Commonwealth High School - Gintong Dahon

Commonwealth High School - Gintong Dahon Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralan ng Commonwealth

03/09/2026

THIS IS DS-D-D-DSPC

DISTRITO DOS, HUMANDA NA!

Sa Setyembre 5 - 6 2026, muling magtitipon ang mga batang mamamahayag ng Distrito Dos para sa Division Enhancement Training Press Conference of District Two (DETPCDII)

Kasama ang ating Publikasyon, dala natin ang mga kagamitang pamilyar na sa bawat mamamahayag โ€” panulat na handang kumaripas, kamera na hindi palalampasin ang mahalagang tagpo, at mikroponong handang maghatid ng tinig.

Pero higit sa mga ito, dala natin ang pag-uusisa at pananagutang magkuwento nang tama.

Kaya ayusin na ang mga gamit, ihanda ang mga ideya, at huwag kalimutang tumingin sa paligid.

Baka ang pinakamagandang kuwentong isusulat natin ay iyong hindi natin inaasahang makita.

Kita-kits, Distrito Dos

- Commonwealth High School

Pagbati sa mga Nagwagi sa  SBPC 2026Nagbunga ang pagsasanay ng mga mahusay na batang  mamamahayag ng Komhay.Nawa'y ipagp...
31/08/2026

Pagbati sa mga Nagwagi sa SBPC 2026

Nagbunga ang pagsasanay ng mga mahusay na batang mamamahayag ng Komhay.
Nawa'y ipagpatuloy ninyo ang sining at pagmamahal sa pamamahayag gamit ang ating Wikang Pambansa (Wikang Filipino) hindi lamang sa kompetisyon na ito.

Maraming Salamat din sa mga hurado, proctor at sa lahat ng nakiisa at lumahok sa SBPC tunay na pinahahalagahan namin ang inyong pagtulong at pakikiisa. Hindi magiging matagumpay ang programa kung wala kayo.

Naganap ang pagpaparangal sa Silid-aklatan ng paaralan noong Agosto 5.

Ang mga nagwagi sa bawat Kategorya:

Balita
๐Ÿฅ‡ Samantha Henita
๐Ÿฅˆ Kenny Renz J. Camacho
๐Ÿฅ‰ Jhon Lenard M. De Vera
4th: Megan Isabel Aguinaldo
5th: Princess May B. Jusga
6th: Zhaira Mae B. Matarong
7th: Janine L. Miranda
8th: Jero C. Bitar
9th: Jamella Echano
10th: Princess Rey

Editoryal
๐Ÿฅ‡ Jennylyn A. Machate
๐Ÿฅˆ Anniza Aurine D. Canonoy
๐Ÿฅ‰Red Iris T. Rivera
4th: Lourine Samantha C. Neri

Lathalain
๐Ÿฅ‡ Jonh Kenneth B. Miรฑano
๐ŸฅˆPrince Xyrus S. Tubice
& Peavey Ty
๐Ÿฅ‰ Rian Mae R. Gallos
4th: Michaela Kathlyn A. Binayug
5th: Jhon Lenard De Vera
6th: Keanna Marie C. Sucayan

Isports
๐Ÿฅ‡ Maickel Joseph R. Gacutan
๐Ÿฅˆ John Benedict A. Buhat
๐Ÿฅ‰ Danica Brielle T. Tabadora
4th: Keshlyn Kate D. Cenon

Mobile journalism
๐Ÿฅ‡ Zyrish Esther G. Canceran
๐Ÿฅˆ Fearl Queenzle D. Galicia
๐Ÿฅ‰ Mikee Amran
4th: Joanna S. Emperado

Larawang Pampahayagan
๐Ÿฅ‡Hanna Sophia B. Carsula
๐Ÿฅˆ Charles Owen G. Binago
๐Ÿฅ‰Krishna Casey B. Realizan
4th: China Rosces D. Villamor
5th: Ivy Ondoy

