IBON IPED

IBON IPED IPED stands for IBON Partnership in Education for Development. It is IBON's program for the formal education sector.
(1)

We believe in a genuinely transformative education - learning for social change.

IBON CLASSROOM+ "Sapat ba ang Opisyal na Sukatan ng Kahirapan?"Narito ang isang student activity at reflection activity ...
25/08/2026

IBON CLASSROOM+ "Sapat ba ang Opisyal na Sukatan ng Kahirapan?"

Narito ang isang student activity at reflection activity sa Filipino batay sa artikulong “Official poverty figures discount millions of poor Filipinos” ng na inilathala ng IBON Foundation noong Agosto 22, 2026. Nakatuon ito sa pag-unawa sa konsepto ng kahirapan, pagsusuri ng poverty threshold, at pag-uugnay nito sa tunay na kalagayan ng mga pamilyang Pilipino.

I-CLICK ⏬️ang artikulo sa ibaba upang mabasa ang batayang sanggunian 👇

STUDENT ACTIVITY

Asignatura: Araling Panlipunan / Ekonomiks
Baitang: Grade 9
Oras: 45–60 minuto

Mga Layunin:
Pagkatapos ng gawain, inaasahang magagawa ng mga mag-aaral na --
1. Maipaliwanag kung paano sinusukat ang kahirapan;
2. Matukoy ang pagkakaiba ng opisyal na poverty threshold at ng halagang kailangan para sa disenteng pamumuhay;
3. Suriin kung sapat ba ang kasalukuyang pamantayan sa pagsukat ng kahirapan;
4. Maiugnay ang kahirapan sa sahod, presyo ng bilihin, trabaho at serbisyong panlipunan; at
5. Makapaglahad ng sariling pananaw tungkol sa tunay na kahulugan ng pag-alis sa kahirapan.

Gawain 1: Ano ang sinasabi ng mga numero? Tingnan ang talahanayan sa COMMENTS upang mabasa ang mahahalagang datos mula sa artikulo.

Batay sa mga datos ng artikulo, sagutin ang mga sumusunod:

1. Ano ang napansin mo sa pagbabago ng opisyal na poverty incidence mula 2023 hanggang 2025?

2. Kung ang isang pamilyang may limang miyembro ay kumikita nang bahagyang higit sa ₱14,634 bawat buwan, maaari na ba itong ituring na hindi mahirap ayon sa opisyal na sukatan? Ano ang masasabi mo rito?

3. Sa iyong palagay, sapat ba ang ₱14,634 bawat buwan para sa isang pamilya ng lima? Bakit?

4. Magbigay ng hindi bababa sa limang gastusin na kailangang bayaran ng isang pamilya bawat buwan.

5. Ano ang ipinapakita ng malaking agwat sa pagitan ng ₱512 na average minimum wage at ₱1,277 na family living wage?

Gawain 2: “Mahirap Ba o Hindi?”
Basahin ang bawat sitwasyon. Tukuyin kung sa tingin mo ay maituturing na mahirap, malapit sa kahirapan, o hindi mahirap ang pamilya. Ipaliwanag ang iyong sagot.

Sitwasyon A: Ang pamilyang Santos ay may limang miyembro. Ang kanilang kabuuang kita ay ₱15,000 bawat buwan. May bayarin sila sa pagkain, kuryente, tubig, pamasahe, edukasyon at gamot.
Sagot: ___________________________
Paliwanag: ___________________________________________________________________

Sitwasyon B: Ang pamilyang Cruz ay kumikita ng ₱25,000 bawat buwan. May dalawang anak na nag-aaral, nagbabayad ng renta at regular na gumagastos para sa pagkain, transportasyon at kuryente.
Sagot: ___________________________
Paliwanag: ___________________________________________________________________

Sitwasyon C: Si James ay isang 25-anyos na manggagawa sa isang maliit na pagawaan sa Pasay City. Kumikita siya ng ₱512 bawat araw. Breadwinner siya ng pamilyang binubuo ng kaniyang mga magulang, at dalawang nakababatang kapatid.
Sagot: ___________________________
Paliwanag: ___________________________________________________________________

Mga Tanong sa Pagproseso:
a.) Madali bang tukuyin kung ang isang pamilya ay mahirap? Bakit?
b.) Ano-ano ang mga bagay na dapat isaalang-alang bukod sa kita?
c.) Sa iyong palagay, sapat bang batayan ang isang numerical poverty line upang masukat ang tunay na kalagayan ng isang pamilya?

