27/04/2026
Sa panahon ngayon kung saan laganap ang fake news at iba’t ibang anyo ng misimpormasyon, disimpormasyon, at malimpormasyon, mas nagiging mahalaga ang pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip. Noong nakaraang April 18, natutuhan ng mga mag-aaral ng Pook Aguinaldo Community Learning Hub na:
✅ Matukoy ang fake news, mis/dis/malimpormasyon, at clickbait;
✅ Maging responsable sa pag-share ng tama at mapagkakatiwalaang impormasyon;
✅ Maging maingat, mapanuri, at mulat.
Ang magiging panlaban natin sa lumalaganap na education crisis sa Pilipinas ay ang paghahanap, pagkikilatis, at paninindigan sa katotohanan; at adhikain ng Let's CHAT Online Safety na simulan ito sa ating mga kabataan. 👥✨
Maraming salamat sa mga nakilahok at kitakits muli sa susunod! ❤️
📸 Rommel Jr Lascano
🎨 Aleina Emboltura
🖋️ Jazel Belo