Hidayatul Islamiyyah Learning Center

Hidayatul Islamiyyah Learning Center 📚 A space for learning, growing, and asking questions no one else answers.

We run focused training programs, meaningful discussions, and real talk on faith, life, and everything in between.

Sa mga brothers naten sa Puerto Princesa, insha allah sana maka attend po tayo 😊
22/09/2026

Sa mga brothers naten sa Puerto Princesa, insha allah sana maka attend po tayo 😊

🌙 1st JALSAMAHAN 2026 🤝
"اجلس بنا نؤمن ساعة"
Halina, magtipon tayo at palakasin ang ating Eeman kahit isang oras.

📅 September 24, 2026 (Thursday)
📍 Masjid Al-Falah
Lomboy st., Bgy. San Jose, Puerto Princesa City, Palawan

🎙️ Topic:
Ang Kahalagahan ng Pagkakapatiran sa Islam
🕰️ Oras: After Magrib onwards

🤝 Isang pagtitipon para sa pagpapalakas ng Eeman, pagpapalalim ng pagkakapatiran, at pagpapatibay ng ugnayan ng mga Muslim.

🍽️ SALO-SALO
Pagkatapos ng programa, magkakaroon tayo ng salu-salo, Inshaallah.
Maaari ring magdala ng anumang makakain upang pagsaluhan ng magkakapatid.

📢 Inaanyayahan ang lahat ng mga kapatid na Muslim sa Puerto Princesa na makiisa sa 1st Jalsamahan!

Sama-sama sa kaalaman.
Sama-sama sa Eeman.
Sama-sama bilang magkakapatid sa Islam. 🤍

Sa mga nagbabalak dumalo, maaari po kayong magpalista kay Ustadh Hassanor Mananggolo Abu Siddiyq para matansiya ang ihahandang bilang ng mga pagkain. Barakallahu Feekum

Alhamdulillah, we just wrapped up our Female Weekend Class Recognition Ceremony! Weekend after weekend, our students sho...
19/09/2026

Alhamdulillah, we just wrapped up our Female Weekend Class Recognition Ceremony!

Weekend after weekend, our students showed up for the lessons, the questions, and the learning. Today was our small way of saying we see you and we're proud of you. Barakallahu feekum!

Big thanks to Human Development Foundation Inc. and Muslim Association of Puerto Princesa - Musapric for standing with us and helping us, organizers pull this day together, to our ustadhs, thank you for your patience and sincerity in teaching, and to everyone who worked behind the scenes, Jazakumullahu khayran. Your effort didn't go unnoticed.

To our students: this isn't the finish line. Keep learning, keep asking, keep growing.

To our sisters in Puerto Princesa:
Looking to learn more about Islam and strengthen your knowledge? Our Saturday classes are open and welcoming to sisters who would like to join us.

📍 Abad Santos, Brgy. Princesa (Grand Mosque)
🗓️ Every Saturday | 8:00 AM – 11:00 AM

For more information, simply send us a message here on our page. We’d be happy to welcome you.

The full moon days for the month of Rabi Al-Thani 1448 AH are fast approaching. The Messenger of Allah (ﷺ) encouraged us...
17/09/2026

The full moon days for the month of Rabi Al-Thani 1448 AH are fast approaching. The Messenger of Allah (ﷺ) encouraged us to fast three days of every month, stating that it is equivalent to a perpetual fast.

Mark your calendars based on local Philippine tracking:
• 13 Rabi Al Thani - Thursday, Sept 24, 2026
• 14 Rabi Al Thani - Friday, Sept 25, 2026
• 15 Rabi Al Thani - Saturday, Sept 26, 2026

May Allah accept our good deeds and voluntary fasts. Tag your family and friends

  😍☝️
07/09/2026

😍☝️

Buong linggo iniaalay mo ang oras mo sa DUNYA, pero kailan mo balak bigyan nang oras ang AKHIRAH mo?

Huwag nating hayaang lumipas ang mga araw na puro dunya lamang. Maglaan din tayo ng oras para sa ating Deen.

Sa trabaho sa negosyo sa pag-aaral, sa mga responsibilidad sa buhay. Lahat ng ito ay mahalaga pero huwag nating kalimutan ang mas mahalaga, ang pag aaral ng ating DEEN.

“Whoever follows a path in pursuit of knowledge, Allah will make easy for him a path to Jannah.”
- Prophet Muhammad ﷺ

📖 Hidayatul Islamiyyah Learning Center offers FREE MADRASAH FOR ALL AGES para sa mga bata, teens, at adults.

Libre ang pag-aaral. Libre ang kaalaman. Bukas para sa lahat. 🤲

May dedicated GC ang bawat program para sa announcements, reminders, at updates.

DM us for more info.

