27/09/2024
G**o pa ba ako?
Paggising sa umaga, unang iniisip kanyang mga skwela
Handa na ba ang ituturo, powerpoint, activities at iba pa
May matutunan kaya sa araw na ito aking mga bata
Yan ang tanong sa sarili habang almusal ay inihahanda
Pagdating sa paaralan, paglilinis unang inaatupag
Walis dito walis doon mop dito mop doon upang silid aralan ay kumintab
Tulo na ang pawis bago sa aralin ay humarap
G**o pa ba ako o janitor na masipag?
Sa oras ng klase aralin ay ipinaliliwanag
Pagbasa, pagkuwenta, pagsulat, lahat ay hinaharap
May oras na nagpapatawa, umaawit, sumasayaw, nayayamot, nagagalit kapag aralin ay di macatch up .
G**o pa ba ako o artista sa pangarap
Mam, masakit ang tiyan ko,
Masakit po ulo ko, mam,
dugo po tuhod niya, nadapa po…
masusuka po ako,
matatae po ako,
mam,masakit po ipen…
Taranta na si teacher kung ano ang uunahin
Kalika sa kanyang bag, betadine at stopain
Huhugasan ang puwet ng skwelang mataihin
G**o pa ba ako o doktor kwak kawak kung tawagin?
CRLA, RMA, EGMA, PHIL IRI at napakarami pa
ASAP, due date, package report, feeding at SBM di magkandaugaga
MPS, Item analysis, tracking, research at iba pa
G**o pa ba ako o clerk sa opisina?
Ganyan kaming mga g**o jack of all trades wika nga
Lahat ay aming ginagawa, para sa mga bata
Pag may mali, may kulang, may batang di natuto at di nakakabasa
Teacher factor, teacher factor ang sinasabi nila.
Paglabas ng paaralan si mam di magkandadala
Ang daming dalang bag, inaaabot sa lima
May laptop, may backpack, may lunchbag at shoulderbag pa..
May ecobag na ang laman ay paninda???
ay hindi…. testpapers pala
Iuuwi sa bahay upang doon ay itama
G**o pa ba ako o ahente ng …………
Sa paglabas ng gate may bumati sa kanya
Mam, sakay na at ihahatid kita
Naku, salamat bunso, pero sino ka ba?
Ako po si Juan, ang dati nyong skwela
Yun hong batang malikot na lagi nyong namumura
Laging nakastay dahil hindi makabasa
Laging napipingot pagkat maingay pa
Pero salamat, mam ,sa inyong paggabay
Dahil po sa inyo maraming natutunan
Baon namin ito sa pagharap sa buhay
Mga pangaral ninyo ang aming naging sandigan..
G**o pa ba ako???
For sure, g**ong g**o pa….
Anacleta G. Atienza
MT2
Malaking Pulo Elementary School
35 years in service