08/06/2026
TINGNAN I UNANG ARAW NG PASUKAN, MASIGLANG SINIMULAN!
Masayang sinimulan ang pagbubukas ng klase sa DepEd Tayo Bacong Ibaba ES - 108684 ngayong araw, ika-8 ng Hunyo, 2026, para sa Taong Panuruan 2026-2027.
Nagsimula ang araw sa Pagtataas ng Watawat na pinangunahan ng G**ong Tagapamanihala, Dr. Julie Ann C. Figuerra. Masaya niyang tinanggap ang lahat ng mga mag-aaral at kasamang mga magulang. Sa kanyang mensahe ay ipinakilala niya ang mga g**o at kawani gayundin ay binigyang-diin ang kahalagahan ng edukasyon, pagsunod sa mga alituntunin at ang pakikiisa sa mga programa, proyekto at gawaing pampaaralan. Binigyang-pansin din niya ang pagpasok sa itinakdang oras, pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng mga silid-aralan at ng buong paaralan, pagsasagawa ng wastong hygiene at ang pagkain ng masusustansiyang pagkain at inumin upang mapanatili ang malusog na pangangatawan.
Naging bahagi din ng programa ang State of the Learner Government Address (SOLGA) ng SELG President na si Jazz Yvannah E. Regencia, kung saan ay inilahad niya ang mga layunin, plano at mga nakatakdang gawain ng mga mag-aaral sa pangunguna ng kanilang samahan.
Sa huli, binanggit ni Dr. Figuerra ang kaniyang pagbati at positibong hangarin na - Maligayang pagbabalik eskwela sa lahat ng mag-aaral, g**o at kawani! Magtulungan at magkaisa tayo para sa patuloy na pag-unlad ng ating paaralan lalo at higit ang pagkatuto ng ating mga mag-aaral!
03/06/2026
TINGNAN: ENROLMENT PARA SA SY2026-2027, NAGPAPATULOY!
Ang Bacong Ibaba Elementary School ay patuloy na humihikayat sa lahat ng mga magulang na ipa-enrol na ang kanilang mga anak upang opisyal na silang maisama sa tala ng mga inaasahang papasok at mag-aaral sa nasabing paaralan ngayong Taong Panuruan 2026-2027 na magsisimula sa Hunyo 8, 2026.
Ang nasabing enrolment ay pinamamahalaan ng mga g**o sa Unang Yugto (Key Stage 1) na sina Gng. Anna Katrina E. Grimaldo, Gng. Elsie E. Villena, at Gng. Kristine Joy C. Moreno sa patnubay ng G**ong Tagapamanihala Dr. Julie Ann C. Figuerra.
Muli, maigting ang panawagan ng paaralan na ang lahat ng mga batang mula limang (5) taong gulang ay inaasahang maipalista dahil ang makapag-aral ay karapatan.
-2027
03/06/2026
LOOK: LEARNING BEYOND LIMITS: THE ARAL SUMMER PROGRAM SUCCESS STORY!
The ARAL Summer Program Recognition Day 2026 was successfully conducted on June 2, 2026, at 1:00 PM at Bacong Ibaba Elementary School. The activity was attended by all ARAL Summer learners and their parents, volunteer tutors, and school personnel who actively supported and contributed to the implementation of the program. The gathering served as the culminating activity of the ARAL Summer Program, celebrating the learners' accomplishments and progress throughout the intervention period.
The program recognized the significant improvement of learners in their literacy and numeracy skills through the presentation of certificates and awards. Certificates of Completion, Certificates of Appreciation for Perfect Attendance, and Certificates of Recognition for Most Improved Readers were awarded to deserving learners in acknowledgment of their hard work, perseverance, and dedication.
The activity highlighted the positive impact of the ARAL Summer Program in addressing learning gaps and strengthening foundational skills. It also fostered a sense of pride and motivation among learners and their families, making the event a meaningful and memorable celebration of academic growth and achievement through the collaborative efforts of both the school and all the parents.
01/06/2026
TINGNAN: BRIGADA ESKWELA, SINIMULAN NA!
Pinatunayan ng Brigada Volunteers ng DepEd Tayo Bacong Ibaba Elementary School ang tema ng Brigada Eskwela 2026 na โNAGKAKAISA PARA SA KAAYUSAN AT KAALAMANโ. Sapagkat ang lahat ng mga g**o at kawani, kasama ang mga magulang, Sangguniang Barangay Officials, mga mag-aaral at ang lahat ng stakeholders ay nakiisa para masig**o ang isang maayos, ligtas at handang paaralan para sa nalalapit na pagsisimula ng klase.
Sa pangunguna ng G**ong Tagapamanihala, Dr. Julie Ann C. Figuerra, kasama ang lahat ng mga g**o at kawani, ay nagpapasalamat sa lahat ng indibidwal at samahan na tumugon sa panawagan ng paaralan para sa isang bayanihan at sama-samang paggawa para sa paaralan lalo at higit para sa mga mag-aaral.
30/05/2026
TINGNAN I BACONG IBABA ES CITIZEN'S CHARTER
Bilang bahagi ng aming patuloy na pagsisikap na makapagbigay ng mahusay, transparent, at maagap na serbisyo sa publiko, ibinabahagi ng Bacong Ibaba Elementary School ang aming School Citizen's Charter.
