Kilala mo ba kung sino-sino ang mga nagmamay-ari ๐ค ng mga media companies dito sa Pilipinas? ๐บ๐ฑ๐ป๐ฐ Alam mo rin ba kung anong implications ng kanilang ownership sa content na nilalabas nila? ๐Halika ๐ค, alamin natin para hindi ka ma-FOMO! ๐ง๐ปโ๐ป
FOMO: Faces of Media Ownership
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from FOMO: Faces of Media Ownership, Education Website, UP College of Mass Communication, Quezon City.
11/12/2024
Kung sino man ang nagmamay-ari ng media ay siya ring may kakayahang kumontrol nito. Sa panahong laganap ang disinformation at misinformation, nagiging plataporma ang media ng mga makakapangyarihang may-ari nito sa pagpapalaganap ng kanilang interes, komersyal man o pampulitika.
Ang konsepto ng pamilya ay litaw rin sa kalakaran sa media. Sa kasalukuyan, ang ABS-CBN ay pinapaktabo ng Pamilya Lopez, mga tagapagmana ni Eugenio Lopez, Sr., isang sugar at shipping magnate. Ang Philippine Star ang pinamumunuan ng mga Belmonte kung saan si Miguel Belmonte ang CEO habang sina Kevin Belmonte at Isaac Belmonte ay may posisyon sa online at editorial board nito. Lahat sila ay mga anak ng mamamahayag na si Betty Go-Belmonte, ang nagtatag ng Philippine Star.
Ang Inquirer Group of Companies ay pinamamahalaan naman ng mother-daughter duo na sina Marixi Rufino-Prieto and Sandy Prieto-Romualdez. May tatlo pang Prieto sa board members ng publikasyon โ Bryan Christopher Prieto, Paolo Romeo R. Prieto at Javier Vicente D. Rufino. Ang radyo rin tulad ng The Manila Broadcasting Company ay pinapatakbo ng mga tagapagmana ng Spanish businessman na si Joaquin Marcelino Elizalde โJoaquin Miguel, Manuel at Federico Elizalde.
Nahaharap din ang media sa isyu ng monopolyo. Ang business tycoon na si Manuel V. Pangilinan ang nagmamay-ari sa MediaQuest Holdings, Inc. na hawak din ang Philippine Star, TV5 at Philippine Daily Inquirer. Bukod pa rito, hawak din ni Pangilinan ang 14 na ibaโt ibang media outlet sa bansa.
Tingnan ang infographic para sa mas detalyadong report.
Ano ang naiisip mo tuwing naririnig ang mga salitang "media" at "ownership?" ๐ฐ๐ค
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Quezon City