Pagguhit ng Kartun
๐Ÿฅ‡ Camille Alexa B. Furog
๐Ÿฅˆ Alrich Rey A. Eborde
๐Ÿฅ‰ Ann Marie B. Deliguer
4th: Rhianna Akira M. Mortela
5th: Cyan Summer E. Barlan
6th: Quenie A. Baribe
7th: Czarina Nicole R. Nadada
8th: Andrea Ross F. Castellon
9th: Abigail Y. Sumugat

Pagwawasto ng Kopya at Pag-uulo ng Balita
๐Ÿฅ‡ Mica Ella Jumawan
๐Ÿฅˆ Nursumeya D. Asaad
& Tifany Cheska Condalor
๐Ÿฅ‰ Niรฑa Belle C. Cafe
4th: Mary Antoinette Felipe & Simoun Joshua Empleo
5th: Akeah Jean I. Baldon
& Janelle Louise C. Urian
6th: Jhon Gerald Val T. Baccay
& Summer Cassie Yvonne Bedaรฑa
7th: Yazmine Adelle A. Lozano
8th; Diane Joy Del Rosario
& Gabriel Jay C. Borela
9th: Marciana Niรฑa F. Costales
10th Juliane Yumi M. Asis
& Remedy Lyne Joy D. Tala

Agham
๐Ÿฅ‡ Michaela Kathlyn A. Binayug
๐ŸฅˆReynold Sean Agustin
๐Ÿฅ‰ Braily Pacatang
4th: Erin Miel Trinidad

Kolumn
๐Ÿฅ‡ James T. Cuasito
๐Ÿฅˆ Lawrence Rey
๐Ÿฅ‰Amerah Sharely S. Ambaco
4th: Ashana Divina Farinas
5th: Rian Mae R. Gallos
6th: Angelyn C. Pantinople
7th: Nathaniel Lazarte
8th: Akisha Jazel Odan

๐—”๐—น๐—ฝ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ: ๐——๐—ถ ๐— ๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—ฝ๐—ถ๐—น Kalayaan ang batayan ng nasyonalismong makabayan. Kasarinlan ang bandera ng makabagong laban...
30/08/2026

๐—”๐—น๐—ฝ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ: ๐——๐—ถ ๐— ๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—ฝ๐—ถ๐—น

Kalayaan ang batayan ng nasyonalismong makabayan. Kasarinlan ang bandera ng makabagong laban. Ilang dekada na ang nagdaan nang ideklarang tapos na ang digmaan ngunit sa bukang-liwayway ng perlas ng silangnan ay muli't muling titindig ang mga bagong bayani ng mula sa mga pahayagan.

Isang taos-pusong pagpupugay po sa ating mga manunulat, mamamahayag at mga alagad ng serbisyong pampubliko saan mang panig ng bansa at ng mundo.

Alay sa inyoโ€”sa atin ang araw na ito. Sa mga mulat, gising at buong lakas na lumalaya sa bawat rehas ng panahon at pagkakataon.

Tayo ang alpas, ang kalayaan ng masa. At hangga't dumadaloy sa ating dugo ang layang di masisiil, kailan man ay hindi tayo masusupil.

Ini-anyo nina: Zhairah Naranjo, Kristine Tajo at Summer Barlan
Isinulat ni: Jennylyn Machatรฉ

๐˜”๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ, ๐™๐™š๐™–๐™ง๐™ก ๐™Œ๐™ช๐™š๐™š๐™ฃ๐™ฏ๐™ก๐™š ๐™‚๐™–๐™ก๐™ž๐™˜๐™ž๐™–! ๐ŸŽ‰๐ŸŽ‚Taos-pusong bumabati sa aming minamahal na ๐ˆ๐ค๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ญ๐ง๐ฎ๐ ๐จ๐ญ, ๐‘ญ๐’†๐’‚๐’“๐’ ๐‘ธ๐’–๐’†๐’†...
21/08/2026

๐˜”๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ, ๐™๐™š๐™–๐™ง๐™ก ๐™Œ๐™ช๐™š๐™š๐™ฃ๐™ฏ๐™ก๐™š ๐™‚๐™–๐™ก๐™ž๐™˜๐™ž๐™–! ๐ŸŽ‰๐ŸŽ‚

Taos-pusong bumabati sa aming minamahal na ๐ˆ๐ค๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ญ๐ง๐ฎ๐ ๐จ๐ญ, ๐‘ญ๐’†๐’‚๐’“๐’ ๐‘ธ๐’–๐’†๐’†๐’๐’›๐’๐’† ๐‘ฎ๐’‚๐’๐’Š๐’„๐’Š๐’‚.