Ang dokumentong ito ay nagsisilbing gabay sa mga proseso, serbisyo, mga kinakailangang dokumento, at takdang panahon ng pagproseso ng mga transaksyon sa paaralan upang masig**o ang episyente at de-kalidad na serbisyo para sa ating mga mag-aaral, magulang, at iba pang stakeholders.
Inaanyayahan namin ang lahat na basahin at maging pamilyar sa mga serbisyong handog ng paaralan bilang bahagi ng aming pangako sa mabuting pamamahala at patuloy na pagpapabuti ng serbisyo publiko.
๐ Mabilis na Serbisyo. Malinaw na Proseso. Tapat na Paglilingkod.
30/05/2026
๐ฃTARA NA, MAKIISA SA BRIGADA ESKWELA 2026!๐ฃ
Ang Bacong Ibaba Elementary School ay buong pusong nag-aanyaya sa lahat ng magulang, alumni, volunteers, stakeholders, at miyembro ng komunidad na makibahagi sa Brigada Eskwela 2026 bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Halinaโt magsama-sama sa diwa ng bayanihan upang linisin, ayusin, at pagandahin ang ating paaralan para sa mas ligtas at mas maayos na kapaligiran ng ating mga mag-aaral. Anumang tulongโoras, lakas, kagamitan, o donasyonโay lubos naming pahahalagahan.
Sama-sama nating itaguyod ang kalidad na edukasyon sa pamamagitan ng pagkakaisa at malasakit para sa kabataan!
29/05/2026
PABATID | ๐ถ๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐ ๐ฌ๐๐๐๐๐๐ 2026
Ipinababatid ng Bacong Ibaba Elementary School ang taunang pagsasagawa ng Oplan Balik Eskwela 2026 bilang bahagi ng paghahanda sa nalalapit na pagsisimula ng klase. Layunin nitong masig**o ang maayos, ligtas, at organisadong pagbabalik sa paaralan ng ating mga mag-aaral.
๐๐๐ก๐๐ก๐๐ฅ๐๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ญ๐ฌ๐:
โข Brigada Eskwela: Hunyo 1โ5, 2026
โข Enrollment Period: Hunyo 1โ5, 2026
โข Unang Araw ng Klase: Hunyo 8, 2026
๐๐๐๐ฅ๐๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ญ๐๐ฅ๐:
โข Dalhin ang Report Card o SF9
โข Kopya ng Birth Certificate
Kaugnay ng gawain, itinatag ang ๐๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ง๐๐ ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ญ๐๐ซ (๐๐๐๐) upang tugunan ang mga katanungan at iba pang paksa . Maaari po kayong makipag-ugnayan sa mga itinalagang g**o at kawani ng paaralan.
Malugod po namin kayong inaanyayahan na makiisa at tumugon sa panawagan ng sama-samang pagsuporta sa mga gawaing pampaaralan.
01/04/2026
IKA-67 TAUNANG PAGTATAPOS, ISINAGAWA!
Kahapon, ika-31 ng Marso 2026, matagumpay na isinagawa ng Bacong Ibaba Elementary School ang ika-67 Taunang Pagtatapos para sa mga mag-aaral ng Ikaanim na Baitang, bilang pagtatapos ng taong panuruan 2025โ2026.
Ang pangwakas na gawaing ito ay may temang โPilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang may Kakayahan at Mabuting Pagkatao.โ Ang nasabing selebrasyon ay naging mas
makabuluhan dahil sa inspirasyong mensahe na ibinahagi ng Panauhing Tagapagsalita, Kgg. Konsehal MARK LLOYD E. SANGALANG.
Ang paaralan ay taus-pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga dumalo, nakiisa at sumaksi sa mahalagang okasyong ito na pinangunahan ng Ama ng Barangay, Kgg. RODOLFO T. RIOFLORIDO, Tserman ng Komite ng Edukasyon, Kgg. RODOLFO C. PERMEJO, at Pangulo ng Samahan ng mga Magulang at G**o, Gng. EVEROSE G. BERNANCIO.
Sa huli, ang aming pagbati sa lahat ng mga batang nagsipagtapos sa taong ito. Nawa'y baunin ninyo ang mga turo, aral at karansang inyong taglay mula sa ating paaralan. Ipagpatuloy ang inyong determinasyon at sipag sa pag-aaral tungo sa pagkamit ng inyong mga pangarap sa buhay.
Muli, congratulations Batch 2026!
20/03/2026
Congratulations on your well-deserved achievement! ๐
Your journey in completing your MAED is a testament to your dedication, perseverance, and passion for education. May this milestone open even greater opportunities for growth and leadership in our profession.
Wishing you continued success as you inspire and make a difference in the lives of our learners. Proud of you, Mam Alith!
12/02/2026
๐ฃ๐ฃ๐ฃ Division Numbered Memorandum
DM NO. 0157, S. 2026
ANNOUNCEMENT OF VACANCIES IN SDO QUEZON FOR SCHOOL ADMINISTRATION AND NON-TEACHING POSITIONS
Last day for the submission of Application documents is on FEBRUARY 23, 2026 (MONDAY)