06/05/2026
๐ฃ๐๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐ง ๐ก๐ ๐ ๐๐๐จ๐๐๐ก๐!
Ang huling araw ng enrollment sa mga Child Development Centers (CDC) ng Lungsod Quezon ay sa ๐ ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ด, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ (๐๐๐๐ฒ๐ฏ๐ฒ๐) na!
๐ Pumunta sa pinakamalapit na CDC sa inyong lugar.
๐ Bukas ang mga CDC tuwing Lunes hanggang Huwebes, 8:00 AM โ 5:00 PM.
๐ Para sa iba pang detalye, basahin dito:
https://www.facebook.com/share/p/1EJnVW2EtT/
Huwag palampasin ang pagkakataon โ magpalista na! ๐งธโจ
https://www.facebook.com/
25/03/2026
Halos 16,000 Batang Mag-aaral ng Quezon City, Bida sa Moving-up Ceremony
Isang makulay at makabuluhang selebrasyon ang nasaksihan sa ginanap na kauna-unahang Moving-Up Ceremony na pinagsama samang Distrito mula District 1 hanggang District 6 ng Child Development Center (CDC) sa Lungsod ng Quezon School Year 2025-2026 na may temang: Batang QC Handa nang Mamuno, May Kakayahan at Pusong Makatao, na ginanap sa Smart Araneta Coliseum, kung saan umabot sa 15,692 batang mag-aaral ang matagumpay na nagtapos sa kanilang early childhood education nito lamang ika-24 ng Marso, 2026.
Dumalo at aktibong nakibahagi sa programa ang mga tauhan ng Child Development Service Provider (CDSP) na pinangunahan ni PCPT ROMEL T SUMALINOG, CDSP Supervisor, sa ilalim ng pangangasiwa ni PCOL LUIS E GUISIC, Chief, CADD, sa pamumuno ni PBGEN VINA H GUZMAN, Director, PCADG. Nakiisa rin ang mga g**o mula sa Local Government Unit ng Quezon City at mga magulang na nagsilbing katuwang sa paghubog ng kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral.
Mas naging makabuluhan ang okasyon sa pagdalo ni Hon. Maria Josefina Belmonte, City Mayor, bilang panauhing pandangal, kasama ang iba pang opisyal ng lungsod at mga kinatawan ng Early Childhood Care and Development (ECCD) Council. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng maagang edukasyon bilang pundasyon ng tagumpay ng bawat bata, at ang kahalagahan ng mga magulang at g**o sa komunidad sa paghubog ng isang mas maunlad na lipunan.
Napuno ng saya at palakpakan ang buong Araneta nang nagpamalas ng husay sa pag awit ng Lupang Hinirang ang mga mag aaral mula sa PNP Child Development Center Camp Crame na tunay na maipagmamalaki ng mga magulang at mga g**o ng mga nagsisipagtapos.
Ang matagumpay na pagsasagawa ng naturang programa ay patunay ng matibay na ugnayan ng Philippine National Police (PNP), lokal na pamahalaan, at iba pang katuwang na ahensya sa pagsusulong ng dekalidad na edukasyon para sa kabataan. Ang araw na ito ay nagsilbing paalala na ang bawat maliit na hakbang ng isang bata ay isang malaking ambag sa kinabukasan ng bayan.
25/03/2026
๐ ๐ฃ๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ด๐๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ ๐ง๐ฎ๐ด๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ! ๐
๐ข ๐ช๐ฎ๐น๐ธ-๐ถ๐ป ๐๐ป๐ฟ๐ผ๐น๐น๐บ๐ฒ๐ป๐ sa Philippine National Police Child Development Center (PNP CDC) magsisimula na ngayong ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ต ๐ฎ๐ฑ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ (๐ช๐ฒ๐ฑ๐ป๐ฒ๐๐ฑ๐ฎ๐)!
๐ง๐ง ๐ฆ๐ถ๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด-๐ฒ๐ป๐ฟ๐ผ๐น๐น?
