21/08/2026
Noong Agosto 21, 1983, isang pangyayari ang tumatak sa bawat mamamayan at kasaysayan ng Pilipinas. Ipinaalala nito sa sambayanan ang halaga ng tapang, paninindigan, tiwala, at pagmamahal sa bayan.
Ngayong Agosto 21, 2026, balikan natin ang isang pangalan, isang paninindigan, at isang kasaysayang patuloy na nagbibigay-aral sa bawat Pilipino—Benigno “Ninoy” Aquino Jr.
Ang kanyang mensahe at patuloy na umaalingawngaw at nagbibigay inspirasyon sa mga Pilipinong naniniwalang ang pagbabago ay laging posible. Sa bawat hamon, lagi’t laging manindigan sa tama.
Ngayong Ninoy Aquino Day, alalahanin natin. Matuto tayo. At higit sa lahat, huwag nating kalimutan.
✍🏻|| Chalcy Bernardo
🖼️|| Celine Pabalan