28/03/2026
Taos-pusong pasasalamat ang aming ipinaaabot sa lahat ng mga sumuporta upang maisakatuparan ang proyektong Heavy Duty Amplifier ng SELG para sa ating paaralan.
Ang matagumpay na pagsasakatuparan ng proyektong ito ay bunga ng inyong malasakit, at dedikasyon sa patuloy na pagpapabuti ng ating mga pasilidad at serbisyo para sa kapakinabangan ng buong komunidad ng paaralan.
Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang lalo pang mapagtibay ang ating pagtutulungan para sa patuloy na pag-unlad ng ating paaralan.
Maraming salamat po.
-Supreme Elementary Learners Government