25/05/2025
Pilipino-Palestino, laban sa imperyalismo!
Noong Miyerkules, Mayo 21, 2025, maTAGUMpay na naisagawa ng PI 100 WFV - Tagum ang proyektong pagpapalabas-pelikula na Sine Intifada: Mga Kuwentong Pakikibaka ng Pilipino Palestino sa Third Space (Orange Zone), UP Diliman. Ipinalabas ang dokumentaryong pinamagatang “Remnants of a Conversation” sa direksyon ni Jules Leaño, na pasilip sa pang-araw-araw na pamumuhay at kultura ng mga Palestino sa West Bank.
Pagkatapos ay nagbigay ng kanilang mga reaksyon at saloobin ang mga panauhing reaktor na sina Ella May Maaño (CONTEND) at Louise Espiña (LFS-UPD), gayundin ang mga reaktor mula sa klase ng Tagum na sina Fernando Jose Calvario at Jobert Pillas. Isang focus-group discussion naman ang isinagawa ng mga manonood sa pangunguna ng mga facilitator mula sa Tagum, upang palalimin pa ang diskusyon ukol sa kaugnayan ng Palestinong pakikibaka sa danas ng mga Pilipino sa ilalim ng imperyalismo at sa diskusyon ng rebolusyon sa konteksto ng buhay at mga akda ni Jose Rizal.
🔗 Para sa mga dumalo sa pagpapalabas-pelikula, mangyari lamang na sagutan ang feedback form na ito: https://forms.gle/31e1a16QEfg7MVqG9