07/09/2026
“Ang pag-aaral ang tanging bagay na hindi nauubos ng isip, hindi natatakot at hindi kailanman pinagsisisihan." – Leonardo da Vinci
Isang malugod at mainit na pagbati kina Aliah Nikita C. Parco at Henzchiel F. Mercado ng 10-Rizal, kasama ang kanilang masigasig at mahusay na tagapagsanay na si Gng. Evelyn M. Calderon, sa matagumpay na pagkamit ng Unang Gantimpala sa ginanap na ASEAN FESTIVAL 2026 EDDIS LEVEL para sa PROJECT MAKABANSA (COMMUNITY BASED PROJECT).
Ang kanilang makabuluhang proyekto na pinamagatang “P.L.A.S.T.I.C.: Promoting Local Alternatives for Sustainable Bioplastic Through Itch Grass as Innovative Compostable” ay isang patunay na ang kabataan ay may kakayahan o kapasidad na maging katuwang ng solusyon sa mga suliraning pangkapaligiran. Sa pamamagitan ng malikhaing paggamit ng itch grass bilang alternatibo para sa sustainable at compostable na bioplastic, naipakita nila ang kahalagahan ng pagiging malikhain, pagpapahalaga sa kalikasan, at pagiging mapanagutang mamamayan.
Ang inyong tagumpay hindi lamang isang malaking karangalan, kundi isang inspirasyon sa buong paaralan at komunidad. Tunay na ang sipag, talino, pagtutulungan, at pagmamahal sa bayan ay nagbubunga ng tagumpay.
Congratulations, Champions! Proud kami sa inyo!
📁MARISSA D. HERMOGENES
School Principal IV
📁JOHN REVIN V. DE JESUS
Assistant School Principal II
📍AP DEPARTMENT
COORDINATOR: Evelyn M. Calderon
CLUB MODERATOR: Aiza M. Marcelino
Chinee M. Villena
Gladdice M. Dorega
Janet B. Zuniga
Joseline T. Fernando
Irene S. Marasigan
Evelyn M. Calderon
Rose Anne G. Bantola
Maesie T. Dela Pena
Glenn R. Molina
Rafael Teruel Magtalas