Gawain 3: Pagpapalalim
Kasama ang iyong kamag-aral, pagtulungang sagutin ang mga sumusunod na tanong --
1. Sa iyong palagay, sapat ba ang opisyal na poverty threshold upang masukat ang tunay na kalagayan ng mga Pilipino?
2. Bakit mahalagang isaalang-alang ang pagkain, tirahan, edukasyon, healthcare, transportasyon at iba pang pangangailangan?
3. Ano ang ibig sabihin para sa iyo ng “disenteng pamumuhay”?
4. Ano ang dapat gawin ng pamahalaan upang hindi lamang “malagpasan” ng mga tao ang poverty line kundi magkaroon sila ng maayos at ligtas na buhay?
5. Bilang isang kabataan, ano ang maaari mong gawin upang makatulong sa pag-unawa at pagtugon sa problema ng kahirapan?

PAGNINILAY (Reflection)
“Ano ang Tunay na Kahulugan ng Pag-alis sa Kahirapan?”
Sagutin ang ito sa isang maikling reflection essay na may 8–10 pangungusap.

Pangwakas na Tanong:
Kung ang isang tao ay hindi na itinuturing na mahirap ayon sa isang estadistika ngunit hindi pa rin niya kayang bayaran ang pagkain, bahay, edukasyon, healthcare at iba pang pangunahing pangangailangan, masasabi ba nating tunay na nabawasan na ang kanyang kahirapan? Bakit?

PAGTATASA
Bago matapos ang klase, kumpletuhin ang mga sumusunod:

Ang isang bagay na natutuhan ko ay _______________________________________

Ang isang bagay na nagulat ako ay _________________________________________

Ang isang tanong na nais kong malaman pa ay ____________________________

Para sa akin, ang tunay na pag-alis sa kahirapan ay ________________________

The administration has highlighted the sharp decline in poverty incidence from 17.5 million to just 11.1 million from 2023 to 2025 as a major achievement.

But the 2025 annual per-capita poverty threshold is only Php35,121, or Php96.22 per person per day. For a family of five, this amounts to just Php14,634 a month. This means a family earning even slightly more than this is officially considered non-poor, without considering the high costs of food, housing, electricity, transportation, education, healthcare and other basic expenses.

Read from the link in the comments below 👇🏼

SA IYONG TINGIN, para kanino ang plano ng gobyernong Marcos Jr na pabilisin ang ekstraksyon ng yamang mineral ng bansa?A...
24/08/2026

SA IYONG TINGIN, para kanino ang plano ng gobyernong Marcos Jr na pabilisin ang ekstraksyon ng yamang mineral ng bansa?

Ang Executive Order 122 ay isa lamang sa mga pinakahuling halimbawa ng kung paano hinuhugis ng geoeconomic na prayoridad ng United States tulad ng Pax Silica ang patakarang pangekonomiya ng Pilipinas.

Maituturing na kaibuturan ng kaisipang kolonyal ang paniniwalang para sa kabutihan ng bansa ang mga interes ng isang dayuhang kapangyarihan.

IBON Executive Director Sonny Africa on EO 122 on critical minerals

SA TOTOO LANG, hindi na bago ang ganitong pagpostura ng gobyerno sa isyu ng malakihang pagmimina. Makatutulong daw ito s...
23/08/2026

SA TOTOO LANG, hindi na bago ang ganitong pagpostura ng gobyerno sa isyu ng malakihang pagmimina. Makatutulong daw ito sa ekonomiya, makalilikha ng trabaho, at may safeguards naman daw para hindi mawasak ang kalikasan at makaapekto sa mga pamayanan.