Sa pagsalubong mo sa panibagong taon ng iyong buhay, nawaโ€™y patuloy kang maging huwaran at inspirasyon sa pamamagitan ng iyong ๐™™๐™š๐™™๐™ž๐™ ๐™–๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ, ๐™ฅ๐™–๐™ข๐™ช๐™ข๐™ช๐™ฃ๐™ค at ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ข๐™–๐™ข๐™–๐™๐™–๐™ก ๐™จ๐™– ๐™ ๐™–๐™ฉ๐™ค๐™ฉ๐™ค๐™๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ. Hangad namin na mapuno ang taong ito ng mga bagong pagkakataon, makabuluhang karanasan at mga tagumpay na karapat-dapat mong ipagdiwang.

Nawaโ€™y patuloy mong matagpuan ang lakas at siglang magbigay ng boses sa mahahalagang kuwento at magsilbing gabay sa marami.

Muli, maligayang kaarawan. Nawa'y maging ๐™ข๐™–๐™จ๐™–๐™ฎ๐™–, ๐™ข๐™–๐™ ๐™–๐™—๐™ช๐™ก๐™ช๐™๐™–๐™ฃ at ๐™ช๐™ข๐™–๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฌ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™ž๐™ฎ๐™–๐™ฎ๐™– na ikaloob sa iyo. ๐Ÿ’•๐ŸŽ‰

Mga Patnugot ng Gintong Dahon, Nagdaos ng Ikalawang Online na PagpupulongNagsagawa ng ikalawang online na pagpupulong an...
21/08/2026

Mga Patnugot ng Gintong Dahon, Nagdaos ng Ikalawang Online na Pagpupulong

Nagsagawa ng ikalawang online na pagpupulong ang mga patnugot ng Gintong Dahon sa pangunguna ng kanilang tagapagpayo na si Gng. Glenda Mae B. Tan noong Agosto 18, 2026, upang talakayin ang paghahanda para sa opisyal na school paper na target ipasa sa buwan ng Oktubre.

Layunin ng naturang pagpupulong na makabuo ng masusing plano para sa disenyo, nilalaman, at kabuuang direksiyon ng diyaryo bilang paghahanda sa nalalapit na pasahan.

Ayon kay Bb. Michaela Kathlyn Binayug, Punong Patnugot ng Junior High School, panahon na upang suriin ang mga naging hakbang ng publikasyon at pagtibayin ang direksiyon ng Gintong Dahon bilang opisyal na pahayagan ng paaralan.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng patuloy na pag-unlad ng publikasyon, hindi lamang sa paglalathala ng mga artikulo sa kanilang opisyal na page kundi maging sa pagbuo ng taunang school paper.

"Kasi 'yun talaga ang tunay na proyekto natinโ€”ang makagawa ng school paper o diyaryo every year," ani Binayug.

Ipinaalala rin niya ang tungkulin ng bawat patnugot sa paggabay sa kanilang mga kasapi upang higit pang mapaunlad ang kalidad ng publikasyon.

"Nakasalalay sa ating masusing paggabay bilang mga patnugot ang pag-update at pagtulong sa ating mga nasasakupan sa publication," dagdag niya.

Bago ang pangunahing talakayan, pinuri ni Gng. Tan ang mga patnugot dahil sa kanilang aktibong pakikilahok sa paglalathala ng mga artikulo sa opisyal na pahayagan.

"Salamat, class. Nakita ko ang effort ninyo nitong mga nakaraang buwan," ani Gng. Tan.

Isa sa mga pangunahing tinalakay sa pagpupulong ang pagbuo ng school paper, kabilang ang pagpili ng kulay at layout na angkop sa napiling tema ng diyaryo.

Tinalakay rin ang pagpapabuti ng kalidad ng pagsulat at pag-edit ng mga artikulo.

