Balesin ES SPG FB Page

Balesin ES SPG FB Page

Share

It is a school organization aims to develop and enhance unity of students studentry.

02/07/2022

【M】【E】【N】【S】【A】【H】【E】

Sa lahat ng magsisipagtapos, magulangin, mga g**o at kawani ng mga paaralan, taos-pusong pasasalamat at pagbati ang aking ipinaabot sa lahat!

Kumusta po kayo?

Mahigit na dalawang taon na rin ang nakalipas mula nang hagupitin tayo ng pandemya! Naapektuhan ang ating mobilidad sa labas ng tahanan, maraming buhay ang binawi at nalugpo ang ilang kabuhayan. Napilitan tayong pansamantalang sarhan ang tarangkaran ng ating mga paaralan. Ngunit sa kasalukuyan, dahan-dahan na tayong nagsisimula para sa muli nating pagbangon sa krisis na ating naranasan.

Maraming bagay ang hindi na natin maibabalik, tulad ng mga araw na lumipas, mga pagtitipong kasama ang mga kamag-anak na di-nadaluhan, mga kaibigang dapat makasama subalit hindi napagbigyan. Mga tagpong nakapanghihinayang ngunit magkaganoon man ay dapat yakapin at tanggapin. Subalit, bakit dapat tayong magalak? Sa pamamagitan ng ating mga panghihinayang, marami pa ring bagay ang ating naisakatuparan, at natutuan at mga pananabik na lalong pinatindi ng pag-ibig. Ganyan din ang sitwasyong ating kinanalalagyan sa ngayon. Bagama’t mahirap malaman ang tunay na kalooban ng Diyos sa gitna ng mga pagsubok, isa lang ang dapat nating panghawakan, lahat ay kayang lampasan kung may tiyaga at tiwala sa Maylikha.

Pangarap, ano nga ba ang nais ninyong marating sa hinaharap? Panghawakan ninyo ang inyong pangarap habang inaalaala ang sakripisyo ng inyong mga magulang at tagapagtaguyod. Gawin ninyo itong inspirasyon na tulad ng lamparang tumatanglaw sa dilim. Tiyak na hindi sigurado ang bukas. Wala naman talagang sigurado. Nakalipas na ang kahapon at hindi na maibabalik pa. Ang tangi nating mapanghahawakan ay ang ngayon; ang kasalukuyan ay regalong nasa ating mga kamay. Ngayon ka magsikap, ngayon ka kumilos. Kung nababagabag ka sa hakbanging tatahakin, pagdaupin ang mga palad sa panalangin, at huwag sukuan ang iyong mga pangarap.

Mga mahal kong magsisipagtapos, kayo ang guguhit ng inyong kapalaran kaya pag-ibayuhin pa ang lakas ng loob at sipag. Bukod sa kaalamang natamasa ninyo sa mga libro at kagamitang pampagkatuto na ipinunla sa inyong mga isip, laging isadiwa ang pagiging maka-Diyos, makatao, makakalikasan, at makabansa. Ang mundo ay para sa inyo at para sa lahat. Isama ninyo sa inyong mga hangarin ang mapabuti ang inyong lipunang ginagalawan upang sa gayon ay maging mas maunlad ito at pakinabangan pa ng susunod na henerasyon. Kaya mong maging sinoman na iyong naisin basta’t pag-ibayuhin pa ang sipag sa pag-aaral. Gamitin sa tama ang kaalaman. Maging matapat sa lahat ng oras, at igalang ang mga taong nakakadaupang-palad dahil ang respeto ay kusang bumabalik sa marunong magbigay nito.

Pagsubok—kayapos na ito ng buhay natin, katulad ng isang mangangasong pinatipuno ng marahas na kagubatan, o pinatibay ng pabago-bagong panahon. Wala kang sibat o sundang, ngunit handa sa mabangis na tigreng nakaabang. Hindi ka balot ng takot sapagkat napagtagumpayan mo na ang iyong sarili, kasama ng mga taong nasa iyong tabi. Nariyan ang iyong pamilya at mga kaibigang masasandalan. Nawa’y hindi mawala sa listahan ng dapat mong pasalamatan ang iyong mga g**o, na walang sawang gumabay at nagturo sa iyo ng mga araling minsa’y kayhirap unawain. Napapagod o napupuyat man, hindi ka nila kailanman nagawang sukuan. Higit sa lahat, kung sumapit man ang oras na ika’y malugmok sa kumunoy ng kawalang-pag-asa, wala kang pangamba dahil alam mong kakayanin mo ang lahat ng ibibigay Niya.

Kahirapan ng buhay, layo ng silid-aralan mula sa maliit mong tahanan, kasalatan sa makabagong teknolohiya, kumakalam na sikmura, unipormeng pinamana ni ate o kuya, mga bagay na tila hindi mo makuha—nakalulungkot isiping hamon pa rin ang mga karanasang ito sa paglipas ng mga taon. Tila kamay ng orasang paikot-ikot lamang ang direksyon. Ganunpaman, walang makahahadlang sa pusong pinag-alab ng katatagan at inspirasyon. Kaya naman sa huli, masasabi ninyo sa inyong sarili: sintamis pala ng pulot ang tagumpay, at di- hamak na mas matamis kung ibinahagi sa mahal sa buhay!

