31/07/2026
π₯πͺ₯π Classroom-Based Nutrition Month Celebration 2026 ππͺ₯π₯
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Nutrition Month 2026 na may temang "Sa PPAN, Sama-Sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat" at sub-theme na "Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!", nagsagawa ang Ungos Elementary School ng classroom-based celebration na nagbigay-diin sa kahalagahan ng wastong nutrisyon, mabuting kalinisan, at pangangalaga sa kalikasan.
Nakiisa ang mga mag-aaral sa iba't ibang makabuluhang gawain tulad ng paghahanda ng masustansyang pagkain, tamang paghuhugas ng kamay, sabayang pagsisipilyo ng ngipin, at iba pang health and nutrition activities na naglalayong mahubog ang mga mabubuting gawi para sa malusog na pamumuhay.
Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, patuloy nating itinatanim sa isipan at puso ng ating mga mag-aaral na ang malusog na pangangatawan, wastong kalinisan, at pangangalaga sa kalikasan ay magkakaugnay sa paghubog ng isang mas ligtas, mas malusog, at mas maunlad na kinabukasan.
π Sama-sama sa nutrisyong sapat. Sama-sama sa paghubog ng mga batang malusog, disiplinado, at may malasakit sa kalikasan!