Ang masahol lang this time, mas agresibo sa pagbudol ang gobyernong Marcos Jr sa paglako sa bentahe ng Pinas sa critical minerals upang ma-achieve ang mga investments sa "advanced manufacturing" maging sa electronics, baterya at renewable energy.

Dumagdag pa ang Chamber of Mines of the Philippines sa pag-propaganda na makatutulong ang Executive Order 122 para i-angat ang Pinas mula sa simpleng exporter ng raw mineral ore tungo sa pagkamit ng "value-added processing, refining and downstream manufacturing."

Gaano katotoo ang mga ito?

Mula nang naisabatas ang Philippine Mining Act, ang tanging nakinabang lang sa liberalisasyon ng sektor ng pagmimina sa bansa ay mga dayuhang mining corporations at mga lokal na oligarkiyang kasosyo nito. Iniwan nitong wasak ang kalikasan, habang pinalayas ang mga katutubong pamayanan mula sa kanilang lupang ninuno na mayaman sa mineral.

Tila nakalimutan na ng gobyerno ang Marcopper mining disaster ng 1996 kung saan milyon-milyong kubiko metro ng mine tailings ang itinapon sa Ilog Boac sa Marinduque; maging ang Philex mining disaster ng 2012 kung saan umagos sa Ilog Agno at Balog Creek sa Benguet ang mine tailings ng kompanyang Philex matapos mag-leak ang pasilidad nito bunsod ng malakas na pag-ulan. Ilan lang ito sa maraming kaso ng mining disaster sa bansa.

Kung hindi pa kumilos ang iba't ibang sektor, mula sa mga taong Simbahan hanggang mga environment defenders, at nag-protesta ang mismong mga pamayanan ay hindi matutulak ang ilang mga LGU na magpataw ng moratorium sa large-scale open-pit mining.

Ang mga paglabang ito ng mamamayan ang nais pigilan ng EO 122 ni Marcos Jr. Lampas pa sa ibinibigay na kaluwagan ng Philippine Mining Act, nais ni Marcos Jr na pabilisin ang proseso ng mining permits, at pagsasapribado ng mga government-owned mining assets. Bukod sa pagkakaroon ng one-stop shop, magpapatupad ng "use it or lose it" policy ang government upang tiyaking nakaayon ang mga operasyong minahan sa "approved project timelines, work programs, at development commitments." Tatanggalin daw ang lisensya at permit ng mga minahang lalabag dito.

Pambansang industriyalisasyon ba ang layunin ng EO 122?

HINDI. Naka-angkla ang EO 122 sa pagsuporta sa Pax Silica initiative ng United States. Critical minerals ang higit na pokus dahil ito ang kailangan ng US para mapatatag nito ang sariling supply chain sa mundo at matalo ang China.

Mayaman ang Pilipinas sa critical minerals tulad ng nickel at copper. "Critical" ang tawag sa mga mineral na ito dahil ginagamit sila sa paggawa ng semiconductors, mga produkto sa advance manufacturing at mga armas pandigma.

Sa nagdaang tatlong dekada mula nang isinabatas ang Philippine Mining Act, walang naging technology transfer o high-value added mineral production sa bansa.

Tama si Prof. Giovanni Tapang, mahalaga ang pagmimina para sa isang malusog na ekonomiya, pero ang pagmiminang kailangan ng Pilipinas ay isang nasyonalisado, integrado at planadong sektor kung saan nakabatay ang target production sa kailangang materyales ng lokal na agrikultura at manupaktura, at hindi Sa mga presyo sa pandaigdigang merkado o tayaan ng mga ispekulador sa world trade.

