03/06/2025
📣 PAANYAYA PARA SA BRIGADA ESKWELA AT ENROLLMENT 2025! 🛠️📚
📅 Hunyo 9–13, 2025
📍 Maluanluan Elementary School
🎯 Tema: "Brigada Eskwela: Sama-sama para sa Bayang Bumabasa"
Tara na’t magkaisa! Sama-sama nating ihanda ang ating paaralan para sa pagbubukas ng klase! Inaanyayahan namin ang mga magulang, g**o, mag-aaral, alumni, barangay officials, at mga kaagapay sa edukasyon na makibahagi sa ating Brigada Eskwela 2025.
🧹 Magka-kapitbisig sa paglilinis
🔧 Magtutulungan sa pag-aayos at pagkukumpuni
📖 Magsusulong ng masiglang pagbabasa para sa bawat bata!
Anumang suporta—pawis, panahon, kagamitan, o simpleng presensya—ay malaking hakbang para sa kinabukasan ng ating mga mag-aaral. 💙
📌 Tulong-tulong, sama-sama, para sa Batang Maluanluan!