10/07/2025
🌟 BARKADA KONTRA DROGA 🌟
“Barkada na Sama-sama, Laban sa Droga!”
Ano nga ba ang Barkada Kontra Droga?
Ito ay hindi lang basta school club —
Ito ay samahan ng mga kabataang may malasakit sa isa’t isa,
nagtutulungan para labanan ang masamang impluwensya ng droga,
at nagsusulong ng healthy, productive, at drug-free lifestyle.
📌 Sa BKD, natututo kami kung paano umiwas sa tukso,
paano maging matatag sa gitna ng peer pressure,
at paano maging inspirasyon sa kapwa kabataan.
Hindi kami boring —
Nagkakaroon kami ng mga fun activities, awareness campaigns, workshops, outreach, at bonding moments
na naglalayong palalimin ang pagkakaibigan habang pinapalakas ang aming paninindigan.
🎯 Ang goal namin?
Gumawa ng positive impact sa school at komunidad.
Maging boses ng kabataan.
Maging huwaran ng lakas, tapang, at pagkakaibigan.
Dahil sa BKD, natutunan namin na:
✅ Ang tunay na barkada, hindi nagtutulak pababa — kundi nagtutulungan pataas.
✅ Ang pagiging cool ay hindi dahil sa bisyo, kundi sa prinsipyo.
✅ Ang pag-‘NO’ sa droga ay ‘YES’ sa kinabukasan.
Kaya kung gusto mong maging parte ng barkadang may silbi,
barkadang may saysay —
tara na sa BARKADA KONTRA DROGA!
🛡️ Protect yourself, protect your friends, protect your future.
🚫 Say no to drugs, say yes to life.
Have fun and enjoy our BKD Club's Booth on July 11, 2025, 10:00 am – 4:00 pm on NEHS covered court. Your barkada, your choice. Choose wisely, and choose Barkada Kontra Droga. 💞
✍️ Zenon Coleen Clariza