President Ferdinand Marcos Jr. —Agence France-Presse MANILA, Philippines — President Marcos has approved a framework for the creation of the country’s critical minerals industry, which could

22/08/2026
DAHIL SA MASA, nagkaroon ng panibagong lakas ang wikang Tagalog bilang instrumentong politikal. Sa paggamit ng wika ng m...
22/08/2026

DAHIL SA MASA, nagkaroon ng panibagong lakas ang wikang Tagalog bilang instrumentong politikal. Sa paggamit ng wika ng masa, nakakamit ng mga Pilipino ang kapangyarihan ng wika upang maisulong ang pagbabago sa lipunan - Bienvenido Lumbera

WHO IS NINOY AQUINO?Benigno Simeon “Ninoy” Aquino Jr. was known by those close to him as the "Young Man in a Hurry" beca...
21/08/2026

WHO IS NINOY AQUINO?

Benigno Simeon “Ninoy” Aquino Jr. was known by those close to him as the "Young Man in a Hurry" because of his fast-paced life. Once, his mother Aurora Lampa-Aquino has said that perhaps the reason why Ninoy was always in a hurry was because he knew that his life would be short.

Ninoy Aquino was born on November 27, 1932 in Concepcion, Tarlac, the second of seven children and a part of a prominent land-owning family with a rich political history.

He attended various schools during his elementary years before graduating from St. Joseph’s College. He completed his high school education at San Beda College, and then enrolled at the Ateneo de Manila University, where he took AB Philosophy before shifting to AB History. He later took up law at the University of the Philippines, where he joined Upsilon Sigma Phi, the same fraternity as Ferdinand Marcos Sr. Ninoy’s studies, however, were interrupted when he decided instead to pursue a career in journalism.

At only 17, Ninoy served as the youngest war correspondent in the Korean War for the Manila Times. For this, he was awarded the Philippine Legion of Honor, Degree of Officer by President Elpidio Quirino. He later served as a foreign-correspondent in Indo-China, where he was exposed to the ills of North Korea's totalitarian rule and the last moments of French colonialism in the region.

When Ninoy returned to the Philippines in 1954, he married Corazon Cojuangco, a childhood acquaintance and the daughter of another land-owning family from Tarlac.

The same year, he was appointed by President Ramon Magsaysay to become the personal emissary to Luis Taruc, the leader of the Hukbalahap movement. As emissary, Ninoy aided in the negotiations for Taruc’s unconditional surrender, which earned him the Philippine Legion of Honor, Degree of Commander. He would later serve as executive assistant under the Carlos Garcia and Diosdado Macapagal administrations.

The year after his return, Ninoy was elected as mayor of his hometown Concepcion, becoming the youngest mayor at 22. In 1959, he became the youngest vice-governor at 27, and the youngest governor when he assumed the role after the previous governor’s resignation in 1961. He served as governor once more in 1963 before finally winning a seat in Senate in 1967 when he was 35 years old—the youngest of the elected senators. That year, Ninoy was also the only candidate of the Liberal Party to win a seat in the Nacionalista-dominated senate.

As a senator, Ninoy was a staunch critic of the Marcos regime and its abuses. He claimed that the 1967 elections were fueled by “guns, goons, and gold” and stood by the need to criticize to “be free.” In his maiden privilege speech, Ninoy denounced Marcos’ intent of building up a “garrison state” by “militarizing civilian government offices,” instating “overstaying generals,” and inflating the armed forces budget. Ninoy was also critical of the administration’s overspending in infrastructure. He criticized the San Juanico Bridge project as a “luxury bridge to nowhere” and First Lady Imelda Marcos’ Cultural Center project, which he dubbed “a monument to shame” in the wake of Manila’s widespread poverty.

Ninoy aspired to run for president following Marcos’ second term. But this was crushed when Marcos declared Martial Law. The morning after the declaration, Ninoy was arrested along with other members of the opposition and detained first in Camp Crame and later in Fort Bonifacio.