Maging katulad ng punong Mulawin, matatag sa mga hamon ng panahon. Hindi natitinag sapagkat matibay ang ugat—ang inyong mga pangarap. Gayundin, taglayin ang katangian ng matatayog na Kawayan; tumutungo, sumabay sa hampas ng hangin o bagyo. Ang pag-angkop sa pabago-bagong sitwasyon ay isang makabagong kakayahang dapat ninyong linangin sa inyong paglago at paghayo. At anoman ang marating, huwag makalilimutang yumuko sa pagpapakumbaba, at lumuhod nang nagpupuri sa Amang Lumikha.

O kumusta? Kakayahin ba?

Opo, kayang-kaya! Dahil kayo ay mga Gradweyt ng K-12: Masipag sa mga Pangarap at Matatag sa mga Pagsubok. Baunin ninyo sa inyong paglalakbay ang mabubuting aral na itinuro ng Inang Paaralan. Marami ang naniniwala sa kaya ninyong ibigay sa mundo. Hangad ko ang inyong tagumpay simula ngayon.

Padayon!

ELIAS A. ALICAYA, JR.
OIC-Tagapamanihala ng mga Paaralan
Dibisyon ng Quezon

23/03/2022

ANNOUNCEMENT!
"Early Registration for SY 2022-2023"
March 25-April 30, 2022

📍BALESIN ELEMENTARY SCHOOL

📢 Bilang paghahanda sa pagbubukas ng SY 2022-2023, ang Balesin Elementary School ay magsasagawa ng "Early Registration". Inaanyayahan ang mga magulang (guardian) ng mga sumusunod na magpalista:

📌Kindergarten: Mga batang limang (5) taong gulang sa o bago mag Oktubre 31, 2022 (DepEd Order No. 47, s. 2016/DepEd Order No. 20, s. 2018)

📌Grade 1: Mga batang nakapagtapos ng Kindergarten sa S.Y. 2021-2022 (mga batang Kindergarten ngayon).

📌Transferees: Mga batang mula Grade 2-Grade 6 na nagnanais lumipat sa Balesin Elementary School.

📌Balik-Aral: Mga batang nagnanais bumalik sa pag-aaral.

Mga dokumento na kailangang isumite:

📌 Kindergarten
▪️ Photocopy ng PSA Birth Certificate
▪️ No PSA Birth Certificate: Magpasa ng photocopy ng alinman sa sumusunod *NSO Birth Certificate/Local Live Birth/Barangay Certification/Late Registration Form
▪️Modified Basic Education Enrollment Form

📌Grade One
▪️Batang Kindergarten completer.
▪️Original Kinder Report Card
▪️ Photocopy ng PSA Birth Certificate
▪️No PSA Birth Certificate: Magpasa ng photocopy ng alinman sa sumusunod *NSO Birth Certificate/Local Live Birth/Barangay Certification/Late Registration Form
▪️Modified Basic Education Enrollment Form

📌Transferees (Grade 2 to Grade 6)
▪️Modified Basic Education Enrollment Form (Ito'y maaaring makuha sa paaralan kung saan magpapalista)
▪️Original Report Card (SF9) na may pirma ng Adviser at Principal
▪️Photocopy ng PSA Birth Certificate

Kung may katanungan at nais na linawin, maaaring bisitahin ang page ng paaralan.

Balesin ES Learners, Parents and Teachers Group

‼️Mahalagang Paalala‼️
☑️Siguraduhin lamang na sumusunod sa mga safety protocols na ipinapatupad sa ating paaralan.
☑️Palaging magsuot ng facemask.
☑️Magdala ng sariling ballpen.

Maraming Salamat po!

"MAKAPAG-ARAL AY KARAPATAN MO!
MAGPALISTA NGAYONG MARSO!"




Photos from Balesin ES SPG FB Page's post 30/06/2021

Ipagpatuloy ang pagiging makakalikasan.
Magtanim at mag-ani







13/11/2020

https://www.facebook.com/359105487482485/posts/4160676193992043/

📢 CALL FOR REGISTRATION

In celebration of the National Students' Day, the Department of Education (DepEd) together with the National Youth Commission (NYC) will be conducting a virtual celebration to recognize the "value of inculcating the love of country and social responsibility among the youth".

Anchored to the DepEd Core values Maka-Diyos, Makatao, Makakalikasan, and Makabansa, DepEd through the Bureau of Learner Support Services - Youth Formation Division (BLSS-YFD) will be leading the celebration with the theme "Mag-aaral na Pilipino, Palaban sa Buhay Gamit ang Puso, Galing at Talino".

The virtual celebration will be on November 17, 2020, from 2:00 PM to 6:00 PM. Free registration is open until November 17 at www.blssyfd.weebly.com.

For more information and updates, follow DepEd Tayo - Youth Formation on Facebook.

04/10/2020

A parent post her message and admiration especially for Balesin Elementary School teachers and to all teachers in the whole world.


Want your school to be the top-listed School/college in Polillo?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Website

Address

Polillo
4339