18/06/2023
" Text to Reply "
May sasabihin pala ako sayo
Diko na kayang ilihim pa ito
Sobrang halata na ako
Alam ko naman napapansin mo
Kahit di mo binabalik mga goodnight ko
Kahit dimo pinapansin mga messages ko
Kahit di mo napapansin nandito ako
Nakatingin sayo
Matagal ko pinagisipan kung tama ba ito
Itong nararamdaman ko para sayo
Dala nga lang ba ng lungkot o talagang ikaw
Pasensya na magulo ako
Gusto ko lang sabihin na totoo ito
Dika mawala sa isip ko
Sa bawat pagpikit ng mga mata ko sa gabi
Sa bawat pagkain ko lagi kang nandito
Litong lito ako ngayon
Gusto ko magpahinga
Magpahinga na magmahal
Pero tinutulak ao ng puso ko
Para sayo