While detained, Ninoy penned ten open letters against the Marcos regime and smuggled them out through Cory to be published in the Bangkok Post; this earned Ninoy and his companion Jose “Pepe” Diokno time in solitary confinement at Fort Magsaysay in Laur, Nueva Ecija.

On August 27, 1973, Ninoy was brought back to Fort Bonifacio where he faced a Military Tribunal on charges of murder, illegal possession of fi****ms, and subversion. But he refused to participate in the trial, calling it “an unconscionable mockery.

As a result, hearings were suspended until two years later when the tribunal proceeded to re-investigate his case. In response, Ninoy staged a hunger strike, refusing to eat and subsisted on salt tablets, sodium bicarbonate, amino acids, and two glasses of water a day. Nonetheless, on November 27, 1977, Ninoy was found guilty of his charges and sentenced to death by firing squad.

Ninoy, however, was never executed and was even permitted to run during the 1978 Interim Batasang Pambansa (Parliament) elections. There, he formed the Lakas ng Bayan or LABAN party list, which first popularized the Laban symbol. Unsurprisingly, however, despite the support LABAN garnered from the masses, the party got a zero vote from Metro Manila and lost to Imelda.

Ninoy’s time in prison came to an end in March of 1980 when he suffered from a heart attack in his cell. With permission from the Marcos administration, he sought medical treatment in Dallas, Texas, and later settled down in Newton, Boston, Massachusetts with his family, where he spent his time in self-exile.

It was during this time that Ninoy delivered his often quoted speech in 1981 to the Movement for Free Philippines in Los Angeles: "I have asked myself many times: Is the Filipino worth suffering, or even dying for? Is he not a coward who would yield to any colonizer, be he foreign or homegrown? Is a Filipino more comfortable under an authoritarian leader because he does not want to be burdened with the freedom of choice? Is he unprepared, or worse, ill-suited for presidential or parliamentary democracy? I have carefully weighed the virtues and faults of the Filipino and I have come to the conclusion that he is worth dying for."

Hence, despite protestations from his family and friends, Ninoy ultimately decided to return to the Philippines on August 21, 1983. To these warnings, Ninoy responded with “I’d rather die a meaningful death than lead a meaningless life.” He procured travel documents under the name Marcial Bonifacio and returned to the country on August 21 in hopes of negotiating with Marcos.

But his hopes was never realized. Ninoy was shot dead as he was alighting from his plane.

SOURCE:

We look at the life of Ninoy Aquino and how his tale came to inspire many to challenge the dictatorial rule of the Marcos regime.

"I have returned. I have returned against all odds." - Ninoy Aquino-----------Hindi holiday ang August 21 noong 1984. Hi...
21/08/2026

"I have returned. I have returned against all odds." - Ninoy Aquino

-----------

Hindi holiday ang August 21 noong 1984. Hindi rin nakapangalan kay Ninoy Aquino ang airport kung saan siya binaril noong panahong iyon. Pero taumbayan na mismo ang nagdeklara ng 'holiday' para sa isang taong itinuring nilang bayani.

----------

Who killed Ninoy?

More than 40 years ago, the Agrava Fact-Finding Board released its report with the conclusion that the Aquino assassination was a product of military conspiracy.

The agents of the Marcos Sr dictatorship conspired to plan and execute the devious plot to assassinate Ninoy Aquino once he stepped foot in Manila.

While the Majority Report, excluding Board chair Corazon Agrava, indicted 25 military men and businessman Hermino Gosuico for the double-murder of Ninoy and his "assassin" Rolando Galman, both the majority and the minority reports nonetheless found the Marcos military culpable for the Aquino-Galman killings.



*📷: TIME, September 5, 1983

SOURCE: Project Gunita

Ang araw ng AGOSTO 21 ay paalala sa mahabang kasaysayan ng pampolitikal na karahasan at panunupil sa Pilipinas. Agosto 2...
21/08/2026

Ang araw ng AGOSTO 21 ay paalala sa mahabang kasaysayan ng pampolitikal na karahasan at panunupil sa Pilipinas.

