DepEd Tayo CES 109296

DepEd Tayo CES 109296

Share

Caigdal Elementary School 109296

Photos from DepEd Tayo CES 109296's post 18/06/2026

๐Ÿ“ข Matagumpay na isinagawa sa Caigdal Elementary School ang Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) bilang bahagi ng paghahanda sa mga posibleng sakuna.

Nakiisa ang mga mag-aaral, g**o, mga magulang at kawani sa pagsasagawa ng wastong earthquake response procedures tulad ng โ€œDuck, Cover, and Hold.โ€ Ang gawaing ito ay nagpapatibay ng kamalayan, kahandaan, at kaligtasan ng buong komunidad ng paaralan sa oras ng lindol. ๐ŸŒ๐Ÿซ

Photos from DepEd Tayo CES 109296's post 11/06/2026

Isinagawa ang Parent's Orientation sa Caigdal Elementary School kasabay ng pagtatalaga ng mga pamunuan ng Homeroom Parents-Teachers Association (HRPTA) ng bawat baitang.

Layunin ng gawaing ito na maipabatid sa mga magulang ang mahahalagang programa, polisiya, at mga alituntunin ng paaralan para sa Taong Panuruan 2026โ€“2027.

Photos from DepEd Tayo CES 109296's post 10/06/2026

JUST INโ€ผ

Isinagawa ang OPCRF Validation ngayong araw ng Hunyo 10, 2026, upang masuri at mapatunayan ang mga ebidensyang inihain ng mga g**o sa Caigdal Elementary School kaugnay ng kanilang mga target at nakamit na pagganap para sa School Year 2025โ€“2026.


Photos from DepEd Tayo CES 109296's post 10/06/2026

Bumisita ang ating Unisan PSDS, Ma'am Ruth B. Son, sa Caigdal Elementary School upang magsagawa ng Oplan Balik Eskwela (OBE) Monitoring.

Layunin ng kanyang pagbisita na tiyakin ang kahandaan ng paaralan para sa pagbubukas ng Taong Panuruan 2026โ€“2027. Sinuri niya ang mga pasilidad, learning resources, at iba pang mahahalagang paghahanda ng paaralan. Nagbigay rin siya ng mga rekomendasyon at gabay upang higit na mapabuti ang school readiness.

Photos from DepEd Tayo CES 109296's post 08/06/2026

๐ŸŽ’ Unang Araw ng Pasukan sa Caigdal Elementary School (S.Y. 2026โ€“2027)

Masayang sinalubong ng mga mag-aaral, g**o, at mga magulang ng Caigdal Elementary School ang unang araw ng pasukan para sa School Year 2026โ€“2027 ngayong Hunyo 8, 2026.

"Sama-sama para sa Batang Caigdaleรฑo: Handa, Ligtas, at Inspiradong Matuto!" ๐Ÿ“šโœจ

06/06/2026

Bilang paghahanda sa pagbubukas ng panuruang taon 2026-2027, mahalagang magkaroon ng School Readiness Team na magsisislbing katuwang sa pagtiyak na ang paaralan ay handa sa pagtanggap sa mag-aaral, g**o, at iba pang mga stakeholder. Ang pangkat na ito ay may mahalagang tungkulin sa pagpaplano, pagsubaybay at pagsasagawa ng mga kinakailangang gawain upang matiyak ang maayos, ligtas at organisadong pagsisimula ng klase.




06/06/2026

๐Ÿ’š Salamat, Brigada Heroes! ๐Ÿ’š

Photos from DepEd Tayo CES 109296's post 06/06/2026

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng ating Brigada Eskwela Heroes - mga magulang, g**o, alumni, brgy. officials, volunteers, at iba pang stakeholders na naglaan ng kanilang oras, lakas, at suporta para maging handa ang ating paaralan sa panibagong taong panuruan.

Photos from DepEd Tayo CES 109296's post 02/06/2026

JUST IN! June 2, 2026! ๐Ÿ“šโœจ

Patuloy ang pagsasagawa ng Enrollment at Brigada Eskwela sa pamamagitan ng bayanihan ng mga g**o, magulang, volunteers, at stakeholders. Maraming salamat sa inyong oras, suporta, at pakikiisa para sa mas handa at maayos na pagbubukas ng klase para sa S.Y. 2026โ€“2027.

๐Ÿ’™ Sama-sama para sa dekalidad na edukasyon!

Want your school to be the top-listed School/college in Quezon?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address

BRGY. CAIGDAL UNISAN
Quezon
4305