Buong linggo iniaalay mo ang oras mo sa DUNYA, pero kailan mo balak bigyan nang oras ang AKHIRAH mo?Huwag nating hayaang...
04/09/2026

Buong linggo iniaalay mo ang oras mo sa DUNYA, pero kailan mo balak bigyan nang oras ang AKHIRAH mo?

Huwag nating hayaang lumipas ang mga araw na puro dunya lamang. Maglaan din tayo ng oras para sa ating Deen.

Sa trabaho sa negosyo sa pag-aaral, sa mga responsibilidad sa buhay. Lahat ng ito ay mahalaga pero huwag nating kalimutan ang mas mahalaga, ang pag aaral ng ating DEEN.

“Whoever follows a path in pursuit of knowledge, Allah will make easy for him a path to Jannah.”
- Prophet Muhammad ﷺ

📖 Hidayatul Islamiyyah Learning Center offers FREE MADRASAH FOR ALL AGES para sa mga bata, teens, at adults.

Libre ang pag-aaral. Libre ang kaalaman. Bukas para sa lahat. 🤲

May dedicated GC ang bawat program para sa announcements, reminders, at updates.

DM us for more info.

26/08/2026

Abangan…
Para sa kapatirang Muslim sa Puerto Princesa City

JALSAMAHAN
Pinagsamang "Jalsah" at "Samahan"

Ang Jalsamahan ay hinango mula sa salitang Arabic na Jalsah (جلسة), na nangangahulugang pag-upo, sesyon, o pagtitipon, at sa salitang Samahan, na sumasagisag sa pagkakaisa, pagkakapatiran, at sama-samang pagkilos.

Ito ay isang pagtitipon ng mga kapatirang Muslim na naglalayong magpalawak ng kaalaman sa Islam, magpalalim ng pananampalataya, magpalakas ng ugnayan ng pagkakapatiran, at sama-samang magtaguyod ng kabutihan sa ating pamayanan.

Jalsamahan - isang pagkakataon upang tayo ay magsama-sama, magpaalalahanan sa kabutihan, matuto, at higit na mapagtibay ang ating pagkakaisa sa katotohanan bilang isang pamayanang Muslim.

Ito ay hango sa Athar ni Muadh ibn Jabal na:
اجلس بنا نؤمن ساعة

Na nangangahulugang "Umupo ka kasama namin upang madagdagan at tumibay pa ang ating pananampalataya kahit isang oras."

Hatid ng mga samahang pang-Islamiko sa Puerto Princesa City, sa pangunguna ng Palawan Supreme Council for Muslim Affairs.

24/08/2026

Minsan, mas madali tayong maging mabuti sa ibang tao kaysa sa sarili nating mga magulang, pero alam mo ba kung gaano kabigat sa Islam ang pagiging mabuti sa kanila?

20/08/2026

Jumu’ah na bukas, alam mo ba ang mga dapat nating malaman bago tayo pumunta sa masjid?

Ano ang kahalagahan ng Jumu’ah? Sino ang obligadong dumalo? Ano ang mga Sunnah at adab bago ang Jumu’ah? At anu-ano ang mga karaniwang pagkakamali na dapat nating iwasan?

Sa episode na ito ng USAPANG DEEN, pag-uusapan natin ang tungkol sa Jumu’ah at ang mga bagay na dapat malaman ng bawat Muslim.


17/08/2026

Maraming bagay ang maaaring makasira ng wudhu na hindi natin napapansin. Alamin natin kung ano ang mga ito bago tayo humarap sa salah.

11/08/2026

Ginagawa mo ba ang mabuti para kay Allah, o para makita ng mga tao?

Sa panahon ngayon, kahit ang pagtulong, pagbibigay ng sadaqah, pagpapakain sa mahirap, at paggawa ng kabutihan ay puwedeng maging content.

Picture, Post, Story, Reels.
Tapos hinihintay kung sino ang mag like, mag comment, at magsasabing, “MashaAllah, ang bait mo.”

Pero habang nakikita ng mga tao ang ginawa mo, tanungin mo ang sarili mo:

Kung walang makakakita, gagawin ko pa rin ba ito?

Hindi masama ang magbahagi ng kabutihan. Pero kapag ang puso ay nagsimulang maghanap ng papuri ng tao sa halip na gantimpala mula kay Allah, doon natin kailangang mag-ingat.

Dahil ang isang mabuting gawa ay hindi lang tungkol sa kung ano ang ginawa mo.
Mahalaga rin kung para kanino mo ito ginawa.

Ayusin ang niyyah.
Suriin ang puso.
Dahil maaaring makita ng buong mundo ang iyong ginawa, pero ang Allah lamang ang nakakaalam kung bakit mo talaga ito ginawa.


Address

Tambis Road, Brgy. San Jose
Puerto Princesa
5300

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hidayatul Islamiyyah Learning Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share