Agosto 21, 1983 nang paslangin ang lider oposisyon na si Senador Benigno Aquino sa panahon ng panunungkulan ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr.

Agosto 21, 1971 naman nang suspendihin ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus sa bisa ng Presidential Decree 889 ng diktador na si Gerdinand Marcos Sr. matapos ang pambobomba sa Plaza Miranda. Naging hudyat ito ng nagbabadyang institusyonalisasyon ng diktadura na hahantong sa deklarasyon ng batas militar noong Setyembre 21, 1972.

ITIGIL NA ANG PAMAMASLANG!

Pahayag ng Tanggol Kasaysayan sa Araw ng Paggunita sa Pagpaslang kay Senador Benigno Aquino Jr., 21 Agosto 2026

Paalala ang Agosto 21 sa mahabang kasaysayan ng pampulitikal na karahasan at panunupil sa Pilipinas. Agosto 21, 1983 nang paslangin ang lider oposisyon na si Senador Benigno Aquino sa panahon ng panunungkulan ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr. Matatandaang Agosto 21 din, sa taong 1971 nang suspendihin ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus sa bisa ng Presidential Decree 889 ng diktador na si Marcos Sr. matapos ang pambobomba sa Plaza Miranda. Naging hudyat ito ng nagbabadyang institusyonalisasyon ng diktadura na hahantong sa deklarasyon ng batas militar noong 21 Setyembre 1972.

Sa pagitan ng dalawang pangyayari sa Agosto 21, pinaslang, ikinulong, tinortyur, ginahasa, pinalikas sa sariling bayan ang libo-libong Pilipino sa ilalim ng bagsik ng diktadura. Ang karahasan ng estado ang kumitil sa buhay ng isang henerasyon ng mga makabayang mamamayan, gaya nina Lorena Barros, Liliosa Hilao, Emmanuel Lacaba, Edgar Jopson, Macliing Dulag, Ferdinand Arceo, at marami pang ibang mga martir ng sambayanan. Isa si Senador Aquino sa maraming bilang ng mga nakulong nang mahabang panahon, ang ilan sa kanila ang napawalang sala sa gawa-gawang kaso, at marami ang hindi man lamang nasampahan ng anumang kaso gayong nagdusa sa piitan nang mahabang panahon. Panahon din ng maramihang masaker sa mamamayan ang naranasan sa ilalim ng batas militar. Ang mga pamayanan ng Las Navas, Palembang, Daet, Jolo at Escalante ang ilan sa mahabang talaan ng mga bayang nakaranas ng pagpaslang, pagsunog, pwersahang paglikas at karahasang militar sa ilalim ng diktadura.

Kailangang kilalanin din na ang naganap na sistematikong paglabag ng estado sa karapatang pantao sa ilalim ng martial law ay bunga ng malawakang suporta ng pamahalaan ng Estados Unidos sa diktadura. Kapalit ng pagpayag ng diktadurang Marcos sa pananatili ng mga base militar ng Amerikano at pangangayupapa nitong sumunod sa anino ng Amerika sa panahon ng Cold War, nakatanggap ng maraming ayudang militar at pinansyal ang Pilipinas na naging daan sa paglobo ng lakas at kapangyarihan ng sandatahang lakas. Kabalintunaang para sa demokrasya at malayang daigdig ang pagiging malapit ng imperyalismong US sa diktadura. Sa katunayan, ang tambalang diktadurang US-Marcos ang susi sa sistematiko at organisadong pagsikil sa karapatan at kalayaan ng mamamayan upang mamuhay nang mapayapa.

Sa kasaysayan din natin makikita na sa gitna ng malawakang pagsikil sa - mamamayan, naging higit na maigting ang kilusan ng pagtutol at pakikihamok ng bayan. Dumating sa mataas na yugto ang kilusang anti-diktadura dahil namulat ang mamamayan sa walang habas na panunupil at harap-harapang pagsasamantala na simbolikong kinatawan ng pagpaslang kay Senador Aquino noong Agosto 21, 1983.

