Lakbay Mansalay
A combination of animation and film students journeying through stories of identity, heritage, and the Mangyan Pakudos symbol.
Rooted in tradition and driven by imagination, we create visuals that celebrate indigenous culture through modern storytelling.
08/08/2025
Ano nga ba ang pakudos?
At sinu-sino kaya ang mga tao sa likod ng isang napaka-gandang simbolo na ito at bakit hanggang ngayon, nakikita pa rin natin siya sa modernong panahon ng Mindoro? Ang kasagutan ay ating mapapanood sa video na ginawa ng LAKBAY MANSALAY.
Youtube Link here: https://youtu.be/oRCdLuQ1Jt0?si=LdPFnncqjImSPWb8
π½οΈ Behind the Lens: Lakbay Mansalay
Sa likod ng bawat pahina ng aming zine ay mga kwentong hindi lang basta dokumentado, kundi isinabuhay.
Mula sa pag-akyat ng bundok, pagtawid sa rumaragasang ilog, hanggang sa pakikipaghalubilo sa mga masisigla at bukas-palad na Hanunuo Mangyan, bawat hakbang ng aming lakbay sa Mansalay ay may bitbit na aral, pagod, at ngiti.
Makikita rin dito kung paano nabuo ang aming proyekto. Mula sa simpleng ideya, hanggang sa isang makabuluhang zine na layuning bigyang-pansin ang sining at kultura ng Hanunuo.
Ito ang hindi ninyo nakita sa final output.
Ito ang Lakbay Mansalay: sa likod ng aming pakikibaka at tagumpay. πΏπΈ
07/08/2025
β¨ Matapos ang 13 linggong Capstone 2, sa wakas ay nakita rin namin ang bunga ng lahat ng hirap, puyat, at dedikasyon. π
Hindi lang ito proyekto, ito ay isang paglalakbay. Sa aming pananaliksik, naranasan naming umakyat ng bundok, lumusong sa ilog, at makisalo sa simpleng pamumuhay, kumain ng gulay, makipagkwentuhan, at matuto mula sa mismong mga Hanunuo Mangyan. πΏ
Ipinaglaban namin ito hindi lang para sa requirements, kundi para sa mas malalim na pag-unawa at pagpapakilala sa kultura ng isang komunidad na madalas ay napag-iiwanan. At ngayon, isa na kami sa mga Top Capstone Projects ng batch . Isang patunay na ang pagsusumikap na may layunin ay laging may kahihinatnang tagumpay. β¨
Maraming salamat, Hanunuo Mangyan, sa tiwala at sa karanasang hinding-hindi malilimutan. β€οΈ
06/08/2025
β¨ π§π’π£ πππ£π¦π§π’π‘π π£π₯π’ππππ§ β¨
We are proud to announce that Lakbay Mansalay has successfully passed the Capstone 2 defense at C**T College of Arts and Technology!
Congratulations to everyone who supported the team, especially our professors, Sir Nestor Abrogena and Ms. Kristine Sulit, as well as our loved ones and friends who continuously showed their love and encouragement.
Higit sa lahat, nais namin pa-salamatan ang mga Hanunuo Mangyan na nag tiwala, nakiisa sa amin at bukal sa loob na kami ay tulungan at suportahan noong kami ay nasa Mansalay, Mindoro. Sa inyo ang tunay na kapurihan! Dahil hindi namin ito magagawa kung wala kayo. Maraming salamat po!
This is not the end for Lakbay Mansalay! Our doors remain open, because this is only the beginning of our hard work.
Maraming salamat po!
05/08/2025
Magadang araw!
Nais namin ibahagi sa inyo ang Kwentong Pakudos Zine at Case Study video bilang bahagi ng aming pasasalamat sa pag suporta at pagsama sa aming paglalakbay upang makilala ang mga Hanunuo Mangyan sa Mansalay, Oriental Mindoro!
Maaaring i-click ang link na ito:
https://drive.google.com/drive/folders/1dcr88mFpunPSjEury8ZiCutsTtHvIq_o?usp=sharing
02/06/2025
πMeet our Hanunuo Mangyan!π
Kami ay lubos na nagagalak na naging bahagi ng aming pag-aaral si Bayi Yam-ay Postma, ang asawa ni Bapa Antoon Postma β isang dating antropolohista at misyonero na siyang nagturo ng misyon sa mga Hanunuo Mangyan at nakilala ang nagi-isang Yam-ay.
Kasama ang iba pang magagaling na crafters ng Hanunuo Mangyan kabilang ang isa sa asawa ng crafter!
Kung nais mag bahagi ng suporta sa aming pag-aaral, pumunta lamang sa link na ito:
https://www.facebook.com/share/p/12GzGm5Nx6L/
Photograph by: Francis Mar Vargas
31/05/2025
29/05/2025
π΄πππππππππ ππππππππ, π¨ππ π΅ππππ!
Nawa'y maging masagana at masaya ang iyong taon. Salamat sa iyong kabutihan at pagmamahal. πβ€οΈ
Click here to claim your Sponsored Listing.