08/05/2020
Noong Ika 5 ng mayo taong kasalukuyan, niyanig tayo ng isang balita na gumimbal sa bawat pamilyang pilipino. Ito ay ang pag hain ng cease and desist order laban sa ABS-CBN ng NTC (National Telecommunications Commission) at pagutos ng pagliban neto sa pagbroadcast sa himpapawid.
Dalian namang sinunod ito ng network at sinabi ng presidente nito na hinding hindi sila mananahimik sa panggigipit na ginawa ng gobryerno. Mula sa dakong iyon ay marami ang naghayag ng suporta sa network at sa mahigit 11,000 nitong mga empleyado na mawawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng kumpanya.
Bilang isang kabataan na may pakialam sa nangyayari sa ating bansa, kami ay titindig sa panggigipit ng gobyernong ito sa malayang pamamahayag sa bansang ito. Tinaguriang demokrasya ang ating bansa pero tahasang niruruyakan ang malayang pamamahayag. Nangyari na ito noong batas militar sa rihemeng marcos pero hindi namin hahayaan na maulit ulit ang pangigipit na ito.
Hiling namin sa gobyerno: Huwag samantalahin ang kahinaan ng bawat pamilyang pilipino sa kabila ng paglaban sa pandemyang ito para isulong ang tahasang pagyurak ng demokrasya ng pamamahayag.
Mahalaga sa bawat pamilyang pilipino ang ABS-CBN. Parte na ito ng kanilang mga buhay araw-araw. Kasama sa pagtawa at kalungkutan. Mas lalong masakit ito sa bawat pamilya ng mahigit 11,000 na empleyadong mawawlan ng trabaho dahil sa pagsara ng network kung paano nila haharapin ang bawat darating na araw.
Kami ay sumusuporta sa Black Friday Protest na kasalukuyang isinasagawa ng National Alliance of Broadcast Unions kasama ng Akbayan Youth at iba pang organisasyon na patuloy na kinokondina ang pagsasara ng ABS-CBN.
08/05/2020
08/03/2017
18/02/2017
17/06/2016
14/06/2016
07/06/2016
28/05/2016