Kaugnay nito, hinikayat niya ang bawat patnugot na gampanan ang kanilang tungkulin at hikayatin ang kanilang mga kasapi na patuloy na magsulat upang higit pang malinang ang kanilang kakayahan sa pamamahayag.

"I-encourage natin ang mga nasasakupan natin na sumulat nang sumulat upang lalo pang ma-enhance ang kanilang writing skills," ani ni Gng. Tan

Kabilang rin sa napag-usapan ang paghahanda para sa nalalapit na District Presscon, kung saan tinalakay ang mga tungkulin at paghahandang kinakailangan ng bawat miyembro sa araw ng kompetisyon.

Sa pagtatapos ng pagpupulong, nagpahayag si Gng. Tan ng pasasalamat sa lahat ng mga patnugot sa kanilang aktibong pakikilahok at patuloy na dedikasyon sa pagpapaunlad ng Gintong Dahon.

MALIGAYANG ARAW SA AMING GURONG TAGAPAYO, Gng. Glenda Mae Tan! ๐ŸŒทSalamat sa inyong walang sawang suporta at gabay. Ang in...
19/08/2026

MALIGAYANG ARAW SA AMING GURONG TAGAPAYO, Gng. Glenda Mae Tan! ๐ŸŒท

Salamat sa inyong walang sawang suporta at gabay. Ang inyong dedikasyon at pagmamahal sa pagtuturo ay tunay na inspirasyon para sa amin. Bilang aming g**ong tagapayo sa Filipino Journalism, malaking bahagi kayo ng aming pagkatuto at paghubog sa aming kakayahan sa pagsusulat at pamamahayag.

Sa bawat aral, puna, payo at paalala na inyong ibinabahagi, mas nahuhubog ang aming kakayahan at tiwala sa sarili. Salamat sa inyong walang sawang pagtitiis at pasensya sa tuwing kami ay nagkakamali, nahihirapan o nangangailangan ng dagdag na gabay. Ang inyong mga salita at paghikayat ay nagsisilbing lakas upang patuloy naming pagbutihin ang aming ginagawa.

Lubos din naming pinahahalagahan ang oras at pagsisikap na inyong inilaan upang gabayan kami sa larangan ng pamamahayag. Sa bawat pagkakataong kami ay binibigyan ninyo ng pagkakataong matuto, magsulat, magtanong, at ipahayag ang aming mga saloobin, mas lalo naming nauunawaan ang kahalagahan ng isang pamamahayag na may katotohanan, pananagutan at malasakit.

Nawaโ€™y patuloy kayong pagpalain ng lakas, pasensya, at inspirasyon upang maipagpatuloy ninyo ang inyong mahalagang tungkulin bilang isang g**o. Maraming henerasyon pa po ng mga mag-aaral ang inyong mahuhubog at mabibigyan ng inspirasyon.

Maligayang araw po, Gng. Tan! Nawaโ€™y maging kasingganda ng inyong pusong mapagmahal sa mga mag-aaral ang araw na ito. Maraming salamat po sa pagiging isang g**o na hindi lamang nagtuturo, kundi gumagabay, nakikinig at nagbibigay-inspirasyon. โค๏ธ๐Ÿ“ฐ

PAG LUMAGO, HINDI NA HIHINTO โ€” Eala, Kampeyon ng Mubadala Citi D.C. OpenBumandila ang watawat ng Pilipinas sa makasaysay...
17/08/2026

PAG LUMAGO, HINDI NA HIHINTO โ€” Eala, Kampeyon ng Mubadala Citi D.C. Open

Bumandila ang watawat ng Pilipinas sa makasaysayang karera ng 21-anyos at world No. 20 na si Alexandra โ€œAlexโ€ Eala matapos maging kauna-unahang Pilipinong tennis player na umabot sa Round of 16 ng 2026 Wimbledon Grand Slam tournament at sumungkit ng WTA Tour-level singles title sa Mubadala Citi D.C. Open sa Washington D.C, U.S.A, noong ikaapat ng Agosto 2026.

Mainit na sinimulan ni Eala ang kanyang kampanya matapos niyang hindi pahingahin ang Mexican Renata Zarazรบa sa sunod-sunod na sets, 6โ€“1, 6โ€“2, na nagbigay sa kanya ng unang panalo sa Wimbledon main draw.

