Social Science Club

Social Science Club A school club in Pres. Corazon C. Aquino High School (Senior High School)

07/10/2025

As part of the opening program, Letโ€™s give applause to the Social Science Club officers for their beautiful cultural dance performance in honor of Indigenous Peoples Month!
A celebration of tradition, identity, and unity. ๐ŸŒฟโœจ

๐ŸŒฟโœจ A Meaningful Start to Indigenous Peoples Month 2025! โœจ๐ŸŒฟThe Social Science Club proudly kicked off this month-long cel...
07/10/2025

๐ŸŒฟโœจ A Meaningful Start to Indigenous Peoples Month 2025! โœจ๐ŸŒฟ

The Social Science Club proudly kicked off this month-long celebration with a meaningful Opening Program that embraced this yearโ€™s theme:
"Weaving Culture, Enriching Future: Empowering Indigenous Communities as Bedrock of Sustainable Development."
The energy, culture, and conversations we shared were just the beginning! ๐Ÿ™Œ
๐ŸŽ‰ Weโ€™ve prepared a full month of exciting activities that honor the heritage, contributions, and rights of our Indigenous brothers and sisters.
๐Ÿ“Œ Stay tuned for:
๐Ÿ“Quiz Bee Competition
๐ŸŽจPoster-making contest
๐Ÿ’ฌExtemporaneous Speech
๐Ÿ’ƒCultural Dance
๐Ÿฆธโ€โ™‚๏ธPormang Bayani

Letโ€™s continue to celebrate, learn, and stand in solidarity with Indigenous communities as we work toward a more inclusive and sustainable future.
๐Ÿ“… Donโ€™t miss out โ€“ follow us for event updates!

25/08/2025

PAHAYAG NG TANGGOL KASAYSAYAN SA PAGDIRIWANG NG PAMBANSANG ARAW NG MGA BAYANI

Kaisa ang Tanggol Kasaysayan sa pag-alala ng Pambansang Araw ng mga Bayani. Pangunahing inspirasyon sa pagdiriwang ng araw na ito ang komemorasyon sa anibersaryo ng paglunsad ng Katipunan ng paghihimagsik laban sa Espanya noong Agosto 1896. Naging daan ang rebolusyong ito upang ipamalas ang diwa ng bayan na tumitindig laban sa pang-aabuso at panlulupig.

Hindi naiwan ang diwang ito sa Katipunan sapagkat nagpatuloy ang pakikibaka laban sa mga bagong kolonisador, mula sa mga humarap sa hagupit ng brutal na pananakop ng Estados Unidos noong Digmaang Pilipino-Amerikano, sa mga nagpatuloy ng paglaban gamit ang kani-kanilang paraan (panulat at iba pang porma ng sining, protesta, mga panawagan, o digmang gerilya), hanggang sa mga buong-tapang na nagpunyagi laban sa pananakop ng mga Hapon. Ang mga pagbalikwas at pagtatanggol sa bayan ay nanatili kasabay ng paglakas ng diktadurya at mga rehimeng suportado ng nagpapatuloy na imperyalismong Estados Unidos. Patunay ito ng pag-iral ng kabayanihan laban sa anumang porma ng opresyon at panunupil. Katuwang ang Tanggol Kasaysayan sa pag-alala sa mga bayaning naging bahagi ng pagtataguyod ng diwang ito. Ginugunita rin ang mga bayani mula sa ibaโ€™t ibang sektor at hanay mula sa mga pinangalanan at hindi pinangalanan, magsasaka, manggagawa, kababaihan, LGBTQIA+, katutubo, kabataan, at iba pang mga marhinalisading grupo na naging bahagi at patuloy na nagsusulong ng tunay na kalayaan, karapatan, kapakanan, at interes ng mga mamamayan.

Hamon sa kasalukuyang panahon na hindi lamang alalahanin kung hindi pati na rin isabuhay ang mga kabayanihang ito sapagkat nananatili ang opresyon at mga bagong porma ng panlulupig. Kabilang dito ang panggigipit at pananakot ng mga Tsino sa mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea kung saan may mga teritoryong kanila ring inaangkin. Dagdag pa rito, patuloy pa rin ang presensyang militar ng Estados Unidos sa bansa na bunga ng Visiting Forces Agreement (VFA) at Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), mga patakarang banta sa soberanya ng Pilipinas. Umiiral at lumalala ang talamak na korupsyon na pinakikinabangan ng mga makapangyarihan habang naghihirap ang mga Pilipino: Mula sa mga palpak na mga flood-control projects hanggang sa mga nawawalang confidential funds na hindi maipaliwanag. Nananatili pa rin ang pang-araw-araw na suliranin ng mga maralita tulad ng mababang pasweldo at kawalang seguridad sa trabaho, pang-aagaw ng lupa sa mga magsasaka, hindi pantay na pagtrato at pang-aabuso sa mga kababaihan at LGBTQIA+, pagtindi ng krisis sa edukasyon, at marami pang iba na bunga ng mapang-aping sistema.

