27/07/2026
Hulyo 23, 2026 – Isinagawa ang Holy Spirit Mass sa Bungoy Elementary School sa pangunguna ni Reb. P. Florencio Nombrefia. Ang banal na misa ay dinaluhan ng mga g**o, mag-aaral, at iba pang kawani ng paaralan bilang paghingi ng patnubay, karunungan, at pagpapala ng Banal na Espiritu para sa patuloy na matagumpay na pagsasakatuparan ng mga gawain at adhikain ng paaralan.
Nawa'y magsilbing gabay ang Banal na Espiritu sa bawat isa upang patuloy na maitaguyod ang pananampalataya, pagkakaisa, at pagmamahalan sa loob ng komunidad ng Bungoy Elementary School.