17/04/2026
Lubos na nagpapasalamat ang Hagonhong Elementary School kay G. Christopher D. Cadano, President/CEO ng Cadano Cargo Transport Services, Inc., sa kanyang bukas-palad na donasyon na tatlong (3) solar lights para sa paaralan.
Malaki ang maitutulong ng mga solar lights na ito sa pagbibigay ng sapat at maaasahang ilaw, na magpapabuti sa kaligtasan at kapaligiran ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
Taos-puso rin ang pasasalamat ng paaralan kay Kapitana Elma Monino sa patuloy na suporta sa mga programa ng paaralan.
Maraming salamat po sa inyong malasakit at suporta sa edukasyon!