Sa kasalukuyang panunungkulan ng anak ng diktador na si Ferdinand Marcos Jr., malawakan pa rin ang nagaganap na paglabag sa karapatang pantao. Ayon sa Karapatan, hindi bababa sa 680 ang mga nakapiit pa ring mga detenidong politikal, na karamihan ay dahil sa mga gawa-gawang kaso. Ang naganap na masaker sa Toboso na kinakitaan ng pagkamatay ng 19 na mamamayan ang isa sa pinakahuling dagdag sa mahabang talaan ng masaker sa Pilipinas. Nagpapatuloy ang walang habas na red-tagging, at itinataguyod pa rin ng rehimeng Marcos Jr. ang mga gawain ng NTF-ELCAC na itinatag noong panahon pa ng pang aabuso ng rehimeng Duterte. Nagaganap ang lahat nang ito nang may patuloy na suporta mula sa Estados Unidos. Kapalit ng pagpapalawak ng Visiting Forces Agreement, Enhanced Defense Cooperation Agreement, at ang proposisyon sa pagtatatag ng Pax Silica sa Pilipinas, ibinubuhos ng Amerika ang suporta sa mga programang anti-mamamayan at “kontra insurhensya” ng pamahalaang Marcos na nagbubunga ng malawakang panunupil at karahasan sa bayan.

Paalala sa sambayanan ang paggunita sa kabuluhan ng Agosto 21. Nagpapatuloy ang malawakang karahasan at pamamaslang sa bayan. Sa kasaysayan makikitang sa kabila ng panunupil, babangon at babangon ang bayan upang singilin ang mga mang-aapi at ipagpatuloy ang pagkilos sa pagkamit ng tunay na kalayaan, katarungan at karapatan ng bayan.

Larawan: Villalon, Allen. Scenes from Ninoy’s funeral at Quiapo underpass. Photograph. Mr. & Ms., The Aquino Funeral Special Edition, 2 September 1983, p. 7.

Blaming teachers is DEFLECTION. When there is impunity in society, and power structures let off the hook, children inter...
21/08/2026

Blaming teachers is DEFLECTION.

When there is impunity in society, and power structures let off the hook, children internalize the message that power exempts one from accountability.

IBON BALITAAN  #9: Ilang Tao ang Nagtatrabaho sa isang AI Data Center?Ang isang $10 bilyong AI data center sa Indiana, U...
20/08/2026

IBON BALITAAN #9: Ilang Tao ang Nagtatrabaho sa isang AI Data Center?

Ang isang $10 bilyong AI data center sa Indiana, USA ay magkakaroon ng humigit-kumulang 300 manggagawa kapag nagsimula na itong gumana, ayon sa ulat ng Quartz.

Ibig sabihin, may isang permanenteng trabaho para sa bawat $33 milyong ipinuhunan (o lampas Php2 bilyon).

Karamihan sa mga indibidwal na pasilidad ay pinapatakbo ng 25 hanggang 500 permanenteng kawani, kahit nagkakahalaga ang mga ito ng bilyun-bilyong dolyar upang itayo at kumokonsumo ng kasing dami ng kuryente ng isang maliit na lungsod.

Sinabi ng isang propesor mula sa University of Pennsylvania sa NPR noong 2025 na karamihan sa mga data center ay may humigit-kumulang 100 hanggang 200 manggagawa.

Ayon naman sa pananaliksik ng Brookings, ang malalaking proyekto ng data center ay kadalasang nangangako lamang ng dose-dosena hanggang ilandaang permanenteng manggagawa, habang temporary lamang ang mga kaugnay na trabaho sa konstruksyon.

