15/08/2026
BUWAN NG WIKA✨
“Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon"
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, nagsuot ang mga g**o at mag-aaral ng kasuotang kultural sa isinagawang Flag Ceremony. Samantala, isinama rin ng mga g**o ang pagdiriwang sa kanilang mga classroom activities sa pamamagitan ng simpleng integrasyon ng paggamit ng wikang Filipino sa kanilang mga aralin. Sa ganitong paraan, naipakita ang pagpapahalaga sa wika at kulturang Pilipino sa loob at labas ng silid-aralan.
02/08/2026
Thank you for your dedication Ma'am Rhea and God bless on your next journey.
01/08/2026
SCHOOL LEARNING ACTION CELL✨
Nagsagawa ang Mabuhay Elementary School ng School Learning Action Cell (SLAC) tungkol sa DepEd Order No. 15, s. 2026 na tumatalakay sa bagong grading system. Aktibong nakilahok ang mga g**o sa talakayan upang higit na maunawaan ang mga pagbabago sa patakaran sa pagmamarka ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng gawaing ito, napalawak ang kanilang kaalaman at naging mas handa silang maayos na maipatupad ang bagong sistema sa paaralan.
01/08/2026
SECOND SUMMATIVE TEST (TERM 1)✨
Isinagawa ng Mabuhay Elementary School ang Second Summative Test para sa Term 1 bilang bahagi ng pagtataya sa natutuhan ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng gawaing ito, nasukat ang kanilang kaalaman at pag-unlad sa iba't ibang asignatura.
01/08/2026
CLASSROOM-BASED NUTRITION MONTH CELEBRATION ✨
"Nutrisyon at Kalikasan, Pangalagaan"
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon nagsagawa ang Mabuhay Elementary School ng Classroom-Based Nutrition Month Celebration. Lumahok ang mga mag-aaral sa Slogan Making, Poster Making, at Nutri Baon na nagpakita ng kanilang pagkamalikhain at pagpapahalaga sa wastong nutrisyon at pangangalaga sa kalikasan.
14/07/2026
SAFETY FIRST: EARTHQUAKE RESPONSE
Nagkaroon ng pagyanig dulot ng lindol habang nasa paaralan ang mga mag-aaral ng Mabuhay Elementary School. Agad na isinagawa ng mga mag-aaral at g**o ang tamang earthquake evacuation procedure patungo sa itinalagang open area. Nanatiling kalmado ang lahat habang hinihintay ang hudyat na ligtas nang makabalik sa kanilang mga silid-aralan.
11/07/2026
SCHOOL LEARNING ACTION CELL✨
Nagsagawa ang Mabuhay Elementary School ng School Learning Action Cell (SLAC) na may paksang Effective Classroom Management. Nagbahaginan ang mga g**o ng mga epektibong estratehiya at pinakamahusay na pamamaraan sa pagpapanatili ng maayos, ligtas, at positibong kapaligiran sa loob ng silid-aralan. Sa pamamagitan ng gawaing ito, higit pang napaunlad ang kanilang kakayahan sa pamamahala ng klase upang mapabuti ang pagkatuto at pag-uugali ng mga mag-aaral.
08/07/2026
SCHOOL SAFETY MEASURES ✨
Isinagawa ang Orientation on School Safety Measures para sa mga magulang at g**o ng Mabuhay Elementary School, Huyong-Uyon Elementary School, at Huyong-Uyon National High School. Pinangunahan ito ng isang opisyal ng kapulisan, PMAJ ERIC L. VELUZ, na nagbahagi ng mahahalagang impormasyon tungkol sa kaligtasan at seguridad sa loob at labas ng paaralan. Tinalakay rin ang wastong paghahanda at pakikiisa ng mga magulang, g**o, at komunidad upang matiyak ang ligtas na kapaligiran para sa bawat mag-aaral.
08/07/2026
Congratulations to our newly promoted teacher!
May you continue to inspire every learner you teach! We are proud of you!
06/07/2026
FIRST SUMMATIVE TEST ✨
Ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang kahandaan sa pagsagot sa kanilang First Summative Test bilang bahagi ng Term 1 Assessment sa kanilang natutuhan sa loob ng tatlong linggo.