Matapos namang yumuko sa opening set kontra Australian WTA champion at dating Eastbourne champion Maya Joint, 3โ€“6, matagumpay itong binaliktad ni Eala nang pakyawin ang sumunod na dalawang sets, kabilang ang malinis na deciding set, 3โ€“6, 6โ€“2, 6โ€“0.

Pagsapit ng third-round match-up, pinatid ni Eala ang pamamayagpag ng kasalukuyang kampeon at world No. 3 Iga ลšwiฤ…tek sa dikdikang bakbakan na umabot sa 11โ€“9 ang tie-break sa unang set, ganunpaman, nangibabaw pa rin ang pag-aalab ni Eala nang magbulsa ng 7โ€“6(9), 6โ€“2.

Matapos bumawi sa ikalawang set at itulak ang laban sa deciding set, tuluyan pa ring nabitin si Eala kontra sa world No. 15 at No. 13 seed na Italian at Grand Slam finalist na si Jasmine Paolini sa iskor na 6โ€“4, 4โ€“6, 6โ€“3, at tuluyang nagwakas sa makasaysayang paglalakbay ni Eala sa Round of 16.

Bagamaโ€™t nabigo man sa Wimbledon, hindi rito nagtapos ang pag-usbong ni Eala, nang ilang linggo lamang ang lumipas ay muli siyang bumangon at gumawa ng panibagong kasaysayan.

Sa Mubadala Citi D.C. Open, nakamit ni Eala ang kanyang kauna-unahang WTA Tour-level singles title matapos pabagsakin ang top seed at world No. 6 na si Jessica Pegula sa finals, 4โ€“6, 6โ€“4, 6โ€“0.

Matapos ang kanyang makasaysayang WTA title sa Washington, ipinagpatuloy ni Eala ang kanyang paglalakbay sa North American hard-court swing at sumabak siya sa WTA 1000 National Bank Open, kung saan umabot siya sa Round of 16 bago yumuko kay Belinda Bencic.

Kasunod nito, nakatakda siyang tumungo sa Cincinnati Open bago ang kanyang pagbabalik sa US Open na gaganapin sa August 30, taong kasalukuyan.

Isinulat ni: Maickel R. Gacutan
Ini-anyo ni: Chesney Aclon, Janus Yuri Castro

School Based Press Conference 2026 ng Gintong Dahon, matagumpay na Isinagawa   Idinaos ang Ikalawang School Based Press ...
03/08/2026

School Based Press Conference 2026 ng Gintong Dahon, matagumpay na Isinagawa

Idinaos ang Ikalawang School Based Press Conference ng Gintong Dahon (GD) noong Hulyo 23-24, 2026 sa silid-aklatan ng paaralan.

Nakibahagi sa kumprehensya ang lahat ng Baitang at kabilang sa mga hurado sa bawat kategorya ay sina, Gng. Glenda Mae B. Tan (Balita), Briar Kyrie Pacatang (Pagsulat ng Agham), Janiela Albito (Pagwawasto ng Kopya), James Cuasito (Editoryal), Anthony Esquilarga (Sports), Jhomar Jovero (Mobile Journalism), Prince Micklhiz Sanchez (Pagkuha ng larawan), Jennylyn Machatรฉ (Kolum), Jhamie Venencia (Lathalain), at Gng. Glenda Mae B. Tan (Pagguhit ng Kartun)

Sa tulong at gabay ni Gng. Tan, tagapayo ng GD masusing sinuri ng mga hurado ang mga artikulo ipinasa ng mga kalahok sa nasabing patimpalak upang maitanghal ang karapat-dapat na maging kinatawan ng paaralan sa darating na pandistritong patimpalak na magaganap na sa Agosto.

Isinulat ni Janine Miranda

DepEd Order, 006 s. 2026 laban sa kaharasan sa paaralan  isinulong, lalabag bawal nang mag-enroll"Mga estudyanteng gumag...
03/08/2026

DepEd Order, 006 s. 2026 laban sa kaharasan sa paaralan isinulong, lalabag bawal nang mag-enroll

"Mga estudyanteng gumagawa ng bomb jokes o pagbabanta, hindi na papayagang makapag-enroll muli."
Ito ang pahayag ng Department of Education (DepEd) dahil sa kumalat umanong maling impormasyon ng pamamaril sa Bagong Silangan High School sa Lungsod ng Quezon.