Tunay na malayo na ang narating ng mga sakripisyo ng ating mga ninuno at marapat na alalahanin ang mga ito at gawing inspirasyon upang mapagtagumpayan ang pakikibaka para sa isang lipunang patas na nagsusulong sa interes at batayang karapatan ng masa. Kaakibat ng paggunitang ito ay ang pagtindig para sa makabayan, makatao, at makatarungang lipunan.



๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ถ, ๐—ป๐—ผ๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจNgayong araw, August 25, 2025, ipinagdiriwang natin ang National Heroes...
25/08/2025

๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ถ, ๐—ป๐—ผ๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ

Ngayong araw, August 25, 2025, ipinagdiriwang natin ang National Heroes Dayโ€”isang araw na nakatuon sa pagkilala sa mga dakilang bayani ng ating bansa. Ating ginugunita ang mga bayaning nagbuwis ng buhay at nagsakripisyo para makamit ang kalayaan at karapatan na tinatamasa natin ngayon. Sila ay nagsilbing liwanag sa madilim na panahon, at ang kanilang katapangan ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa atin na ipagpatuloy ang kanilang laban para sa isang mas maganda at mas makatarungang Pilipinas.

Gayunpaman, ang pagiging bayani ay hindi lamang nakakulong sa mga pangalan na nakatala sa ating kasaysayan. Maging sa kasalukuyang panahon, patuloy pa rin tayong nakakakita ng mga bayani sa ating paligid. Ang mga g**o na nagsisikap na hubugin ang isipan ng mga kabataan, ang mga frontliner na nagsisilbing proteksyon sa ating kalusugan, at maging ang mga simpleng mamamayan na gumagawa ng kabutihan para sa kanilang kapwaโ€”lahat sila ay mga bayani sa kanilang sariling paraan. Ang kanilang mga sakripisyo, malaki man o maliit, ay nagpapakita ng tunay na diwa ng pagkamakabayan.

Sa pagdiriwang na ito, hamon sa ating lahat na patuloy na isabuhay ang diwa ng pagkabayani. Magsimula tayo sa ating sarili at komunidadโ€”maging matulungin, maging mapagmalasakit, at tumayo para sa tama. Ang bawat isa sa atin ay may kakayahang maging bayani sa ating sariling henerasyon. Sa pamamagitan ng pagpapatuloy sa legacy ng ating mga bayani, sisiguraduhin natin na ang kanilang sakripisyo ay hindi magiging walang kabuluhan.

Mabuhay ang ating mga bayani, noon at ngayon!

Poster by Erhica Pilare

May opisyal na gabay ang pamahalaan para malaman sino ang isang bayani. Ang gabay na ito ay bungang-isip ng mga dakilang...
25/08/2025

May opisyal na gabay ang pamahalaan para malaman sino ang isang bayani. Ang gabay na ito ay bungang-isip ng mga dakilang historyador at pantas ng bansa mula 1965.

25/08/2025

PAHAYAG NG TANGGOL KASAYSAYAN SA PAGGUNITA NG NINOY AQUINO DAY

On this day, we remember and honor former Senator Benigno "Ninoy" Aquino Jr. A man, whose life was defined by his unwavering dedication to freedom, justice, and Philippine democracy.

Son of a politician and landowner, Aquino became a journalist before joining local politics as elected mayor of Concepcion, Tarlac in 1955. He was married to Corazon โ€œCoryโ€ Cojuangco from a wealthy and prominent landowning family in Tarlac. He rose to the political ladder after becoming governor of his province in 1961. He won a senate seat in 1967 and led the Liberal Party in 1968.

