05/12/2025
Mensahe ng Pasasalamat
Kami po, ang mga officers ng iba't ibang organisasyon at mga g**o ng Landing Elementary School, ay taus-pusong nagpapasalamat sa lahat po ng nagbigay ng cash, damit, bigas, at diaper para sa tatlong magkakapatid na nasunugan. Matagumpay po naming naipaabot ang inyong tulong sa kanilang pamilya.
Maraming salamat po sa inyong malasakit. Nawa’y patuloy po kayong pagpalain.
03/12/2025
Magandang araw po!
Ang Landing Elementary school po at ang iba't ibang organisasyon ng aming paaralan ay mapagpakumbabang lumalapit upang humingi ng tulong para sa tatlong magkakapatid na estudyante ng paaralan na nawalan ng tirahan at mga kagamitan dahil sa isang malagim na sunog. Ang mga mag-aaral na sina Christine (Grade 3), Jack Daniel (Grade 4) at Queen Lyca C. Magdami (Grade 6) ay kasalukuyang nangangailangan ng agarang tulong upang muling makabangon.
Kasama sa mga pangunahing pangangailangan ng pamilya ay mga damit, pagkain, gamit sa paaralan, hygiene kits, at iba pang mahahalagang bagay na makatutulong sa kanilang araw-araw na pamumuhay at pagpapatuloy sa pag-aaral.
Dahil dito, kami po ay taos-pusong humihiling ng anumang suporta na maaari ninyong maibahagi—maaaring ito ay pinansyal o mga in-kind na donasyon. Anumang tulong, maliit man o malaki, ay lubos na makatutulong upang maibsan ang hirap na kasalukuyang pinagdaraanan ng mga bata at ng kanilang pamilya.
Kung nais ninyo pong magpaabot ng tulong, maaari kayong makipag-ugnayan kay Althea M. Lopez (SELG President), Precious Jellianne B. Matibag (YES-O President) at sa mga g**o po ng Landing.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong kabutihang-loob at malasakit. Nawa’y patuloy po kayong pagpalain ng Panginoon.
Maari din po kaung magpaabot thru gcash:
09052852501
09308840323
Maraming salamat po!
29/10/2025
Warmest congratulations on earning your Doctorate Degree in Educational Management!
Your journey of hard work, perseverance, and passion for learning has finally paid off. You are an inspiration to all educators who dream big and strive to make a difference. Truly proud of your achievement! 👏📚✨
Congratulations maam Hazel I Gonzales 👏👏👏
Doctor of Education Major in Educational Management
* Magna Cum laude
* Meritissimus in Oral Revalida
* Loyalty Awardee
05/10/2025
Wishing you both a day filled with laughter, blessings, and all the things that make you happiest. Enjoy your special day! 🎂🎈
03/10/2025
Isang pagpupugay sa lahat ng g**o na patuloy na naglilingkod nang may puso at dedikasyon. 💐happy teachers day po LES Family🥰🥰
"
15/06/2025
💖 Maraming salamat po!
Mabuhay ang ating Brigada Eskwela Heroes!
09/06/2025
💖 Maraming salamat po!
Mabuhay ang ating Brigada Eskwela Heroes!
09/06/2025
Isinagawa ang pagtatanghal ng pagkilala kina G. Ricardo Castillo at Gng. Nemesia Fajardo bilang pagpaparangal sa kagalang-galang na tagapagkaloob ng lupa na naging daan sa katuparan ng ating mga pangarap para sa paaralan.
Lubos ang aming pasasalamat sa inyong bukas-palad na pagtulong—isang pamana ng kabutihang hindi malilimutan ng kasalukuyan at mga susunod na henerasyon.
Maraming salamat po sir Julef Castillo sa pag dalo🥰
Maraming salamat pong muli sa pamilya Castillo!🥰
09/06/2025
Thank you so much po maam Melody M. Maneja and Family🥰🥰
Lubos po ang aming pasasalamat sainyong walang sawang pagsuporta sa mga bata dito sa paaral ng Landing.
Ang inyo pong donasyon ay hindi lamang tulong sa paghahanda para sa pagbubukas ng taong panuruan , kundi isang malinaw na patunay ng inyong malasakit sa edukasyon at sa kinabukasan ng aming mga mag-aaral.
Maraming salamat po!