"Ang ganitong mga gawain ay nagti-triger ng emergency responses, nagdudulot ng takot, nakakaabala sa klase, at maaari ring mag resulta sa pananagutang kriminal ayon sa umiiral na mga batas," ayon sa inilabas na pahayag ng DEPED, noong Hulyo 3.

"Ang fake news, mapanganib na prank, at bomb threats ay hindi kailan man biro โ€” sinisira nito ang pag-aaral at inilalagay sa panganib ang iba," dagdag ni Sonny Angara, Education Secretary, sa naturang pahayag.

Ayon sa mga patakaran ng DEPED, ang ganitong mga biro ay itinuturing na third level offense "dahil sa matinding panganib na dulot nito sa mga mag-aaral, kawani ng paaralan, at sa publiko."

Dagdag pa nito, ang pagdadala ng baril, paggamit ng illegal na droga, hazing, pagpatay, bomb threats, at bomb jokes ay kabilang sa third-level offenses o seryosong paglabag sa patakaran ng paaralan na nagdudulot ng matinding panganib sa seguridad ng paaralan, ayun sa ilalim ng DEPED order 006, s. 2026, na nilagdaan ni Angara noong Marso.

Administrasyong Marcos Jr. Namahagi ng Lapel sa mga G**o, CHS natanggap na   Namahagi ng mga lapel voice amplifier ang a...
03/08/2026

Administrasyong Marcos Jr. Namahagi ng Lapel sa mga G**o, CHS natanggap na

Namahagi ng mga lapel voice amplifier ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga g**o ng Commonwealth High School (CHS) noong ika-31 ng Hulyo, Biyernes, sa covered court ng nasabing paaralan.

Layunin umano ng programang ito na mapagaan ang paraan ng pagtuturo ng mga g**o at mapangalagaan ang kanilang kalusugan, lalo na sa paggamit ng boses habang nagtuturo.

Pinangunahan naman ni Assistant Principal Mark Lester Datiles ang pamamahagi ng mga lapel voice amplifier sa mga g**o ng CHS.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara, malaking tulong ang naturang kagamitan upang maiwasan ang pamamaos at pananakit ng lalamunan ng mga g**o.

"Hindi na mapapaos, hindi na sasakit ang lalamunan, and definitely hindi na magkakasakit," ani ni Angara.

Bilang pasasalamat sa natanggap na kagamitan, nagsagawa ng video message ang mga g**o ng CHS sa entablado ng paaralan upang ipahayag ang kanilang pasasalamat kay Pangulong Marcos Jr. at sa DepEd.

Ayon kay Gng. Rachel Valin, g**o ng CHS, malaking tulong umano ang natanggap na kagamitan sa kanilang pagtuturo.

"Malaking tulong ito sa aming mga g**o, especially sa pagtuturo, pagsasaway, at pagsasalita. Tsaka hindi na need bumili kasi bigay na ni DepEd," ani Gng. Valin.

Samantala, bago magtapos ang naturang programa, nagmungkahi si Natalie Begrado, g**o ng CHS, ng karagdagang proyekto para sa kalusugan ng mga g**o.

Hiniling niya ang pagkakaroon ng "Eye Care Program" upang matugunan ang pangangailangan ng mga g**o sa salamin at pangangalaga sa paningin.

"Program sa Eyes, kasi kailangan namin ng salamin kasi may mga chance na 'pag tumatanda na, humihina na ang mga mata," pahayag ni Begrado.

Nabanggit ng Pangulo sa kanyang Ikalimang SONA ang pamamahagi ng lapel sa mga g**o sa bansa bilang tulong sa kanilang pagtuturo.

Address

Ecols Street, Brgy. Commonweatlh, 2nd District, Metro Manila Quezon City
Quezon City
1121

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Commonwealth High School - Gintong Dahon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share