A vocal opposition figure of the government, Aquino became a target of impunity when President Ferdinand E. Marcos Sr. declared Martial Law in 1972, with the backing of the US. Together with other Marcos critics, activists, journalists, and students, Aquino was unlawfully arrested and imprisoned for trumped-up charges. He remained imprisoned for eight years and was found guilty and sentenced to death in November 1977. Due to his ailing heart condition, he was allowed to undergo heart-bypass surgery in the US in 1980 where he continued to speak against the tyranny of the Marcos regime.

Despite all manner of threats to his security, he decided to return to the Philippines after three years in exile. It was a powerful act of courage and patriotism. On 21 August 1983, Aquino was assassinated while disembarking from his airplane at the Manila International Airport.

His gruesome death ignited a wave of public outrage and mass demonstrations. Many Filipinos claimed that the government was behind his murder. The people called for justice and accountability. Aquinoโ€™s death sparked a long-suppressed spirit of dissent and inspired more Filipinos to stand against the dictatorship. The years following his death would culminate into thousands of people taking to the streets of EDSA in 1986, a peaceful uprising fueled by the courage and solidarity of ordinary citizens. The Filipino people toppled the Marcos regime and restored democracy to the country.

In many ways, Aquinoโ€™s death served as one of the catalysts for this transformative and historical movement. His death elevated him to the status of a national hero and a symbol for the 1986 People Power. Aquino is one of many martyrs who offered their lives to serve the people during the US-Marcos dictatorship and whose contribution to the anti-Marcos struggle we will always cherish. This is echoed in the slogan Justice for Aquino, Justice for All.

Aquinoโ€™s death is a reminder for the Filipinos that genuine freedom is worth fighting and dying for. Following the downfall of the dictatorship, his wife, Cory, became the first woman president and his son, Benigno S. โ€œNoynoyโ€ Aquino III, was elected president in 2010. Today, the late dictatorโ€™s son, Ferdinand โ€œBongbongโ€ E. Marcos Jr. reclaimed political power as the current Philippine president.

As we commemorate the death of Ninoy Aquino, let us not only reflect on his heroism but also renew our commitment to democratic ideals, social justice, and the rule of law. More than four decades since his death, the country continues to face a recurring crisis of corruption, deteriorating educational system, poverty, and other systemic problems brought by failures of leadership in the government and the oppression engendered by US imperialism. Now more than ever before, we are called to take action, to speak out, stand up, and demand accountability from those in power. May his life and death continue to inspire generations of Filipinos to uphold the values of freedom, justice, and national dignity.

42nd Anniversary of the Martyrdom of Ninoy Aquino https://www.facebook.com/share/p/1AsyayeoBX/
21/08/2025

42nd Anniversary of the Martyrdom of Ninoy Aquino

https://www.facebook.com/share/p/1AsyayeoBX/

๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—–๐—ข๐— ๐— ๐—˜๐— ๐—ข๐—ฅ๐—”๐—ง๐—˜๐—ฆ ๐Ÿฐ๐Ÿฎ๐—ก๐—— ๐—”๐—ก๐—ก๐—œ๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—”๐—ฅ๐—ฌ ๐—ข๐—™ ๐—ง๐—›๐—˜ ๐— ๐—”๐—ฅ๐—ง๐—ฌ๐—ฅ๐——๐—ข๐—  ๐—ข๐—™ ๐—ฆ๐—˜๐—ก๐—”๐—ง๐—ข๐—ฅ ๐—ก๐—œ๐—ก๐—ข๐—ฌ ๐—”๐—ค๐—จ๐—œ๐—ก๐—ข

The National Historical Commission of the Philippines (NHCP), with the support of the Manila International Airport Authority (MIAA), led the commemoration of the 42nd Anniversary of the Martyrdom of Senator Benigno โ€œNinoyโ€ Aquino, Jr. this morning, 21 August 2025, at the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 in Paraรฑaque City.

Wreaths were offered by Senator Paolo Benigno โ€œBamโ€ A. Aquino IV (Bam Aquino), NHCP Chair Regalado Trota Jose, Jr., Human Rights Violations Victims' Memorial Commission (HRVVMC) Executive Director Carmelo Victor A. Crisanto, MIAA Public Relations Chief Feliciana J. Santos with New NAIA Infrastructure Corporation Assistant Terminal Manager Apolonio Mendoza, Bantayog ng mga Bayani Foundation, Inc. Executive Director Ma. Cristina V. Rodriguez, ATOM - August Twenty-One Movement President Volt Bohol, Dr. Michael Charleston "Xiao" Chua for NAMSERV, Ms. Rebecca Quijano for the Joaquin "Chino" P. Roces Foundation, and Mrs. Cecille Guidote-Alvarez of the Earthsaver DREAMS Ensemble.

