21/09/2026
CARLOS L. ALBERT HIGH SCHOOL | THIRD QUARTER NSED 2026
Nagsagawa ang Carlos L. Albert High School ng Third Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong ika-21 ng Setyembre 2026, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kahandaan, kaligtasan, at katatagan ng buong paaralan sa panahon ng lindol at iba pang sakuna.
Sa pamamagitan ng sama-samang pakikilahok ng mga mag-aaral, g**o, school personnel, at stakeholders, naipamalas ang kahalagahan ng wastong pagsunod sa mga pamamaraang pangkaligtasan—mula sa Duck, Cover, and Hold, maayos na paglikas, hanggang sa pagpunta sa itinalagang evacuation areas.
Ang gawaing ito ay higit pa sa isang drill; ito ay isang mahalagang paghahanda upang mapalakas ang disaster preparedness, mapangalagaan ang buhay, at malinang ang kultura ng kaligtasan at responsibilidad sa bawat kasapi ng paaralan.