โ
Mga batang isinilang mula ๐๐ป๐ฒ๐ฟ๐ผ ๐ญ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฏ - ๐๐ป๐ฒ๐ฟ๐ผ ๐ฏ๐ญ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฐ para sa Pre-Kindergarten 1 at mga batang isinilang mula ๐๐ป๐ฒ๐ฟ๐ผ ๐ญ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฎ - Disyembre ๐ฏ๐ญ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฎ para sa Pre-Kindergarten 2.
โ
Paano Mag-enroll:
Tingnan ang mga alituntunin, mga kinakailangan, at ang kumpletong listahan sa mga infographics sa ibaba. โฌ๏ธ
Para sa mga katanungan, huwag mag-atubiling bumisita sa aming opisina sa PNP CDC, Camp Crame, Quezon City simula ngayong March 25. Sama-sama nating buuin ang mas maliwanag na kinabukasan ng ating mga anak! ๐
16/03/2026
Mrs. Mary Rose O. Nartatez, Adviser, PNP OLC Foundation, Inc., graced the heartwarming event dubbed โLittle Smiles, Big Dreamsโ, a feeding and gift-giving activity organized by Sangguniang Masang Pilipino International, Incorporated (SMPII) for the children of the Child Development Center of Camp Crame. The activity was held on March 12, 2026, at the PNP CDC, Camp BGen Rafael T. Crame, Quezon City, bringing joy and care to the young PNP dependents.
This humanitarian project is a collaborative effort of SMPII Dubai and Northern Emirates Chapter, in partnership with SMPII National Headquarters and the Police Community Affairs and Development Group (PCADG). Through this initiative, the organizers aimed to brighten the day of the children with smiles, gifts, and nourishing meals, reinforcing the spirit of community service and compassion. -PNPPIO (Photos by PCpl Cayago)
12/03/2026
Gift Giving at Feeding Program handog sa mga mag-aaral ng PNP-CDC
Ngiti at tuwa ang makikita sa mukha ng mga mag-aaral ng PNP-CDC sa isinagawang Gift-Giving at Feeding Program sa PNP Child Development Center, Camp BGen Rafael T Crame nito lamang ika-12 ng Marso taong kasalukuyan.
Ang aktibidad ay inisyatiba ng mga miyembro ng Sangguniang Masang Pilipino International, Inc. (SMPII) na pinangunahan ni CA01, Menrado F. Ragunton katuwang ang Police Community Affairs and Development Group na pinangunahan ni PBGEN VINA H GUZMAN, D, PCADG.
Lumahok din sa programa ang ilang miyembro ng PNP OLC Foundation Inc. na pinangunahan ni Mrs. Mary Rose Nartatez, Adviser, OLCFI, PCOL NIEVES DELA PEรA, Chief, FJGADD, PCOL LUIS E. GUISIC, Chief, CADD, PCADG, PCPT ROMEL T SUMALINOG, CDSP Supervisor, at kanyang mga Child Development Service Providers.
Tampok sa aktibidad ang pamamahagi ng mga school supplies, laruan, Jollibee food packs at palaro sa mga mag-aaral ng PNP-CDC.
Bukod pa rito ay nagbigay ng saya ang PNP mascots at ang Jollibee Mascot, kasama ang PCADG Dance Fitness Team, sa kanilang masiglang pagtatanghal ng sayaw kung saan nakiindak ang mga bata, mga PNP personnel, at maging ang mga bisita.
Hindi maitago ng mga mag-aaral ang kanilang tuwa at pasasalamat sa mga natanggap na handog mula sa mga miyembro ng SMPII.
Ang nasabing aktibidad ay sumasalamin sa patuloy na malasakit at pakikipag-ugnayan ng Philippine National Police at ng mga katuwang nitong organisasyon sa komunidad, isang hakbang tungo sa layunin ng โBagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.โ