This program is part of a series of activities organized for the commemoration of Ninoy Aquino Day by various organizations.

Senator Benigno โ€œNinoyโ€ Aquino, Jr. was a leading opposition figure during the Martial Law period. After an almost decade long period of incarceration, he went into exile in the United States to undergo urgent surgery and later rehabilitation. During his exile, he continued to champion for the rescission of Martial Law and the return of democratic rule in his homeland. On 21 August 1983, he returned from exile and was arrested by state forces upon arrival at the then-Manila International Airport.

While he was being moved into custody, he was assassinated at the tarmac of the airport which would later be renamed in his memory. His death is widely recognized as a watershed moment in the history of Martial Law in the Philippines and is often cited as one of the early manifestations of People Power after millions of Filipinos from all walks of life participated in his funeral procession. In 2004, Republic Act No. 9256 proclaimed 21 August of every year as Ninoy Aquino Day which is a special nationwide non-working holiday.

The NHCP is the national government agency mandated to promote Philippine history through its museums, research, and publications, and to preserve historical heritage through conservation and the marking of historic sites and structures.





๐Ÿญ๐Ÿฒ๐Ÿญ๐—ฆ๐—ง ๐—•๐—œ๐—ฅ๐—ง๐—› ๐—”๐—ก๐—ก๐—œ๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—”๐—ฅ๐—ฌ ๐—ข๐—™ ๐—”๐—ฃ๐—ข๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ข ๐— ๐—”๐—•๐—œ๐—ก๐—œThe National Historical Commission of the Philippines celebrates the 161st b...
23/07/2025

๐Ÿญ๐Ÿฒ๐Ÿญ๐—ฆ๐—ง ๐—•๐—œ๐—ฅ๐—ง๐—› ๐—”๐—ก๐—ก๐—œ๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—”๐—ฅ๐—ฌ ๐—ข๐—™ ๐—”๐—ฃ๐—ข๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ข ๐— ๐—”๐—•๐—œ๐—ก๐—œ

The National Historical Commission of the Philippines celebrates the 161st birth anniversary of Apolinario Mabini today, 23 July 2025.

Wreaths will be offered at the NHCP Museo ni Apolinario Mabini, Tanauan where he was born and is buried, and at the NHCP-Museo ni Apolinario Mabini - PUP which hosts the nipa hut where he resided and died.

Apolinario Mabini was born on 23 July 1864 to parents Inocencio Mabini and Dionisia Maranan. He was the secretary of the La Liga Filipina in 1893, an organization founded by Jose Rizal that advocated reforms in society and helped their members financially through their monthly contributions. Mabini later joined the Katipunan where his works, El Verdadero Decalogo and Programa Constitucional dela Republica Filipina became instrumental in the drafting of what would be known as the Malolos Constitution.

The NHCP is the national government agency mandated to promote Philippine history through its museums, research, and publications, and to preserve historical heritage through conservation and the marking of historic sites and structures.



23/07/2025

๐—ฆ๐—ข๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ ๐—ฆ๐—–๐—œ๐—˜๐—ก๐—–๐—˜ ๐—–๐—Ÿ๐—จ๐—• (๐—ง๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ผ๐—น ๐—ž๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜†๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป) ๐Ÿ“•๐ŸŒ
Get ready to explore the depths of human society, history, and culture! We're thrilled to officially introduce Tanggol Kasaysayan, the Social Science Club dedicated to fostering critical thinking, historical awareness, and a deeper understanding of our world. Guiding us on this exciting journey is our brilliant adviser, Ma'am Jessa Mae Dela Cruz! Join us as we uncover the past, analyze the present, and shape the future. History Comes Alive with Tanggol Kasaysayan!

๐˜ผ๐™ง๐™–๐™ฌ ๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™œ๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฃ 2025 Ngayong ika-9 ng Abril, 2025, ating ginugunita ang Araw ng Kagitingan. Isang araw na nakaukit sa...
09/04/2025

๐˜ผ๐™ง๐™–๐™ฌ ๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™œ๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฃ 2025

Ngayong ika-9 ng Abril, 2025, ating ginugunita ang Araw ng Kagitingan. Isang araw na nakaukit sa ating kasaysayan bilang pagpupugay sa walang kapantay na tapang at sakripisyo ng ating mga bayani. Sila ang mga Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay at kalayaan upang ipagtanggol ang ating bansa laban sa pananakop.

