31/07/2022
Sama-sama tayong muli sa bayanihan para sa ligtas na balik-aral!
Lahat ay inaanyayahan ng Kagawaran ng Edukasyon na makiisa ngayong darating na Agosto 1-26, 2022 para sa Brigada Eskwela 2022 na may temang, "Brigada Eskwela: Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik-Aral."
Panoorin din ang livestream ng 2022 Brigada Eskwela Kick-off sa pangunguna ng SDO Imus City sa Imus Pilot Elementary School bukas, Agosto 1, sa opisyal na page, YouTube channel, at website ng DepEd Philippines.
Para sa iba pang detalye kaugnay ang school calendar ngayong SY 2022-2023, basahin ang DepEd Memorandum No. 34, s. 2022: https://bit.ly/DO34S2022