanilang dedikasyon at paglalapat ng puso hindi lamang upang malikha ang story trailer, kundi upang maipadama ang mensaheng dapat marinig.

Mula sa Kagawaran ng Filipino, pagbati sa patuloy na pagsuporta sa mga proyektong nagbibigay-boses sa kabataan, upang magkuwento, magtanong, at manindigan.

Sa pagtatanghal na ito, muling nagpapaalala ang mga mag-aaral na sa bawat lipunang pumapanig sa makapangyarihan, may Tata Selong kailangang pakinggan.

Mabuhay ang panitikang pumupukaw. Mabuhay ang kabataang handang magmulat.

26/11/2025

📢✨ Inaanyayahan namin kayong lahat! ✨📢

Halina’t makiisa at makibahagi sa Kulminasyong Gawain ng Pambansang Buwan ng Pagbasa 2025 na may temang: "Tulay ang Pagbasa sa Bukas na Puno ng Pag-asa."

🗓️ Petsa: Nobyembre 27, 2025
📍 Lugar: PSLIS Multi-Purpose Covered Court
⏰ Oras: Ika-2:00 ng hapon
👚 Kasuotan: Anumang Kasuotang Angkop sa Paaralan

Huwag palampasin ang tampok na paligsahan ng SABAYANG PAGBIGKAS: Boses ng Katotohanan na lalahukan ng mga mag-aaral sa Baitang 9 at 10 ng paaralan na magpapakita ng kanilang kasanayan sa pagbikas, pag-arte, at pagpapahayag ng damdamin.

Saksihan din ang pagtatampok sa mga naging kalahok at mga nagwagi sa bawat paligsahan na nagpakita ng pagmamahal sa pagbasa. ❤️

Sama-sama nating ipagdiwang ang yaman ng kaalamang matatamo sa pagbabasa!

Pilipino

24/11/2025

Pagpapakilala ng Tauhan ng Dekada '70 ni Lualhati Bautista

Inihahandog ng pangkat STE-Dalton bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Pagbasa 2025 na may temang "Tulay ang Pagbasa sa Bukas na Puno ng Pag-asa" ang kuwento ng pamilyang ginipit ng panahon, inalipusta ng iba, at pinagkaitan ng kalayaan—ang pamilya Bartolome.

Sa gitna ng pangambang dala ng batas Militar noong dekada sitenta, walang takot na bumoses si Amanda para sa sariling kalayaan, pagbabago ni Julian mula sa padre de pamilyang walang kinatatakutan, at ang hagulgol ni Jules para sa boses ng kabataang pinagkaitan ng kalayaan.

Sa bawat linya at emosyon, kasaysayan ay muling nabubuhay. Ang halimbawa ng paglabas mula sa madilim na kahapon. Ang istoryang bumuwag sa katahimikan. Ang pamilyang walang pag-aalinlangang bumoses at nagmaka-awa para sa kapayapaan ng isipan ng bawat isa.

Photos from PSLIS - Kagawaran ng Filipino's post 12/11/2025

Tara na at makiisa sa pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Pagbasa 2025! 🎉

Sa temang “Tulay ang Pagbasa sa Bukas na Puno ng Pag-asa,” ating ipakita na ang pagbabasa ay hindi lamang libangan kundi isang makapangyarihang sandata tungo sa tagumpay.

Ang bawat aklat na binubuksan ay nagbibigay sa atin ng bagong kaalaman, inspirasyon, at pag-asa. Sa tulong ng pagbabasa, natututo tayong mangarap, umunlad, at magbahagi ng kabutihan sa iba. Kaya’t sabay-sabay nating itaguyod ang kulturang bumabasa—dahil sa bawat pahina, may pag-asang naghihintay!

03/11/2025

PAMBANSANG BUWAN NG PAGBASA 2025 ✨📚
Tema: “Tulay ang Pagbasa sa Bukas na Puno ng Pag-asa”

Sa bawat pahinang ating binubuklat, nagbubukas ang pinto ng kaalaman, inspirasyon, at pag-asa. Ang pagbabasa ay hindi lamang libangan—ito ay sandigan ng pagkatuto, tulay ng pangarap, at ilaw sa landas ng tagumpay.