Bilang SSLG, kasama ang buong kapulungan ng mga mag-aaral, kami ay nagbibigay-pugay sa kabayanihan ng mga sundalo sa Bataan at Corregidor, at sa lahat ng mga Pilipinong lumaban para sa ating kalayaan. Ang kanilang di-matatawarang katapangan ay nagsisilbing inspirasyon sa ating lahat, lalo na sa aming kabataan.

Ang Araw ng Kagitingan ay hindi lamang pagbabalik-tanaw sa nakaraan. Ito ay isang paalala sa ating tungkulin bilang mga Pilipino na ipagpatuloy ang kanilang ipinaglaban. Ang tunay na kagitingan ay makikita rin sa ating araw-araw na pagsisikap na maging mabuting mamamayan, sa ating pagmamalasakit sa kapwa, at sa ating pagtitiyaga sa pag-aaral upang maging responsableng lider ng kinabukasan.

Nawa ang diwa ng kagitingan ay manatili sa ating mga puso at isipan. Hinihikayat namin ang lahat ng mag-aaral na pahalagahan ang ating kasaysayan, alamin ang mga aral na hatid nito, at isabuhay ang mga birtud ng katapangan, pagmamahal sa bayan, at pagkakaisa.

Mabuhay ang mga bayaning Pilipino! Mabuhay ang Araw ng Kagitingan!

๐—œ๐—ฆ๐—”๐—•๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ ๐—”๐—ก๐—š ๐——๐—œ๐—ช๐—” ๐—ก๐—š ๐—˜๐——๐—ฆ๐—”! โœŠโœจBilang mga kabataang lider ng Supreme Secondary Learner Government, nakikiisa kami sa buong...
25/02/2025

๐—œ๐—ฆ๐—”๐—•๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ ๐—”๐—ก๐—š ๐——๐—œ๐—ช๐—” ๐—ก๐—š ๐—˜๐——๐—ฆ๐—”! โœŠโœจ
Bilang mga kabataang lider ng Supreme Secondary Learner Government, nakikiisa kami sa buong bansa sa paggunita ng ika-39 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. Isang mahalagang bahagi ng ating kasaysayan ang EDSA, isang simbolo ng pagkakaisa, tapang, at pagmamahal sa bayan.

Ang EDSA ay hindi lamang isang alaala, kundi isang pamana na dapat nating isabuhay. Ang diwa ng EDSA ay nananawagan sa atin na ipagtanggol ang katotohanan at demokrasya. Sa panahon kung saan laganap ang mga maling impormasyon, tungkulin natin bilang mga kabataan na maging mapanuri at ipaglaban ang katotohanan. Ang demokrasya ay hindi lamang isang salita, kundi isang gawaing nangangailangan ng aktibong pakikilahok.

Kinakailangan din na tayo ay maging aktibong bahagi ng pagbabago. Ang EDSA ay nagpakita na ang sama-samang pagkilos ng mga mamamayan ay may kakayahang magdulot ng malaking pagbabago. Huwag tayong matakot na ipahayag ang ating mga saloobin at makilahok sa mga makabuluhang gawain para sa ating komunidad at bansa.

Mahalaga rin na magpakita tayo ng pagmamalasakit sa kapwa. Ang diwa ng EDSA ay pagmamahal sa kapwa at pagkakaisa. Tulungan natin ang mga nangangailangan at maging instrumento ng pag-asa sa ating lipunan.

Higit sa lahat, pahalagahan natin ang ating kalayaan. Ang kalayaan na ating tinatamasa ngayon ay bunga ng sakripisyo ng mga nauna sa atin. Pahalagahan natin ito at gamitin sa makabuluhang paraan.

Kasabay nito, buong tapang rin kaming nakikiisa sa panawagan na panagutin ang mga kurap na opisyales ng pamahalaan. Hindi natin dapat pahintulutan ang anumang uri ng pang-aabuso sa kapangyarihan. Ang tapat at responsableng pamamahala ay pundasyon ng isang maunlad na bansa.

Bilang mga kabataan, tayo ang pag-asa ng bayan. Gamitin natin ang ating boses at lakas upang isabuhay ang diwa ng EDSA. Maging aktibo, mapanuri, at makabayan.

Mabuhay ang diwa ng EDSA! Mabuhay ang Pilipinas!

Address

Port Area

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Social Science Club posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category