28/08/2026
MASAYANG PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA 2026! ๐ต๐ญ
Matagumpay na ipinagdiwang ng SAN LUIS Integrated School ang Buwan ng Wika 2026 noong Agosto 27, 2026 (Huwebes) na may temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Impormasyon".
Naging makabuluhan at masaya ang pagdiriwang dahil sa ibaโt ibang gawaing inihanda at isinagawa ng ating mga mag-aaral at g**o. Ang bawat aktibidad ay naging pagkakataon upang maipakita ang talento, pagkamalikhain, at pagmamahal sa ating sariling wika at kultura.
Taos-pusong pasasalamat kay Binibining Alyssa Francisco Valerio, Buwan ng Wika Koordineytor, sa kanyang sipag, tiyaga, at mahusay na pangunguna sa mga gawain. Maraming salamat din sa ating Punong G**o, Ginoong Johnson Gascon Gumpal, sa kanyang pamumuno at patuloy na suporta.
Hindi rin magiging matagumpay ang pagdiriwang na ito kung wala ang tulong, suporta, at pagtutulungan ng buong kaguruan ng San Luis Integrated School.
๐ Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang kulturang Pilipino! ๐ต๐ญ
Isang paaralan, isang pamilya, para sa wika at kultura! โค๏ธ๐๐ค