Ngayong Nobyembre, ating ipagdiwang ang Pambansang Buwan ng Pagbasa 2025 na may temang “Tulay ang Pagbasa sa Bukas na Puno ng Pag-asa.” Ang pagdiriwang na ito ay paalala sa ating lahat na ang pagbabasa ay susi sa paghubog ng matalino, mapanuri, at may malasakit na mamamayan.

Inaanyayahan ang lahat ng mag-aaral, g**o, at buong pamayanan ng paaralan na makiisa sa iba’t ibang gawain at patimpalak na inihanda upang linangin ang ating pag-ibig sa pagbabasa at pagpapahalaga sa kaalaman. Sama-sama nating isulong ang adbokasiyang ito tungo sa isang bansang nagbabasa at umuunlad!

📢 Manatiling sumubaybay para sa mga anunsyo ng mga paligsahan, aktibidad, at programa na kaugnay ng pagdiriwang! Huwag palampasin ang pagkakataong maging bahagi ng makabuluhang paglalakbay ng pagbabasa at pag-asa!

Photos from PSLIS - Ang Bandilyo's post 14/09/2025
Photos from PSLIS - Kagawaran ng Filipino's post 01/09/2025

Isang Wika, Isang Diwa: PSLIS, Tagpuan ng Sining at Kultura sa Buwan ng Wika 2025

Nagtipon-tipon ang mga g**o at mag-aaral ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School upang ipagdiwang ang Buwan ng Wika 2025 na may temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika, Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa" na ginanap sa PSLIS Multi-Purpose Covered Court nitong Agosto 28.

Nagsimula ang programa sa pambungad na panalangin at pambansang awit ng Pilipinas na sinundan ng opisyal na pagbati mula kay Gng. Marty A. Abuyan, Ulongg**o III ng Kagawaran ng Filipino.

Nagbigay rin ng mensahe si Dr. Reynaldo V. Nanong, Punongg**o IV ng PSLIS, kung saan kaniyang binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtangkilik sa wikang Filipino at kulturang Pilipino hindi lamang sa loob ng paaralan at oras ng selebrasyon kundi pati na rin sa pang-araw-araw na pamumuhay.

“Huwag nating ikahon sa pagdiriwang lamang ang ating pagkakakilanlan. Dalhin natin ito saan man tayo naroroon,” aniya.

Kasunod nito ay isinagawa ang panunumpa ng mga opisyal ng Filipino Club na pinangunahan ni Dr. Nanong na naglalayong makapaglingkod ang mga opisyal nang mahusay at kapaki-pakinabang.

Isa sa mga tampok ng programa ang palaro na “Hulahimig,” na nilahukan ng mga g**o at piling mag-aaral na nagsilbing makatang kabataan. Ipinakita rito ang yaman ng wika at sining, pati na rin ang koneksyong dala ng musika, lalo't higit sa OPM. Gayundin ang mahalagang papel ng kabataan sa pagpapanatili at pagpapayabong ng kulturang Pilipino.

Sa paligsahang HULAHIMIG, nagwagi ng Unang Pwesto ang Kagawaran ng Matematika sa katauhan nina G. Aldrin Pabella at G. Nylljude Genton, nagtamo ng ikalawang pwesto sina Bb. Kathlene Quevedo at Gng. Richie Nabio na mga kinatawan ng Kagawaran ng Ingles at nakuha naman ng Kagawaran ng Agham ang ikatlong pwesto sa pangunguna nina Gng. Hazel Marie Pavino at Gng. Kathrina Rose Suarez.

Kasunod nito ay binigyang pagkilala ang mga g**ong naging komite ng pagdiriwang at ang mga kalahok at nagwagi sa iba’t ibang paligsahan na sumukat sa husay at talino ng mga mag-aaral, kabilang ang Wikavlog, Sayaw-Wika, Salin-Tinig, Wika-Reel, Lip-Sync, Wikollage, Litratitik, Kwentograpo, Tularawan, at Emokwento. Nag-uwi ng parangal ang mga piling mag-aaral mula sa iba’t ibang baitang na siyang nagsilbing patunay sa kahusayan at malikhaing kakayahan ng PSLIS.

