09/07/2026
Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa sa pansamantalang pagsasaayos ng bakod ng ating paaralan upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng bawat mag-aaral.
Maraming salamat sa 85th Infantry Battalion – Delta Company, sa pangunguna ni SSG Rey Oliver Barias, sa kanilang mahalagang tulong at pakikiisa.
Taos-puso rin po ang aming pasasalamat sa Sangguniang Barangay, sa pangunguna ni Kap. Virgilio Virtucio, sa kanilang suporta sa gawaing ito.
Malaking pasasalamat din sa GPTA Officers, sa pamumuno ni Gng. Daisy Sagario, na naglaan ng meryenda para sa lahat ng mga tumulong.
Hindi rin po namin malilimutan ang mga masisipag na magulang ng ating mga mag-aaral na naglaan ng kanilang oras, lakas, at kooperasyon, gayundin ang mga magulang na nagbigay ng karagdagang pamerienda.
Ang inyong pagkakaisa, malasakit, at walang sawang suporta ay tunay na patunay na sa sama-samang pagtutulungan, mas nagiging ligtas at maayos ang ating paaralan para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.
Maraming salamat po at mabuhay ang diwa ng bayanihan!