24/07/2026
🎉 Pagbati sa Bagong Halal na SPTA Officers ng Monte Calvario Elementary School! 🎉
Malugod naming binabati ang mga bagong halal na opisyal ng School Parents-Teachers Association (SPTA) ng Monte Calvario Elementary School.
Maraming salamat sa lahat ng mga magulang at kasapi ng SPTA na nakiisa at nagbigay ng kanilang suporta sa nagdaang halalan. Nawa'y maging matagumpay ang panibagong samahan sa pamumuno ng ating mga bagong opisyal.
Inaasahan natin ang inyong dedikasyon, pagtutulungan, at taos-pusong paglilingkod para sa kapakanan ng ating paaralan at ng bawat mag-aaral.
Muli, binabati namin ang ating mga bagong SPTA Officers! Nawa'y pagpalain kayo sa inyong panunungkulan at magsilbing inspirasyon sa ating buong komunidad.
💙 Sama-sama para sa mas maunlad na Monte Calvario Elementary School!