Sa Wikavlog, nagwagi sina Kirz Rey N. Ballener, Dhanica Rhaine E. Mirabite, at Jacob Lawrence A. Sicat mula sa Narra; sina John Jacob De Veluz at Angeline Alvarez mula sa Dalton; at sina Krishna Ceribo, Khristine Salumbides, at Rhey Anne Sophia Merjudo mula sa Banaba.

Samantala, sa Sayaw-Wika, itinanghal sina Marian Dominique Jariel, Ace Custodio, at Prince Guisipe Estrada mula sa Dalton; sina Kyla Glaisa Lorico, Rhoanne Grace Hugo, at Rheanna Jhen Oblefias mula sa Maulawin; at sina Allysa Jewel Centino, John Michael Esclanda, at Alona Chezca Oracion mula sa Kamagong.

Sa Salin-Tinig, nagwagi sina Crystalyn O. Cademia mula sa Newton, Ryza Janine Zulueta mula sa Jacinto, at Monica S. Macantan mula sa D. Silang.

Para naman sa Wika-Reel, itinanghal ang mga kinatawan mula sa Newton na sina Franky Renz G. Oblefias, Cheska Nicole M. Atienza, at Princess Femmy D. Laderas; mula sa Rizal na sina Alliah Nicole Elio, Cyruz Escanilla, at Ivan Danez; at mula sa Palma na sina Maryah Ansesca Jacobo, Lian Fabricante, at Marian Bernadette Jarlan.

Sa Lip-Sync, nagwagi sina Ayohnie Zhey L. Rodriguez mula sa Newton, Joyce Shamarose A. Flores mula sa Rizal, at Andzeen Heuy S. Ratio mula sa Palma.

Sa Wikollage, itinanghal sina Elize Kate G. Lause, Carla Andrea F., at Vherlyn F. Villenas mula sa Einstein.

Samantala, sa Litratitik, nagwagi sina Jahzeel Drake P. Macatol mula sa Love at Kiara Venice A. Rado mula sa Generosity.

Sa Kwentograpo, itinanghal sina Nikka Ruiz Deloraya mula sa Rose, Maria Jenwil Baldo at Jheyza Mae Rio mula sa Arthurium, at John Michael D. Igloria mula sa Orchids.

Para naman sa Tularawan, nagwagi sina Lyka Michaelle D. Sales mula sa Aristotle, Mae V. Blanca mula sa Jasmine, at Kyla May G. Balena mula sa Jasmine.

Sa huli, para sa Emokwento, itinanghal na kampeon sina Keisha Dayle S. Nantes mula sa Aristotle, Nico Beralde mula sa Generosity, at France E. Arguilita mula sa Tulip.

Itinanghal din ang 7- Einstein, 8- Aristotle, 9- Narra at 10- Newton bilang Kampeon ng Wikang Pambansa.

Maayos na napadaloy ang palatuntunan sa pamamagitan ng mga g**ong sina Gng. Melchie Ann Mercadal, Gng. Dazell Villamater at G. Fernando Andaya Jr.

Pasasalamat ang ipinapaabot ng Kagawaran ng Filipino sa mga g**o at mag-aaral na aktibong nakibahagi sa pagdiriwang.

Higit pa sa mga tropeo at gantimpala, ang tunay na tagumpay ng araw ay ang pagbubuklod ng isang pamayanan sa ilalim ng isang bandila, isang wika, at isang diwa.

Tatlong salita ang sumasaklaw sa buong karanasan: Pagdiriwang. Pagmamahalan. Pagkakakilanlan. At sa PSLIS, malinaw na ipinakita na habang may kabataang marunong magmahal sa sariling wika, mananatiling buhay at matatag ang kulturang Pilipino.

Sa panulat ni: Santino Celis
Kuhang lawaran ni: Kirz Ballener

Want your school to be the top-listed School/college in Quezon?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address

Brgy. Aliliw, Lucban
Quezon
4328