27/04/2026
“Saan Ka Pupunta, Manininda?” ay isang proyekto kung saan ipinapakita ang sektor na bumubuo sa kaluluwa ng UP Diliman. Dito ay ating matutunghayan ang isa sa mga nagsisilbing sandigan ng ating komunidad— ang mga Manininda.
Sa likod ng bawat banana cue, carioca, mangga o ng ano pa mang meryenda ay mga pamilyang umaasa at sektor na pinanghahawakan ang kanilang espasyo sa loob ng pamantasan! ✊
Ang eksibit na ito ay pinangunahan ng mga estudyante ng NSTP-CWTS mula sa Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (CSSP) kasama ang ilan sa mga manininda ng UP Diliman. Ating tunghayan ang pakikisalamuha ng grupo sa mga manininda, abangan din ang mga laro at pati na rin ang libreng meryenda mula sa mga manininda! 🥥🍦
📅 April 28, 2026 (Tuesday)
🕰️ 9:00 AM hanggang 4:00PM
📍Palma Hall, 2nd Floor Lobby
Magkita kita tayo bukas! 🏫