Ang eksaktong bilang ay nakasalalay sa tatlong bagay: ang laki ng pasilidad batay sa megawatts, kung gaano ito ka-awtomatiko, at kung gumagamit ito ng AI training hardware o ordinaryong cloud servers.

Simple ang dahilan: ang mga server ang gumagawa ng trabaho, at ang software ang nagbabantay sa mga server.

Ang mga modernong pasilidad ay gumagamit ng data center infrastructure management (DCIM) platforms na sumusubaybay sa kuryente, cooling, at kalagayan ng hardware sa buong maghapon at buong gabi. Dahil dito, maaaring pamahalaan ng isang maliit na pangkat ang sampu-sampung libong makina.

Malaking bahagi ng monitoring ay isinasagawa nang malayuan mula sa isang network operations center na maaaring sumaklaw sa maraming site nang sabay-sabay.

Natuklasan ng mga causal study tungkol sa net job flows na ang isang karaniwang data center ay lumilikha ng mas kaunting permanenteng trabaho kaysa sa isang Walmart Supercenter.

Ang paghihiwalay na ito sa pagitan ng napakalaking puhunan at napakaliit na bilang ng manggagawa ang pangunahing katotohanang humuhubog sa bawat debate tungkol sa ekonomiya ng mga data center.

Ang pera ay napupunta sa chips, kuryente, at cooling, hindi sa payroll.

Ang pinakamalinaw na paraan upang tantiyahin ang bilang ng mga manggagawa ay magsimula sa power capacity ng pasilidad na sinusukat sa megawatts (MW).

Iniulat ng Broadstaff Global noong 2025 na ang isang 12 MW facility ay karaniwang nangangailangan ng humigit-kumulang 20 full-time staff, samantalang ang isang 40 MW facility ay may humigit-kumulang 45.

Sa kabilang banda, ang isang 100+ MW hyperscale site ay maaaring patakbuhin ng 20 hanggang 40 on-site operations staff lamang, dahil sa standardized designs at remote monitoring.

Ang pinakamalaking pinagmumulan ng kalituhan ay ang pagkakaiba sa pagitan ng pagtatayo ng isang AI data center at pagpapatakbo nito.

Ang konstruksyon ay isang pansamantalang pagdami ng libu-libong skilled tradespeople; ang operations naman ay isang permanenteng maliit na daloy ng ilang dosenang manggagawa.

Ipinapakita ng Richland Parish campus ng Meta sa Louisiana, ang pinakamalaki nitong AI site, ang malaking pagkakaibang ito.

Tinataya ng Meta na maaaring umabot sa 7,500 manggagawa ang pinakamataas na bilang sa panahon ng konstruksyon, at pagkatapos ay humigit-kumulang 1,000 permanenteng posisyon kapag ganap nang operational ang buong site, ayon sa ulat ng ConstructConnect noong 2026.

Ang pasilidad ng Vantage Data Centers sa labas ng Reno ang isang matinding halimbawa: tinantiya ng mga business records na binanggit ng Data Center Map ang 73 permanenteng trabaho kumpara sa mahigit 4,000 pansamantalang trabaho sa konstruksyon.

Natuklasan ng isang pag-aaral ng Sage Policy Group para sa Maryland Tech Council noong 2025 na ang isang karaniwang 250,000-square-foot data center ay maaaring magkaroon ng humigit-kumulang 50 full-time workers, at halos kalahati sa kanila ay contractors.

Sa kabilang banda, lumaki ang global data center staffing mula sa humigit-kumulang 2.0 milyong full-time employees noong 2019 tungo sa halos 2.3 milyon pagsapit ng 2025, ayon sa mga datos ng Uptime Institute.

Kaya, bagama't nananatiling mababa ang bilang ng manggagawa sa bawat pasilidad, patuloy na lumalaki ang kabuuang workforce, dahil napakaraming site ang sabay-sabay na itinatayo ng industriya.

BASAHIN ang orihinal na artikulo sa comments sa ibaba.

Address

Quezon City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when IBON IPED posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share