23/06/2026
Seryosong tanong, ilang "NO" bago ka sumuko sa pangarap mo? Isang beses? Limang beses? Sampung beses?
Si Melanie Perkins isang half pinay, inabot ng mahigit 100 rejections bago niya naitayo ang Canva (yes, 'yung app na ginagamit natin ngayon pang-design).
Kung stress ka o pakiramdam mo laging sablay ang mga diskarte mo ngayon, basahin mo 'to:
Nang magsimula si Melanie sa ideya ng Canva, wala halos naniwala sa kaniya.
Tatlong taon siyang pabalik-balik sa mga investors pero mahigit 100 beses siyang sunod-sunod na tinanggihan at sinabihan ng "NO." Sabi ng iba, masyado raw kumplikado at walang gagamit.
Pero imbis na umiyak at magpalit ng pangarap, nag-iba siya ng diskarte:
Nalaman niyang mahilig mag-kitesurf ang isang sikat na tech investor. Kahit zero ang alam niya sa extreme sports, nag-aral siyang mag-kitesurf para lang makasama sa mga networking events nito at makuha ang atensyon ng investor pagkatapos ng napakaraming rejections. Doon nagsimula ang break niya.
Noong ginagawa na nila ang system, nagka-error ang buong code. Dalawang taon silang walang naipalabas na produkto at walang kinita habang inuulit ang lahat sa simula.
Sa mundo ng business, halos hatol na ng kamatayan 'yung dalawang taon na walang nangyayari. Pero tinapos pa rin nila.
Ngayong taon, ang Canva ay isa na sa pinakamalaking tech companies sa buong mundo na nagkakahalaga ng mahigit $42 Billion. Sabi nga ni Melanie sa isang interview, hindi kailanman naging opsyon sa kaniya ang sumuko. Ginamit niya raw ang bawat "No" para mas galingan pa sa susunod.
Kaya kung nakakatanggap ka ng rejection ngayon sa trabaho, sa ina-applyan mo, o sa sinisimulan mong negosyo huwag mong isipin na katapusan na. Baka sign lang 'yan na kailangan mo lang baguhin ang anggulo at subukan ulit.Hindi madali ang proseso, pero parte talaga 'yan ng growth.
Kayang-kaya mo 'yan! Ikaw, ano ang pinakamatinding "rejection" na naranasan mo na lalo pang nagpatapang sa'yo ngayon? Share mo naman sa comments! 👇
23/06/2026
11/06/2026